My Chinese New Year

Aside

hello, musta kayo mga ka blog

Friday pala ngayon. Walang pasok at holiday, Chinese New Year.
Dahil sanay ang katawan ko ng 5 working days, feeling ko Saturday kaya todo pahinga ako. At sa sobrang lamig dito, plano kong magsimba na ngayon kesa bukas.
At iyon ang nakakatawa. Magpapa bless kasi ako ng kandila. Presentation of the Lord tuwing ika-2 ng Pebrero, ito yung mas kilala bilang Candelaria.
At excited nga ako, ako ay gagayak na buti na lang at napatingin ako sa telebisyon at nagtaka kung bakit may TV patrol..
Ayun utas na ng tawa.
kung nagkataon, nakakahiya…
dahil mag isa akong pupunta sa simbahan na may dalang kandila..

This is how i celebrate Chinese New Year…
Is it amazing…

kung hei fat choi…

Advertisements

usapang gadgets

Aside

Ang haba ng bakasyon, at nakiisa pa ang masamang panahon. #labuyoPh, napagdiskitahan ng mga pamangkin ko ang aking bagong bigay na phone habang nagkukwentuhan sila nina Mamita.(habang ako ay nakikinig sa di kalayuan, abala sa pagkain.. 😀

Pamangkin: Lola Bhe, ang ganda ng phone ni Ninang (syempre ninang  ang tawag sa akin ng lahat ng mga bata sa compound kahit di ko naman sila inaanak.)

Mamita: yan ga ang Innova? (nokia lang ang alam na phone ni mamita, yun kasi ang phone niya, ayaw n’ya ng samsung kasi mahirap daw mag slide) 🙂

Pamangkin: Hindi po eh, nakasulat Lenovo. (na confuse yata, tinanong ako)

Pamangkin: Ninang, ano ngang name ng phone mo Innova o Lenovo?

Ako: Lenovo, ang Innova, yung sasakyan.. 🙂

Pamangkin: Lola Bhe, Lenovo nga,

(nang ma lowbatt)

Pamangkin: Lola Bhe, alin dito ang charger ng phone ni Ninang (syempre magkakasama ang lagayan ng mga charger ng phone namin sa bahay)

Mamita: yung may eS-U-Be ang saksakan.. (anu raw)

Utas na ko sa pagtawa….

.

.

.

.

Maulang umaga..

Ingat po tayo ..:)