DIET: Do I Eat Today?

D..dito sa opisina
…Lagi na lang akong kinakantyawan
…Wala na raw pag-asa ang aking katawan
…Kung titingnan nga tila maaalibdbaran
…Inihahalintulad lagi sa Coca Cola in can.

I..ito’y ginawang katuwaan
…na kailangan kong pumayat sa loob ng apat na buwan
…Kaya No-Meat Diet ang aking pinagkaabalahan
…Hindi muna ako sumama sa kanilang mga gimikan.
…Kinalimutan ko muna ang lahat ng kainan.

E..ehersisyo tatlong beses kada linggo
…Lakad lakad din ako ng halos isang kilometro
…alas-otso ng gabi kailangang tulog na ako
…at sa umaga’y gising na ako ng alas-kwatro
…Hindi pala kailangan gumastos ng todo
…Disiplina sa sarili ang tanging puhunan ko.

T..Tuwang-tuwa sila ng magtimbang ako
…Waistline kong 32, naging bente-otso
…Biru-biruan sa simula hanggang ako’y naging seryoso
…Sa bandang huli ako pa rin ang panalo
…dahil ngayo’y seksi na ako.
.
.
.
.
~yeHey~
06.28.13

Advertisements

PUSH- Pray Until Something Happens

Aside

Tinapat na kami ng doktor ukol sa kalagayan ni Papitot, tulad din ng suspetsa namin ni Mamita, yun nga ang karamdaman ni Papitot, ganun pa man sabi ni Mamita, hwag mawalan ng pag-asa.
.
.
Ilan hospital at opinion na rin ng mga doktor ang aming hiningi pero in the end pare-pareho sila ng findings.
.
.
Nagpunta na rin kami sa mga kilalang albularyo, pero in the end.. walang pagbabago sa kondisyon ni Papitot.
.
.
Ito na nga siguro ang isa sa pinakamalaking pagsubok na kinakaharap ng pamilya.
.
.
.
Sa ngayon, kailangan naming paghandaan ang lahat, anumang oras dapat kaming maging HANDA…
.
.
At tulad ng lagi kong sinasabi kay Mamita….
PUSHPray Until Something Happens..
.
.
Mabuti o masama mang balita ang maging dulot..
.
Sana maihanda na rin namin ang kalooban ni Papitot..
.
at sa mga nagpapadala ng tulong pinansyal, moral at espiritwal at patuloy na sumusuporta ..lubos po ang aming pasasalamat..
.
.