~Tungkol sa Blog~

Hello Friends,

Maligayang pagbisita sa aking munting Taguan, yes NKblogNKo.

Mahilig akong magsulat, magtala ng kung ano-ano para hindi ko makalimutan ang mga pangyayari sa araw-araw. Hindi ako nawawalan ng lapis o ballpen at notebook sa aking bag. Magbasa at magsulat para lumusog ang utak.

Isang araw, habang ako ay sakay ng isang pampublikong sasakyan, bunga ng kapaguran, naiwan ko ang aking isang bag na naglalaman ng aking journal.

Malungkot ako, dahil iyon lamang ang aking kakampi sa araw-araw, doon nakasulat ang aking mga saloobin, hinaing, kaadikan, kabaliwan, karanasan, gastusin, kadramahan at kaekekan, mga lihim na pag-ibig, bawal na pag-ibig, mga tinipon kong tula at mga quotes na tumatagos sa puso, atay, balunbalunan at bituka.

At dahil sa pangyayaring iyon, natagpuan ko ang aking sarili na gumawa ng journal sa aking computer pero wala ring silbi ng kailangan i format, nawala ulit lahat…

Back to zero ang lahat, hanggang isang kaibigan ang nagsabi sa akin, ibahagi mo na kasi sa publiko, try mo kayang mag blog, wala mang aral na mapulot sa sinusulat mo at wala man magbasa ng sinulat mo at least nagagawa mo ang gusto mo.

Kaya doon nagsimula ang lahat kaya ngayon N K blog N Ko!
================================

Ang inyo pong mababasa ay hango sa aking mga karanasanan, saloobin, opinyon, mga akda at kwentong sinulat para ibahagi sa lahat ng mapapadpad sa aking munting taguan.

Ang mga post po na inyong mababasa ay pawang impormal kung kaya’t hindi alintana ang mga maling spelling, gamit ng tuldok, tandang pananong, koma at iba pa.

Ang mga puna po na mababasa sa bawat post ay mga opinyon ng mga mambabasa, kung nais pong maglagay ng puna, mangyari po lamang na ito’y hindi mapanirang puri na direktang bumabanggit sa isang indibidwal.

Kaya’t samahan nyo ako

Click here. para simulan basahin ang aking munting taguan..
.
.
.

~yeHey~

============================================================

the day

8 thoughts on “~Tungkol sa Blog~

  1. gusto ko ang linyang, “tumatagos sa puso, atay, balunbalunan at bituka.” teka bawal i-like ang about page? salamat po pala sa iyong pag-follow, dahil dyan pa-follow din kita. follow-han na lang tayo.

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s