kwentong blog ko

Makwento akong tao, sa sobrang dami kong kinukwento hindi ko na minsan alam kung kanino galing ang kwento, pero kapag galing ang kwento sa mga magagaling magkwento. Tiyak napapakwento ako ng todo.

Kaya ano nga ba ang kwento ko

Dala na rin siguro ng kabagalan ng oras sa kwartong kinalalagyan ko, kaya nagawa kong magbukas ng libro. Paulit-ulit ko ng nabasa kaya medyo wala ng trill, napatingin ako sa sa laptop na dala ko, pero di ko magawang gamitin dahil wala namang internet connection sa lugar na kinalalagyan ko, pero may kasabian, kapag gusto may paraan. Viola via magic broomstick

Nagulat ako ng magbukas ako ng account ko sa twitter, nakiki-tweet din kasi ako minsan, pa tweetums,

Ano nga pala ang nabasa ko sa twitter account ko? Ah, yung tungkol kay MMDA chairman at Dan Brown, nagulat kasi ako, sabay tanong kung ano naman ang masamang naisulat ni mr. Brown kaya kinamusta ko si kuya google para makarelate sa pangyayari

Pero iba ang binagsakan ko, dahil may bahagi sa laptop na nakatawag ng pansin sa mata ko, ang kwentong blog ko.

Kaya bago ko makita ang tuyong tinta ng bolpen, ikukwento ko sa inyo ang isang masayang gawain ko sa mundo ng blogging.

Sabi ni Bagotilyo ang aking online superhero, libre lang mangarap sa damuhan, totoo naman lalo na at malawak ang harapan tulad ng aking kinamulatan sa kabundukan, kapag tumingin ka sa gawing kanan, tubuhan; gawing likuran niyugan; gawing kaliwa palayan at sa harapan ay gulayan. Simpleng pamumuhay ika nga at habang nakahiga ka at patinga-tingala, lalo na at ganitong bakasyon, masisilayan mo ang paglipad ng saranggola na pag-aari ni hibang.

Ito ang buhay na kinasanayan ko, pero sabi nga kahit de-uling ang gamit ko maka connect lamang sa mundo, umakyat man ako sa bubungan para sa mas malinaw na connection, nagawa ko pa rin sundan ang bawat updates na nagbibigay sigla sa aking kamalayan.

Matagal na din lumipas, dala ng kabagalan ng connection ko pati na rin ng updates na hinihintay ko, na adik ako sa Farmville, Petville, Cityville lahat ng ville hanggang ma discover ko ang dami ko ng bilbil.

Wa ma sey, kaya matapos ang lahat binalikan ko ang mundong minsan ay naging dahilan ng gabi-gabi kong pagpupuyat. Ang magbasa ng blog.

Pumunta ako ng kamaynilaan, pusangkalye, nganga ako ng napatingala ako sa nakikita kong sasakayan na animo’y lata ng sardines dahil siksikan, na curious tuloy ako, bumaba ng bus at sinundan ng pag-akyat ng tao. Nakita ko sa nakasulat Bonistation, put – taragis oh nosebleed ako sa nabasa ko, kaliwa o kanan ba ang punta ko, at bumukas ang pintuan ng MRT, olala ang daming papa na nagsisiksikan, napaisip ako kung makikisiksik ba ako. Natanong ko tuloy sa sarili ko, kapag sumiksik kaya ako dito, pagdating ko kaya ng north avenue eh buntis ako. Ang daming wafu, nag ku kumagcow ako, tulo-laway, pero dahil hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko, natanaw ko ang tambay na si Myr may dalang 25pesoscupnoodles, oh diba parang kwentong kokomban lamang,

Sa mga sandaling iyon di ko namalayan na tila inabot na ko ng kadiliman, feeling nite writer este nite rider ako: when everyone sleeps, my mind wanders. Gusto ko ng bumalik sa aking tahanan, pero biglang na heck heck ako, akalain mo kapitbahay ko pala si professional heckler. pero syempre snob ako,
Di naman niya alam na kababayan niya ako.
Pero okey lang naman kasi natagpuan ko naman ang aking kalakbay at katoto na isang bluguy, batang blu, tatak blu, kulay blu
.
.
.
.

Excuse po, sabi ng babaeng naka puti,
Narito na po ang ipapalit na dugo para kay tatay.

Whew, Thanks God, matapos ang apat na araw na paghahanap ng dugo, heto na nasasalinanan na rin

Matapos ang proseso, nakahinga ako ng maluwag,
.

.

.Lumapit sa tabi ko ang nurse sabay tanong, ay nagbabasa ka rin pala ng professional heckler?

At napangiti ako.

Hindi lang kaya sa kanya, itong lahat ng naka open sa tab ko oh.

Ayos ah..May Blog ka

Ngumiti ulit ako.. hmm

Tagahanga po nila ako.

Ah…

Iwan mo sa akin yung mga site ha, mabasa din

sure, oki doki nur es
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Ngayon, ika-anim na araw na at umuwi ako, para ihanda ang silid dahil bukas uuwi na si tatay

Its Kevincible diba, hindi ko namalayan, time really flies so fast, nagawa kong balikan ang lahat ng sinulat nila sa loob ng anim na araw.
.
.
.
Oh siya, tama na muna ang kwento ko,
.
.
.
Magbabasa muna ako ng mga resetang ipapa inom ko bukas kay tatay
.
.
.
.

P.S.

Ako’y isang masugid na tagasubaybay sa inyong mga sinulat at ngayon ay nagagalak na sa munting espasyo ay aking naisulat na mula ng ako’y magsimulang magbasa ng inyong blog mga apat na taon na rin ang lumipas, ako ngayon ay natutong sumulat ng sariling blog, malaya kong naipapahayag ang aking munting pasasalamat na kahit sa panahon ako ay hirap, may kasama akong mga magagaling mag blog.

05.25.13
~yeHey~

ToT ni Saling Kuting

Habang inaayos ko ang mga sirang computer kanina sa opisina, Technician din kapag may time 🙂 pinilit kong magawan ng paraan mabuksan muli ang matagal na na-imbak at napag-iwanan na ng panahong CPU. Halos isang taon na rin di iyon nabubuksan at may mga mahahalaga pa ring files na naka-imbak sa hard disk, kaya kahit may kalumaan na at dated 2005 pa ng binili ang set ng computer na iyon, kinalikot ko pa rin at nagbabaka-sakaling mayroong himala.

Napaisip tuloy ako ng himala
Hmm, kung sinabayan ko ng panganganak mula ng mapa sa opisina ang CPUng kinakalikot ko, may Grade IV na ako ngayong pasukan panigurado yon. 🙂

Masinop ako sa gamit, lagi naman, yung tipong hanggat gumagana walang palitan, muli kong tiningnan kung may pakinabang pa rin ba ang set ng computer dahil ayon na rin sa #report ay sira na ang harddisk dahil nag hahang na at nag auto shut-down.

May pag-asa pa akong natatanaw. Kinalikot at pinagtyagaan kahit tagaktakan na ang pawis. Ni reformat at kung anu-ano pang ritwal mag bukas lamang at charan….

Abra Kadakra Bulaga at gumana pa rin at nasilayan ang mga natatagong files, photos at kung anu-anong anek sa buhay.

Doon ko nakita muli ang aking list of sites na tinatambayan gamit ang mahiwagang smartbro, wala pa kasi kaming unli connection dati eh, wala pang signal sa bundok.

Ang mga site at password kung saan ako nag-join
May friendster account pa ko at :bulong: ko na lang yung isa 😉

Nakakatuwang mabuksan kong muli at basahin ang mga natatanging Thoughts, Quotes, Sayings at Photos na naka save sa hard disk.

Oh diba bonggang meow ang arrival ko.

Natitira pa rin ang copies ng mga sinulat ko sa blogger at tumblr.
Yes may account na ako before sa dalawang nabanggit pero dahil may stalker ako, Showbiz lang, i deleted all those accounts in 2010.

Lately ko na lang kasing nakita ang wordpress ng magsimula ulit akong magsulat. Mas feel ko kasing magbasa kaysa magsulat dati pero dahil gusto kong i follow yung mga finollow ko na here nag open na ako ng wordpress account ko. ~yeHey~ at yung fina follow ko sa blogger thru networked blog na lang kasi lately na rin lang ulit ako gumawa ng gmail account. Kainis kasi yung stalker ko, nawala tuloy ang TOT KO. (di uTOT yun ha)

Kaya habang nagbabasa, muling bumalik sa aking ang N K blog N Ko! which reminds me to share, to write, to inspire and to grow. (at kung matagpuan muli ako ng dakilang stalker ko) beng bengan na lang kami.

So what about TOT ni Saling Kuting
I’m Nothing but a SECOND RATE trying hard COPY CAT

Ginawa ko ang TOT ni Saling Kuting kaya kung mapapansin nyo may ~TOT Ko To~ sa itaas na bahagi katabi ng tungkol sa blog na ito.

Ang lahat ng nasusulat na TOT ay sinipi ng abang lingkod sa mga sites, books, text messages na ipinadala, mga subscriptions at mga biglaang nabasa. (kaya kung pag-aari po ninyo, magdiwang kayo dahil ako’y isa ninyong tagahanga)

Pero syempre ito pa rin N K blog N Ko! ang taguan ko. Ito kaya ang Original wife ko, este ~meow~ ko.

Tot ni SK
Kaya hayaan nyo akong mag post ng TOT ni Saling Kuting today

“When two friends get together
they are like two batteries
If one is low on batt, the other can help
recharge the energy level”

FRIEND 2363
05.21.05

At kung bakit TOT ni Saling Kuting?

Hindi ka naman saling pusa dito, isa kang saling kuting

At nagtawanan sila, Ako ang tinutukoy nila, dahil ba maliit ako kaya hindi ako pwedeng tawaging pusa. Kuting nga lamang ba?

~meow~