Sulat ni Tatay

Isa sa tambayan ko ang damuhan.com, siguro dahil natutuwa ako kay sir Bino, suplado man ang looks pero friendly, siya siguro ang unang blogger na nakilala ko hindi man in person pero he never turn down ang aking friend request mapa FB o twitter man. #damuhan fanatic.. Ayiii…At sa kanya rin nagsimula ang aking hilig magbasa ng iba’tibang bloggersite hanggang makarating ako sa WP kung saan gumawa ako ng sariling taguan. Syempre ibang kwento na yung aking mga sinusubaybayan dito sa WP.

Pero bakit napag-usapan ito, May #DearDamuhan portion kasi sa #damuhan kung saan may nagpapadala ng liham at may isang blogerong inaanyayahan si Sir Bino para magbigay ng payo.

At ngayong araw nga, The family guy at si kaibigang fiel ang magbibigay payo.

Para sa kabuuan basahin ito Dear Damuhan: The Family Guy at si Fiel-Kun.

Nais ko sanang magbigay ng komento pero di ko nagawa dahil usapang tatay ito, bigla kong na miss si +Papitot, Siguro dahil alam kong mas mahirap ang dinanas na hirap ni papitot.

Kaya habang break kanina, naalala ko ang compilation ko ng mga letter na naipon ko sa retreat/recollection na ibinigay ko.
At heto nga, pinalitan ko lamang ang name ng anak at tatay.

hindi ko mapicturan at wala akong camera at cellphone, bawal sa opisina eh.

letter dated October 27, 2007

Dear Anak,

Bata pa lamang ako ng mag-asawa, nagkaroon ng anim na anak at dahil dito hindi na nakatapos ng pag-aaral ang aking asawa. Lumalaki na ang aking pamilya, kaya’t napagpasyahan kong mangibang bansa upang doon makipagsapalaran upang mabigyan ng magandang bukas ang aking mga anak.

Mahirap ang kalagayan ko sa ibang bansa, May panahon na kumakain ako ng tira-tira para lamang maka survive, Nagtatrabaho ng labing apat na oras upang maka-ipon at maipadala sa aking pamilya. Tinitiis ang mala sibuyas na amoy ng mga amo kong hindi ko alam kung kailan huling naligo. Hindi madali ang lahat sa simula lalo na kapag maysakit ang aking mga anak, Wala ako sa tabi ng kanilang nanay upang damayan sa pag-aalaga, Wala ako tuwing may malalaking okasyon tulad ng Pasko, Maraming kaarawan ng aking anak ang hindi ko sila kasama, Laging tatlong taon ang aking kontrata. Mahirap mawalay sa pamilya ng maraming taon, hindi ko man lamang nakita at nasubaybayan ang aking mga anak hanggang sa kanilang pagbibinata at pagdadalaga. Ilang beses na ako’y pabalik-balik ng bansa. Tunay na mahirap malayo, pero kailangan dahil dito ay matutugunan ko ang lumalaking pangangailangan ng mga mahal ko sa buhay.

Sa mga sandaling wala akong iniisip kundi ang aking pamilya, may mga pagkakataon hindi ko mapaglabanan ang tukso dala ng pangungulila, Oo, nambabae ako, nagsugal, nagkaroon ng bisyo. Dumating ako sa punto na hindi nagpapadala ng pera dahil na rin sa pagliliwaliw upang bigyan kasiyahan ang sarili ko.

Alam kong sa kabila ng aking pagkukulang at hindi man kapiling ang aking mag-iina, nagpapasalamat ako sa aking panganay na tumatayo bilang ama habang ako’y wala. Masakit man pero kailangan tanggapin lalo na ng mag-asawa ng maaga ang isa sa kanila, pero ito ang buhay, wala akong lagi sa tabi nila upang magabayan ng todo. Masakit sa akin ang lumayo pero alalang alang sa kanila, tiniis ko

Alam kong sila’y nasa kasibulan na at unti-unti ng humaharap sa realidad ng mundo. Ang tangi ko lamang masasabi. Maikli ang buhay, Hindi magtatagal ang inabuso kong katawan ay unti-unti na ring manghihina, magkagayon pa man, Masaya ako dahil alam kong hindi man ako perpektong AMA alam kong hindi naranasan ng mga anak ko ang kumain ng mga tira-tira tulad noong ako’y nasa ibang bansa pa.

Sa inyo mga anak ko, hindi man naging masaya noon ang buhay dahil wala ako, Sinisikap ko pa ring maging isang Ama na laging gagabay sa inyo.

Malayo man si tatay, sana tandaan ninyo, Mahal na Mahal ko kayo.

~tatay~

================================

at para sa letter sender sa #damuhan,

Mapalad ka dahil nandyan pa ang iyong ama.
Nakikita, nahahahawakan, nakaka-usap
Maaring may hindi pagkakaunawaan pero may panahon pa para itama.
maikli lamang ang buhay, huwag sayangin ang pagkakataon na ikaw mismo ang magpahayag ang pagmamahal sa iyong ama, ikaw ang pumuno ng pagkukulang.

“Darkness cannot drive out darkness: only light can do that.
Hate cannot drive out hate: only love can do that.”

————————

Alas-Kwatro na

May kalamigan ang panahon, kaya’t naisipan kung mag bisikleta.

Agad agad kong kinuha ang aking lumang mountain bike sa may garahe, tsinek ang gulong kung maari pa, pati na rin ang mga break nito. Halos isang buwan ko ding hindi nagamit ang aking bisikleta.

Sinuot ko ang lumang sapatos at agad na sumakay sa bisikleta, Sabay arangkada.

Masarap damhin ang lamig ng panahon ng papahapon na iyon. Nais kong pumunta sa burol upang silayan ang paglubog ng araw pero parang tila malabo dahil sa kulimlim na kalangitan. Hindi ko namalayan na malayo layo na rin ang aking naipedal at heto nasa kabilang nayon na ako.

Ipagpapatuloy ko pa sana ang pagpidal ngunit sa di kalayuan ay natanaw ko ang grupo ng mga aso na ang tanging tambayan yata ay ang kalsada, Animo’y nag-uusap-usap upang magbantay ng mga daraan sa kanilang harapan. Sa takot kong mahalikan sa binti, agad kong ipinihit ang manibela ng bisikleta at nagpasyang bumalik na lamang ng tahanan.

Isang malakas na businena ang bumulaga sa akin.

Shocks… di ko namalayan ang sasakyang kasunod ko kaya’t napahinto ako, gusto ko mang tumabi pa pero may kanal, mahuhulog ako. Mahuhulog ako sa kanal kapag umurong pa ako.

Sininyesan ko ang driver ng magarang sasakyan, subalit di yata ako naiintindihan. Nagbibigay-daan na ako para maipagpatuloy na niya ang paglalakbay subalit hindi nito alintana ang aking katatayuan.
Maluwag naman ang kabilang linya, bibihira naman kasi ang dumaraang sasakyan. Pero bakit ayaw nitong umusad

Teka, hindi kaya kidnapper ito?

Lalaki ang driver, kahit naman may kadiliman ang salamin ng sasakyan nababanaag ko pa rin.

Agad kong tiningnan ang plate number, dalawang letra at apat na numero, Wow, bago na ang plate number nito at bago pa rin ang sasakyan sa tingin ko, ewan ko kung anong uri ito basta may gintong cross.
Pero bakit ganun, ayaw pa rin niyang umusad.

Matagal na akong nakahinto at malapit na rin akong mahulog sa kanal kapag hindi pa umusad ang sasakyang ito pero wala yata itong balak na umusad kaya naisip ko, ako na lamang kaya, agad akong sumakay at akmang pipidal subalit bumusina muli ang magarang sasakyan.

Aww.. Pinagtitripan kaya ako nito, Sino kaya ito.

Kilala ba ako at bakit parang ayaw niya akong paalisin sa kanyang harapan.

Kinakabahan ako, rapist, kidnapper, papatayin ako.. bahala na si batman basta ipipidal ko ang bisikleta at ako na mismo ang susulong, tutal makarating man ako sa may bahayan na kahit pa maraming aso.

Akma na akong pipidal ng biglang sumala ang kadena, Letse, palpak pa ang aking plan A.

Bumusina muli ang sasakyan kasabay ng mga kahol ng aso na tila papalapit na rin sa aking kinatatayuan.

Ano kaya ang gusto at sino ang lalaki sa loob ng sasakyan.

pinagmasdan ko ang ang aking kasuotan, hindi naman kita ang cleavage ko.. Naka tokong naman ako. tiningnan ko ang mukha ko sa munting salamin na naka kabit sa bisikleta kung may amos ba ako, Wala naman.

Ano kaya ang gusto ng driver na ito.

Ah… ang mga aso..

Ang sasakyan..

Ang kalangitan na nagbabadya na naman ng pagbuhos ng ulan.

Nagdidilim.. nagdidilim na ang kapaligiran..

Kailangan ko ng makaalis sa aking kinatatayuan…
Kailangan maunahan ko ang lalaking ito pati na rin ang mga aso.

Habang naka upo ako at inaayos ang letseng kadena.
Bumaba ang lalaki sa sasakyan. tutulungan siguro akong ikabit ang kadena.

Excited akong makita ang mukha niya, pero ako’y nahihiya.Ayaw ko siyang tingnan. kaya’t ipinagpatuloy ko ang aking ginagawa, deadma kung sino man siya.

Bahala na. kinakabahan na talaga ako..
ito na yata ang prince charming ko.

.
.
.
.
.
At di ko inaasahang tinapik ang aking balikat.
Sabay sabing…
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Hoy gising, alas-kwatro na uwian na. nakatulog ka na naman..
.
.
.
.
Si Bossing, kainis talaga kahit kailan… makikilala ko na yung lalaki sa sasakyan di pa ako pinagbigyan.

.
.
.
.
.
Sino nga kaya ang lalaki iyon.. #MahiwagangPanaginip.