countdown: 11 pages na lang

Dear countdown,

11days na lang at malapit na namang magsimula ang bagong kabanata ng aking pakikipagsapalaran. Mabilis talagang lumipas ang panahon, pero tulad ng dati ano nga ba ang ating mga nais sa pagharap ng bagong hamon.

Ngayon, isang pagkakataon sa akin ang ipagdiwang ang espesyal na araw na wala sa panahon ng kwaresma, ibig sabihin panahon ito ng pasko ng muling pagkabuhay..

Sa araw na ito, habang inihahanda ko ang aking sarili sa pagbabakasyon, nais kong gugulin ang mga araw upang makilala ng lubusan ang aking sarili..

maikli man ang panahon, pero ang kasayahan ng puso, sa panahong ginugunita natin ang pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ng Panginoon, mas pangibabawin parin sana ng bawat isa ang higit na makilala ang sarili sa pamamagitan ng pag-aalay ng sarili higit lalo sa mga aba..

-vamos sa ilocos-
03.27-30.13

Advertisements

Countdown: 17 pages na lang

Dear Countdown,

March 21 ngayon, very special day kasi Birthday ni Mamita, a.k.a. Lola Bhe, 64 years ago ng isilang ang babaeng naging nanay ko… hahaha.

Sino ba si Mamita sa buhay ko… hmmmm.. Lola Bhe, ang tawag sa kanya ni kuya Karlo, Ate Kyla, jonas, barang, manman-feyfey at jaycee. Mahusay magluto ng lomi, mami at miki bihon… hmmm Rapsa…
May bahay ni Lolo Bho, at dahil 64 na siya, 46 years na rin silang nagsasama, apat kaming naging supling nila, Si Bunashu, Si kuya Ahmie, si kuya Obet at ako syempre ang bunso, oppps may humabol pa nga pala si boris… ang aming ampon… hahaha….

HAPPY BIRTHDAY MAMITA.. mwah