Balik-Alindog 102: Ang Magpapayat ay Di Biro

Bwahaha. gusto ko munang tumawa ng malakas…

Kinig nyo..
hmmm…

dinig nyo..

Malutong na tawa yan, na pwedeng isawsaw sa suka na may siling labuyo at pinitpit na bawang… 😀

Paano ba naman hindi ako matatawa, bumulaga na lamang sa aking harapan ang larawang ito..

893739_10200695506337466_1067343904_o

Saan pa, ang magpapayat ay di biro. 😛
.
.
.
.
.
.
.

Abangan: ang Balik-Alindog 103 – Kapag ang Pagkain ay Inam. 😀

Balik-Alindog 101: Sapat na Tulog

Opps, usapang diet muna tayo, tulad ng nabanggit ko sa aking ~pasumala~ na may balik-alindog program ulit ako, medyo lumalaki na ulit kasi ang bilbil ko kaya need ko na muling balikan ang aking Balik-Alindog Program

Habang nagbabantay ako sa ospital, sumalisi na rin ako sa pagpapa check-up, nag pa blood chem at Xray din ako dahil na rin sa gagawin kong balik-alindog program, para alam ko kung gaano ka intense ang gagawin kong sabak. Pero bago ako nakapagsimula, napasabak ako sa isang madaming puyat at madaming gising na kaganapan. Kaya heto, problema sa akin ang pagtulog. Gusto ko lagi akong tulog 😀 paano na ang balik-alindog program ko.

Para sa mga nagnanais na bumaba ang timbang, ang sapat na pagtulog ay nakakatulong ng malaki dahil kapag kulang ang tulog, ang balanse ng hormones sa katawan ay apektado kaya’t tumataas ang paghangad na kumain ng isang tao, ito ang sabi sa pananaliksik:

At ayon sa mga nabasa ko, ang oras ng pagtulog ay base sa edad ng tao.

kapapanganak na sanggol hanggang 2 buwan – 12-18 oras na tulog;
3-11 buwan – 14-15 oras na tulog;
1-3 taon – 12-14 oras na tulog;
3-5 taon – 11-13 oras ng tulog;
5-10 taon – 10-11 oras na tulog;
10-17 taon – 8.5-9.25 oras na tulog;
18-pataas – 7-9 oras na tulog.

(at dito ko rin naunawaan ang sinabi ng kapitbahay kong lola kung bakit lagi kaming pinapatulog noong bata pa kami tuwing tanghali, sabi kasi niya, kapag marami kang tulog habang bata pa, madami kang gising pagtanda) hmm.. kaya pala 93years old na si Lola at gising na gising pa… 🙂

Anyway, balik ako sa usapan ng haba ng pagtulog, since ang nasasaad na bilang dapat ng oras ng tulog sa ganitong edad ay 7-9, 😀 feeling 18years old lang.
Kaya gumawa ako ng sarili kong oras upang makamit kahit man lang pitong oras na kailangan ko.
Mula alas-nuwebe ng gabi hanggang alas-kwatro ng umaga dapat ang tulog ko,

At para maisakatuparan ko ito dapat ready ako sa mga bagay na itchapwera muna tulad ng

~umiwas sa pag-inom ng mga soda at caffeinated drinks bago matulog
~umiwas din sa heavy meals by six o’clock in the evening
~pagrerelax ng katawan, light stretching, pagbabasa, pagligo o meditation
~maging faithful sa oras.
~i set ang alarm clock sa oras ng gising
opps no more My Husband’s Lover muna ako.
hanggang 8:30pm lang muna ang pagbabasa sa mga subaybayin kong sites.

Alam kong laging late ang gising ko, kasi yung 4am eh talagang kasarapan pa ng tulog pero since kailangan kong gumising ng maaga, may power nap /siesta naman ako in the afternoon para sulit ang tulog ko.

Kapag normal na ang oras ng pagtulog at paggising, may tamang pahinga na. madali na ang susunod na hakbang para mas lalong madali ang pagpapapayat.

Magawa ko lamang ito sa susunod na mga araw, same time, same channel lang. Alam kong naka one point na ako sa aking balik-alindog program.

oh p’ano siesta muna ako.. 😀

07.24.13
ito ang simula
B-A-P 2013