Magkakapatid sa Ama

Linggo, walang magawa kaya’t nagpunta ako sa kabilang bahay.

Ano yang mga papel na yan? tanong ko kay Jonas.

mga papel ni Mama, sagot ni Jonas na abala sa pag co computer

Lumapit ako at tiningnan ang tambak ng papel sa lamesa. Mga birth certificate. Teacher ng Grade one sa kabilang barangay ang hipag ko. Kumuha ako ng isang piraso at binasa. Nang biglang lumabas sa pintuan ang hipag ko.

Hay, naku Linggong-linggo dami kong ginagawa,inaayos ko ang mga pangalan ng bata. Nakakalito kasi ang spelling kaya hayan iniuwi ko at ng ma tsek.

Madami kang estudyante ngayon?

40 lang, buti nga bumama, di katulad noong isang taon singkweta.

Ah, hawak ko pa rin ang isang piraso ng birth certificate ng bata, na curious ako sa pangalan ng bata.

Grabe mga pangalan ng bata ngayon no..

Francois Sylvestre Terrible Mulingtapang….ang haba ah…

Wala na yatang nagpapangalan ngayon ng galing sa kalendaryo

At pareho kaming napangiti.

Kinuha ko tuloy ang iba pang kopya. Naaliw akong magbasa ng mga pangalan ng bata.

Ako kaya, anong ipapangalan ko sa aking magiging anak.

Mag-asawa ka muna kaya, bago mo isipin ang pangalan ng bata.

pareho ulit kaming tumawa.

Dahil sa kabilang barangay nagtuturo ang hipag ko hindi ko na masyadong kilala ang mga magulang na nakasulat sa birth certificate, patuloy kong inisa-isa ang mga pangalan

pangalan ng bata
kapanganakan
pangalan ng ina
pangalan ng ama

hmmm. napaisip ako.. nakaka-ilan na ba ang nakikita kong pareho ang pangalan ng ama.

muli kong binalikan ang nga birth certificate..

isa

dalawa

tatlo

apat

napatingin ako sa hipag ko sabay tanong

madami ka palang estudyanteng mag kakapatid sa ama

at nanlaki ang mata niya. Sino sino yan, kaw ha

tingnan mo sabay abot sa kanya ng apat na birth certificate

pare-pareho ang pangalan ng tatay nila

-UNKNOWN-

at pareho kaming tumawa…

h’wag naman sanang si unknown din ang maging ama ng anak ko…

kapag nagkataon, ang dami nilang magkakapatid sa ama.

whaaaa…..

Salamin… Salamin

AKO:

Salamin salamin sa akin tumingin
sa aki’y ibigay ang tanging hiling
ipakita sa akin ang dapat angkin
upang ako’y ibigin ng lalaking nakatingin….

SIYA:

Hindi na kailangang ika’y humiling
Pagkat ang lalaking ito’y sa iyo ay nahuhumaling
Dangan nga lamang hindi pwedeng angkinin
Pagkat siya ngayon ay meron ng kapiling….

AKO:

Sinabi nga iyan sa akin ng salamin
Ang lalaking hiling di na pwedeng maangkin
dahil minsang pagkakataon s’ya’y pwedeng maangkin
isang malaking salamin ang humadlang sa amin
kaya kahit halik di ko nagawang kamtin
kaya magagawa ko na lamang
siya’y patuloy na mahalin
kahit ako’y laging sa kanya’y patingin tingin….

SIYA:

H’wag mag alaala O aking salamin
Pagkat sa kabila ng lahat lahat sa atin
pagkakatandaan mo na ika’y mahal ko rin
wala makakapagsabi sa ting haharapin
malay mo isang araw s’ya’y maangkin

AKO:

O Salaming mahiwaga
Pag asang bigay sa kanyay magtiwala
Pag ibig na hangad ay kakamtin basta maniwala
Ang dalangin at hiling ay kakamtin
basta alam mong ang ginagawa nyo ay tama….

April 15, 2011
9:24:03pm
FB notes []babetski[]

Dalawang taon na pala