Kinds of Baby according to Birth Month

Masyado akong makabata. Yung tipong mukhang orphanage ang bahay namin tuwing weekend.

At dahil dito, isang friendship ko ang nag-alok, nag sabi kung gusto kong mag-ampon, Syempre na excite ang lola, keribels parang artista lang ang peg ko. Pero malalim na usapin ang pag-aampon. Madaming dapat isa-alang-alang:

Kaya naisipan kong sumangguni kay Madam Kulasisi (ang babae sa sulambe) kung anong masasabi niya ukol sa pag-aampon ng bata, At binigyan niya ako ng konting impormasyon na maaring maging batayan sa background ng bata according sa kapanganakan nila. Syempre kailangan at importante may alam ako sa background kahit pa sabihing bihasa ako sa pag-aalaga ng bata. Dahil kung alam mo ang background nila, madali mo nang maalagaan at mauunawaan ang bawat kilos nila.

At heto nga ang ibinigay niya sa akin ang listahan ng kinds of Baby according to birth month:

Kinds of Baby:

Summer Baby– Sila ay yaong mga nabuo dahil sa mga getaways, out of town, out of country. Sila ay bunga ng mga vacation escapades. Sila ang mga baby na isinilang sa buwan ng Enero.

Fiesta Baby – Sila ay yaong mga nabuo dahil sa kabusugan at sobrang kalasingan, kung saan sa dami ng imbitasyon para kabi-kabilang fiestahan at kasayahan ay nagiging makakalimutin na kaya pati ang tawag ng laman ay pinagbigyan. Sila ang mga baby na isinilang sa buwan ng Pebrero.

Enrolment Baby – Sila ay yaong mga nabuo habang abala ang lahat sa pasukan. Sila ay bunga ng maagang pagpasok at hindi pagpasok sa paaralan. Sila ang mga baby na isinilang sa buwan ng Marso.

Water Baby– Sila ay yaong mga nabuo sa panahon na maulan, inabot ng ulan, tumaas ang baha, matubig, masanaw hindi makapaggala, walang magawa laging basa kaya kailangan painitin ang katawan. Sila ay ang mga baby na isinilang sa buwan ng Abril.

Holiday Baby– Sila ay yaong mga nabuo sa panahon ng biglaang bakasyon, biglaang daming long-weekend biglaang trip, biglaang gimik, nakiki-instant chuvanes. Sila ay ang mga baby na isinilang sa buwan ng Mayo.

BerMonth Baby – Sila ay yaong mga nabuo dahil sa kantang “All I Want for Christmas is You. Sila ay bunga ng ka exciteran, masyadong excited sa papalapit na kapaskuhan. Sila ay ang mga baby na isinilang sa buwan ng Hunyo.

SemBreak Baby – Sila ay yaong mga nabuo sa panahon na “Hindi pa kami Sembreak” na kahit break na ay patuloy pa rin sa pagpasok, yun nga lamang iba na ang pinapasukan. Sila ay ang mga baby na isinilang sa buwan ng Hulyo.

Thesis Baby – Sila ay yaong mga nabuo dahil sa proyektong thesis. Dahil sa super duper nakaka stress upang mapaganda at maiayos kalimitan ginagawa ito sa mga overnight tsenes. Isama na rin dito ang pag-aaral overnight oh how to spend parties/shopping chuvanes. Sila ang mga baby na isinilang sa buwan ng Agosto.

Santa Baby – Sila yaong mga nabuo dahil sa unforgettable gift para sa loved ones kasabay ng malamig na panahon. Sila ang di malilimutang Bonus na natanggap. Sila ang mga baby na isinilang sa buwan ng Setyembre.

Fireworks Baby – Sila ay yaong mga nabuo dahil “hindi makapagpaputok sa labas kaya sa loob na lamang” scenario. Sila ang mga baby na isinilang sa buwan ng Oktubre.

Lover’s Baby – Sila ay yaong mga nabuo dahil sa bawal na pag-ibig, lihim na pag-ibig, atat sa pag-ibig, at ibig na ibig. Sila ang mga baby na bunga ng room-for-rent, 50% discount, tagong paraiso at mga inn visible room for two, just the two of us. …Sila ang mga baby na isinilang sa buwan ng Nobyembre.

Graduation Baby – Sila ay yaong mga nabuo dahil sa pagtatapos. Sila ay bunga ng kasiyahan dahil tapos na sa matrikula, tapos na ang grades finally may lisensya na na upang maging home-ikananay. Sila ang mga baby na isinilang sa buwan ng Disyembre.

Oh diba, dahil sa tinuran ni Madam Kulasisi, naitanong ko tuloy kay mamita ang background ko.. at according to her, kaya daw ako nabuo kasi inabot sila ni papitot ng ulan at hindi sila makapag work noon sa Sucat kaya nanatili sila sa kanilang apartment sa Alabang… meaning Alabang girl ako este Water Baby ako… kaya pala Abril ang birthday ko.. haha… 🙂

Kayo, what kind of baby are you?

Share din kung may time..

Advertisements

8 thoughts on “Kinds of Baby according to Birth Month

  1. Hmm… graduation baby pala ako. :)))

    Share ko lang. Hahaha! Naalala ko kasi yung roommate ko dati noong napagusapan namin yung tungkol dyan. Sobrang late na nun, tinawagan nya pa yung papa nya at nagtanong kung anong nangyari 9 months bago sya ipanganak kasi kelangan daw sa isang school project. Hahaha! Sabi ng papa nya nasa abroad daw sya noong mga panahon na yun kaya niloloko namin na baka ampon lang sya kaya tinawagan nya din yung mama nya at tinanong yung background nya. Matawa-tawa yung mama nya habang kinekwento kung paano sya nabuo. Habang kami naman, mangiyakngiyak na sa katatawa. Hahaha!

    • hi, salamat sa pagbisita… 🙂

      graduation baby ka pala, kaya ang birth month mo, hindi lang congratulations ang bumabaha kundi bonuses. oh diba.. 🙂
      Natutuwa naman ako sa roommate mo at talagang inalam ang background niya… Tugma naman ba ang kwento ng background niya.. 🙂

    • ahaha.. Hi, Ms. N, apiiir… pareho pala tayo, nabuo sa panahon ng tag-ulan kaya ng ilabas tayo, tag-init… ahihi..kaya pala tuwing birthday ko, hanap ko lagi ang karagatan…:)

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s