~pasumala~ A Syete de Nobyembre

Aww. Hindi ko talaga inaasahan sasablay ako ngayong buwang ito dahil kay #Napoles. Oo dahil sa pagtutok ko sa hearing niya, nakalimutan kong ipublish ang aking buwanang paglalakbay. #HindiKoAlam na ika-pito na pala ng Nobyembre, kasabay ng panonood ko, ay ang pag-aabang sa pagbisita ni #YolandaPh na tinaguriang super Typhoon.

Hay, sa dami ng isipin huli man ay huli pa rin, magkagayon man, mas mabuti ng huli kaysa wala.

Kaya heto at samahan ninyo akong balikan ang nakaraan.

  • Matapos ang nakakagulantang na pangyayari sa ating mga kababayan sa isla ng Bohol na niyanig ng Magnitude 7.2 na lindol, ang pagguho ng mga antigong Simbahan ay tunay na nakapanlulumo. Tunay na nakapanghihinayang ang mga istrakturang pinatibay ng panahon, mapalad ako at kahit sa kalayuan ay nasilayan ko ang kagandahan ng naturang lugar, paano ko nga ba naman hindi makakalimutan ang Bohol, hanggang ngayon ay dala-dala ko pa rin ang alaala ng mga manikang binili ko sa Mall doon at tiniyagang bitbitin pabalik ng Maynila kung saan halos maiwan ko ang aking bagahe, maisalba lamang ang apat na manika na ipinaki-usap ko pa sa aking mga kasama sa pag ha hand carry… 🙂
  • Isang Relief-Drive ang binubuo namin para sa mga kapatid natin sa Bohol, taga doon kasi ang hipag ko, kung saan makapag-paabot kami ng tulong sa kanilang bayan sa Tubigon.
  • Ang pag-gunita sa ating mga mahal sa buhay na namayapa na ay isang family-gathering na maituturing, kung saan nagkakatagpo-tagpo sa kanilang himlayan. Nakakalungkot man dahil alam kong kabilang sa kanila si Papitot, masaya naman akong tumigil sa kanyang puntod ng buong araw, at doon ko nasilayan ang mga taong naghandog ng kandila, bulaklak at nag-usal ng panalangin. Isang hudyat na ang pag-alaala sa kanya ay kahulugan ng mga taong patuloy na nagmamahal sa kanya.
  • Isang pagbisita ang ginawa ko sa mga sikat na pasyalan, feeling bata, hindi ko pa lamang nalilingilang mag post ng tungkol dito siguro dala na rin ng kaabalahan.
  • At heto nga habang ginagawa ko ito, nakatutok pa rin ako sa mga balita ukol sa pagbisita ni #YolandaPH
  • Ipagdasal po natin ang kaligtasan ng bawat isa.

“dahil sa inabot ako ng papatay-patay na kuryente at bagal ng signal, hindi ko ito napost noong ika-pito, nawala ako halos noong weekend dahil sa bagyong #YolandaPH, walang signal, walang kuryente at naging abala sa pagtugon sa tawag ng pag boboluntaryo upang tumulong sa ating mga kababayan.

Ngayon ko lamang nabalikan at ngayon ko rin lamang ilalatha kung saan nais ko na ring manawagan na ito po ang panahon upang tayo ay tumulong.

Stay Safe everyone

11.12.13

Ngayon ang PANAHON

Ngayon po ay 11.12.13 at isa sa mga tumatak sa isipan ko ay ang post script ni Ms. Jessica Soho sa State of the Nation kagabi 11.11.13.

May panahon po para tanungin kung bakit umabot sa ganito ang pangyayari.
May panahon din para bumangon.

Pero NGAYON ang PANAHON para TUMULONG..

Sama-sama po tayong tumugon sa panawagan ng mga iba’t ibang organisayon na naghahatid serbisyo publiko sa ating mga kababayan sa Visayas Region.

It is better to Give than to Receive

Hindi po kailangan ng malaking halaga upang masabing nakatulong, sa atin pong mga mumunting paraan ay kaya nating maipahatid, magbigay, makibahagi sa ating mga kababayan ng walang halong pag-aalinlangan.

Mag-Volunteer:
Ang ating pong KAPUSO, KAPAMILYA at KAPATID ay may mga foundation kung saan nangangailangan ng sila ng mga volunteer para sa repacking ng relief goods.
Bisitahin po ang kanilang mga Website upang magpatala o magpa schedule ng araw kung kailan kayo available.

Mag-DONATE:

Sa simpleng paraan gamit ang inyong mobile phone, makakapagbahagi po tayo kahit mumunting halaga sa RED CROSS, alalahanin po natin ang kakaunti ngunit malimit kapag pinagsama-sama ay malaki na ring halaga.

Text REDAMOUNT to 2899 (Globe) or 4143 (Smart)

Mag-DASAL:

“novena of prayer and charity” para po sa mga biktima ng nagdaang kalamidad simula November 11 to 19 sa lahat ng Simbahang Katoliko sa ating bansa. Tayo po ay makiisa. Ito po ang isa sa paghuhugutan natin ng lakas para sa ating pagbangon.

Isantabi muna sana ng lahat ang mga usaping politikal, isa-alang-alang muna ang mga buhay ng ating mga kababayan.
Madami pong bumabahang tulong mula sa iba’t-ibang panig ng mundo, ngunit wala po itong saysay kung hindi po natin matutugunan ng agaran ang mga pangunahing pangangailangan ng ating mga kababayan.
Iwasan muna ang POGI-points…

Ito po ang PANAHON upang ISALBA ang mga natitirang BUHAY…

Kapit-bisig po tayo…

~yehey~
11.12.13