saranggolang di lumipad

Aside

Aww. .. nakakalungkot, dahil kung kailan nanumbalik ang aking connection tsaka naman hindi ko naisakatuparan ang aking pagnanais na makalahok sa Saranggola Blog Awards, magkaganun pa man, patuloy pa rin akong sumusuporta na maipalaganap ang akdang sariling atin.

Mahuhusay at magagaling humabi ng mga letra na animo’y idinuduyan ang damdamin ukol sa tema ng patimpalak.

Kaya,para sa lahat ng kalahok, goodluck sa inyo.

At para sa akin bilang dakilang mambabasa, may bukas pa… para sa aking sariling AKDA..

Mabuhay ang SBA

Advertisements

pasumala ~A Syete de Oktubre~

Hoaahh.. Oktubre na nga at ang bilis ng panahon, parang kailan lang ng sinabi kong mag-iipon ako, pero ngayon Oktubre na at dalawang buwan na lamang mag ne new year resolution na ulit ako… Ang tanong, musta ang inipon.. nganga pa rin.. 🙂

Simula na nga ng 4th Quarter ng taon at syempre abala na ang lahat para sa bonggang year-end. Kaya naman, kahit di ko nagawang pagtuuan ng pansin ang aking munting taguan, sa kadahilanang masyado akong naging abala sa pakikisalamuha sa aking kapwa ko mahal ko, muli akong bumabalik, sana stable na ang connection ko, para abot ko ang mundo.

Ano nga ba ang nangyari at pansamantala akong naging tahimik dito.

  • Nawalan ako ng connection for a month dahil na sira pala ang modem ko, good to know under warranty pa.
  • Masyado akong naging abala sa panonood ng news na hindi ko naman dati ginagawa, #alamna dahil sa kaguluhan sa Zamboanga, thanks God at ngayon ay nasa recovery mode na sila.
  • Hindi ko ramdam ang buwan ng Setyembre, siguro dahil sa pangalawang bisita ng habagat.
  • Isang biyaya sa akin ang muling magbalik-lansangan, kung saan enjoy na ulit akong mag commute, now i know 8php pa rin pala ang minimum fare.. hahaha..
  • Madami akong pinagkaka abalahan, ang pag-ubo ng aking jigsaw puzzle, na halos isang buwan na nakaka 500pcs pa lang ako sa 2000pcs,
  • Plano kong kumuha sa TESDA ng training sa wiring at beads making. kaso wala naman silang weekend schedule. Aww… hanap hanap na lang ng ibang training seminar.
  • Totoo, sa paglapit ng year-end, daming gastos kaya muli kong hinagilap ang aking piggy bank, dapat ay mapakain ko ito muli araw-araw para masayang malitson sa kapaskuhan..

Gusto kong sumali sa Sarangola Blog Award, gusto kong mag entry, pero di ko alam kung paano..

Oktubre, ilang days na lang at Pasko na.

At bago ko makalimutan, ang buwang ito ay Rosary Month.

“the family that prays together, stays together”

Have a nice day everyone.