pasumala~a Syete de Marso~

oh ha, Marso na agad… Graduation na…. yehey.

Masaya ako today dahil halos isang taon na rin pala akong naglalakbay sa mundo ng blogging. Hindi ko akalain na makaka survive ako dahil minsan dinadalaw ako ni katam at dahil doon halos ang dami ko ng draft list. Magkagayon pa man, ako’y nagpapasalamat dahil sa isang taon ng aking pamamahay ay may mga kaibigan akong nakilala hindi man personal subalit sa bawat pagsubaybay ko sa kanilang  mga sulating ay tila parang ang lapit ko na rin. 🙂

Kaya ngayon, nais kong magpasalamat sa mga taong bumibisita sa aking taguan, sa mga nag-iiwan ng puna at nagpapahayag ng pagka gusto sa aking mga ibinahagi. :clap: clap: :cheer:

  • Isa na rin siguro sa pinaka memorable na pasumala sa akin ito dahil di na zero ang aking valentine… Whahaha.. after _nth year may ka date din ako..  ayiii… umeebeg din ako noh… binabae din ako oh… choz.
  • Timing na timing ang movieng Starting Over Again, pero di ko pa siya napapanood, dahil I’m starting over again (.___.) ganda ng smile ko, lakas maka SOA.

♫♪And now we’re starting over again,

it’s not the easiest thing to do

I’m feeling inside again, ’cause every time I looked at you

I know we’re starting over again,

this time we’ll leave all the pain away

Welcome home my lover and friend,

we are starting over, over again♪♫

ang peg-ebeg nga naman… ayii… pabalik-balik lang, dala na rin siguro ng malanding panahon..

  • Syempre, simula na ng kwaresma, at meron din naman akong little sacrifice. Mahalaga ito sa aking espiritwal growth. Isa ito sa mga paborito kong season dahil dito ko nate-test ang disiplina ko sa aking sarili.
  • dahil isang taon na ko sa mundong ito, makapag post naman sana ako ng nakaka :nosebleed: hehehe

At dahil busy-busyhan ako lately sa aking kunyaring lovelife, ayii.. feeling lang, medyo igagawa ko na lang ngpost ang kwento ng masalimuot kong dear ate charo, hahaha.

abangan…

.

.

.

Happy Weekends everyone 🙂

Mula sa Kalayuan

Halos hindi ko magawang magbasa o mag update nitong aking munting taguan simula ng sumiklab ang bakbakan sa Zamboanga. Malayo man ako sa kinaroroonan ng kaguluhan pero sa aking dibdib ay may munting takot at kaba na namamahay lalo na ng mabalitaan kong ipapadala si Mandirigma (sino siya) ayii.. basahin ito kung interesado ka.. Yipee…

Abala ako sa paglalaro ng candy crush noong mga panahon iyon kasabay ng inis na hindi ako maka level up dahil sa wala akong ticket. Hanggang sa mapagmasdan ang breaking news sa telebisyon na nagsasaad ng kaguluhan. Ako, deadma noong una, siguro ay normal na sa akin ang makabalita ng kaguluhan sa Mindanao.  May bago ba, hindi na alarming kumbaga, pero ng maka-ikalawang araw na at nabalitaan ko na kasama si Mandirigma , bigla akong naalarma, oo hindi naman doon ang destino nya, pero dahil sa tawag ng tungkulin, doon ako biglang nagka roon ng concern… Awww. yung feeling…

Halos, maya’t maya na akong naka update sa news simula ng araw na iyon, kasabay ng usal ng panalangin at pananawagan ng #PrayForZamboanga, bigla akong nakaramdam ng takot, hindi dahil andun si Mandirigma, mula sa mga batang natutulog sa tent, sa mga batang sa murang edad ay namulat sa kaguluhan, traumatic kumbaga. Hindi mo masasabing sanayan lang, dahil kapag kaguluhan ang kinamulatan, asahan, kaguluhan di ang kakalakihan. In the eyes of a child, lahat ng makita niya ay tama.. mahirap itong itama pagdating ng panahon.. mabuti kung sa kabutihan pero paano kung doon pumanig sa karahasan.. Masasabi bang matatapos ang kaguluhan…

Ang bigat sa dibdib ng isipin diba. Ang layo ng Zamboanga at hindi mo masabing buenas dias amiga. Mula sa mga larawan ipinapakita sa social media, mga iba’t ibang opinyon at usapin. Sino nga ba ang dapat paniwalaan…

Pero sabi nga ni Ryzza Mae, look up look up din pag may time. Mula sa kalayuan, mayroon kang matatawagan, Day 10, while praying so hard, i received message from Mandirigma, saying he’s okey…

Nakahinga ako ng maluwag, Halos ilang gabi rin kaya akong puyat lalot higit ng mabalitaan kong isa sa kanyang kasamahan ang nasawing palad.

Mula sa kalayuan, pinilit kong maging matatag, look up, pray hard…

Hindi ako binigo, kagabi bago ako matulog isang mensahe ang natanggap ko.

He’s home.. Finally, Mandirigma is safe and home. He deserves to have a break…

Magkagayon pa man, mula sa kalayuan alam kong hindi  kita masisilayan at madadamayan, tanging panalangin lamang ang aking kayang ibigay na sana matapos ng tuluyan ang kaguluhan upang sa pagbabalik mo, hindi na ito ang iyong pupuntahan dahil tapos na ang kaguluhan at muli ng bumabalik sa normal ang pamumuhay…

Ingat ka palagi Mandirigma…

Sulitin ang bakasyon para sa susunod na laban mas lalong mag ibayo ang iyong tapang…

:saludo: po..

Thank you Lord…

-carpe diem-

P.S.

Sabi ng bigas na maharlika sa gasolina…

NAGMAMAHAL DIN PO AKO.