Cinco de Mayo (It comes when you least expect it)

Araw ng Linggo, Cinco de Mayo,

Anong meron, Holiday sa Mexico pero dahil wala tayo sa Mexico upang makisaya sa selebrasyon, dito muna tayo.

Matapos ang ikalawang misa, dali-dali akong umuwi sa bahay, hmm mga 100 steps lang kasi ang layo ng bahay namin kaya dali-dali para maka 100 steps nga ako. 🙂

Magluluto pa kasi ako ng pang-ulam para sa aming agahan, di pa kasi kami kumain dahil late na akong nagising, teka natulog ba ako, para kasing hindi, inumaga na ako sa pagbabasa dito oh Libre lang ang Mangarap at Damuhan, choz, adik lang, kunwari kilala ko sila in person (hoping) 🙂 asa pa! who knows oneday, someday…

So ganun na nga ang nangyari, inumaga na ako kaya second mass na ang inabot ko, thinking ni mamita eh nakaluto na ko at nakakain na kami pagdating niya galing first mass. Nakapagsaing na naman ako, pero wala pa ngang ulam, in short pritong hotdog again ang maiiuulam, pangmabilisan lang.

Oi, kumakain na ulit ako ng hotdog, no choice eh.. isang taon din yata akong di kumakain nito, kundi lang dahil sa pamangkin ko, sure never nang makatikim ng hotdog mga people in the house.. no meat-diet kasi ako dati.. hehehe…

So anong espesyal ngayong Linggo, HOTDOG ba..tuwing umaga ito na lagi ulam namin ha nono…

Si SR. MADRE, pinsan kong madre, dumalaw sa bahay, nakakahiya man niyaya kong mag-agahan, hotdog lang ang ulam with senyoritang saging.

Hindi na raw, tapos na siya, pumasyal lang daw para batiin ako ng HAPPY Birthday. Nahipuan tuloy ako este na TOUCH ako, halos isang buwan na ang nakalipas oh…

Musta na daw ako, Dalaga pa rin po like you. at sabay kaming tumawa.

Kasunod ng pangangmusta ay ang katanungang, kelan ka mag-aasawa. Si Sr. MADRE talaga hindi na nagbago ng question, paulit ulit na.

Nakangiti na lang ako sa kanya, kasi kumakain ako (don’t talk while your mouth is full daw eh) 🙂

Pero sinagot ko rin ang tanong niya, Mahirap pong mag-asawa ngayon, lalo na at wala kang maaasawa. (parang mahalay no) sanay naman si SR. Madre.

Tinawanan lang din kasi ako…

Isang rosaryo at stampita ni San Pedro Calungsod ang regalo niya.

Sabay biro ko ulit sa kanya, SR. Madre kapag ba dinasal ko ito eh magkaka-asawa na ako.

Tumawa siya, eh di dapat matagal na rin akong may-asawa.

H’wag kang mainip, have faith, ang lahat ay may panahon.
pero kung hindi naayon, Mag madre ka na lang..

AKO.. magmamadre…..

Karibok ang kumbento, baka mauso ang no-belo… yari ako kay vicky-belo..pang madre cacao kasi ako..toink

Kinamusta ko na rin siya, humingi ng pasensya dahil di ko na nagagawang pumunta o bisitahin man sila sa kumbento nila. Busy-busyhan ang peg ko lagi eh.
Ngumiti lang si Sr. Madre, Sa Manila na ulit siya madedestino kaya medyo matatagalan ulit ang pag-uwi niya. Ipagdasal ko din daw siya.

Natapos akong kumain, at nagpaalam na rin si SR. MADRE para pumunta sa bahay ng kapatid ko. Nagmano ulit ako sa kanya, at humingi ng dasal para sa isang mabiyayang taon nadagdag sa aking buhay.

Matapos kong tanggapin ang kanyang blessing, naramdaman kong gumalaw ang sanggol sa aking sinapupunan.. (feeling MARY)
Ambisyosa lang eh 🙂

Pero kakaiba sa akin ang Linggong ito, parang victory na natamo ng mga mexican soldier kaya ipinagdiriwang ang CINCO de Mayo.

Kakaibang PAG-IBIG ang naramdaman ko na sa di inaasahang pagkakakataon, kung kelan hotdog at senyoritang saging lang ang nakahain sa mesa, may isang taong darating hindi man kumain pero mahalaga ang presensya.

“It always happens when you least expect it.”

pero magkagayon pa man, mamalengke na ko mamaya, para bukas ng umaga, hindi na hotdog ang ulam sa almusal parang awa na.

Happy Sunday!

God bless..