Araw ng mga PUSO ♥

Ngayong araw na ito ay ipinagdiriwang ang Araw ng mga PUSO, pero hindi Holiday kaya hindi double pay. 🙂 Pero alam ba ninyo kung bakit Araw ng mga PUSO, as in MGA PUSO, meaning hindi lamang isa, kundi madami, as in plural ang gamit. Bakit nga ba? Iisa lamang ang puso natin, kaya nga ang hiling sa kanta ay ♪♫sana dalawa ang puso ko♫♪. dahil gusto nating dagdagan pa ng isa.

Pero paano kung sabihin kong Tatlo ang PUSO natin.. What? ang dami.. as in Tatlo.. paano?

Well, listen to me. para naman maging medyo bongga ang celebration mo ngayong araw dahil malalaman mong tatlo ang PUSO dyan sa iyong body.

So let’s start counting..

Tumayo ng tuwid at ilagay ang kanang kamay sa kaliwang dibdib at sabay sabay nating awitin ang pambansang awit este sabay sabay nating damhin ang tibok ng PUSO.

yes, iyan ang unang PUSO. ang PUSO na nasa dibdib. kaya hwag ka ng magtaka kung bakit kapag itong pusong ito ang nagiging topic ay talagang dibdiban ang usapan, kaya nga nasa dibdib eh.  Ito yung pusong nagmamahal tulad ng gasolina at bigas. Ito ang pusong tumitibok tulad ng sa kanta ni Donna Cruz ♪♫ kapag tumibok ang puso, wala ka ng magagawa kundi sundin ito ♫♪. Yan ang pusong makapangyarihan sa lahat, Ang pusong magdadala sa ikalawang PUSO. ang PUSOd. yes ito ang ikalawang PUSOd. Ito ay napakahalaga dahil ito ang nagiging ugnayan ng ina at sanggol sa katawan. dito dumadaloy ang pagkain. Kaya, itinuturo sa atin na sa pagdiriwang ng araw ng mga puso, maging mapagbigay, at maging maalalahanin sa mga taong tayo’y may kaugnayan. Mula sa simpleng regalo, chocolates, flowers at kung ano-ano pang anik-anik na ating ipinapadala para lamang maipadama ang ating pagmamahal sa bawat isa. At dahil sa ugnayan sa PUSOd ihahatid tayo sa ikatlong PUSO natin ang PUSOn. oo, ito ang pinakatahanan sa ating katawan, lahat tayo’y nanirahan sa pusong ito. Ang PUSOn ng buhay.

Oh diba, Tatlong PUSO mayroon tayo sa ating katawan, in alphapet order pa. Ito ang dahilan kung bakit ngayon ay Araw ng mga PUSO. At dapat nating ipagdiwang dahil ang PUSO ay buhay. Habang ang PUSO ay tumitibok may buhay, habang sa PUSOd ay may kaugnayan, may buhay, habang sa PUSOn ay may naninirahan, may buhay. Hindi dahil may dyowa o kapartner ka lamang kaya nagdiriwang ng araw ng mga puso.

Kaya hindi porke’t single ka na tulad ko ay hindi na akma ang araw na ito. Hindi porke’t wala kang chocolates at flowers ay wala ng nagmamahal sa iyo. Alalahanin mo na TATLO ang PUSO sa katawan mo. May damdamin ka, may kaugnayan ka at may buhay ka na dapat ipagpasalamat.

Dahil ang PUSOng nagmamahal ay PUSOng marunong magpasalamat.

Pasa L♥ve tayo, kung walang love, pasa load  para lalong masaya. 🙂

Happy ♥Hearts Day.. 🙂