pasumala~a Syete de Pebrero~

Hala, bakit nagkaganito, nabago ang lahat, at hindi pala pumasok ang post ko noong ika-pito.. tsk.. tsk…

Hello, ika-pito na muli at ito ang aking ikasampung buwan ng paglalakbay. Akalain ko ba naman na magtatagumpay ako sa paglalahad ng aking saloobin at damdamin.

Syempre, nais ko na naman tipunin ang mga natatanging karanasan na nagdaan.

  • Sinimulan ko ang taon, tulad ng sabi ko sa aking 101, gusto kong maging kumpleto ang misa-novena ko para sa kapistahan, subalit ako’y bigo na naman. Isa tuloy akong Martha.
  • First time kong nakapanood ng kurakol, ito ay ang street dancing na may kasamang dasal sa poong ipinagdiriwang
  • Kapag buwan ng Enero, nagdiriwang sa Lugar namin ng fiesta, di man kasing garbo ng pista ng Nazareno o pista ng Sto. Nino, ang mahalaga ay marunong magpasalamat at magpuri. Ang magkasama-sama sa isang lamesa.
  • Sa bilis ng pag-usad ng araw, isang araw lamang ang bilis din magpalit ng panahon. dala ng talandi at pabago-bagong panahon.. Thanks God, malakas pa rin ang resistensya ko. Ang biglang paglamig at biglang pag-init ay tila hindi na banta para ako’y magkasakit.

Huli man at magaling, huli pa rin.. Sa buong akala ko ay naka post na ito.. Siguro naman ngayon ay papasok na ang pasumala ko..

🙂

My Chinese New Year

Aside

hello, musta kayo mga ka blog

Friday pala ngayon. Walang pasok at holiday, Chinese New Year.
Dahil sanay ang katawan ko ng 5 working days, feeling ko Saturday kaya todo pahinga ako. At sa sobrang lamig dito, plano kong magsimba na ngayon kesa bukas.
At iyon ang nakakatawa. Magpapa bless kasi ako ng kandila. Presentation of the Lord tuwing ika-2 ng Pebrero, ito yung mas kilala bilang Candelaria.
At excited nga ako, ako ay gagayak na buti na lang at napatingin ako sa telebisyon at nagtaka kung bakit may TV patrol..
Ayun utas na ng tawa.
kung nagkataon, nakakahiya…
dahil mag isa akong pupunta sa simbahan na may dalang kandila..

This is how i celebrate Chinese New Year…
Is it amazing…

kung hei fat choi…