pasumala~A syete de Enero~

Yehey.. Bagong Taon ay magbagong buhay ng lumigaya ang ating buhay.

oh diba, isang taon na agad ang mabilis na lumipas, At sa dami ng pagsubok na ating dinanas, dapat talaga tayong magpasalamat,

Kaya heto ako ngayon nakapitong pilas na agad sa pahina ng aklat ni 2014. pero mabilis man hayaan ko mulang bumalik sa taong nagdaan.

  • First time kaming nagpasko minus Papitot, syempre miss na namin lalo na nga mga pamangkin ko.
  • Ang dami kong di nadaluhang Christmas Party, siguro dahil abala ako sa bahay bilang taong namamahay.
  • Nag party kami sa bahay kasama ang mga pamangkin ko. May exchange gift din kami at program. At masaya ito dahil 12:00 midnight namin ginawa matapos naming dumalo ng 10:00pm Mass. Nag salo-salo kami sa mga pagkain kasama ang bisita namin mula sa Bohol.
  • Nakatangap ako ng GC mula kay Jollibee worth 2500, ang saya.
  • Dahil sa hindi na ko nakapunta sa kamaynilan at nakapag mall bago magpasko, ayun cash gift na lang ang ibinigay ko sa mga inaanak. Masyado kasi akong nabilisan sa oras at di ko namalayang Pasko na pala.
  • Nakumpleto ko ang Simbang gabi, at take note kasama ko ang aking 1year old pamangkin na kahit ang 10:00pm mass ay survivor siya.. Hindi natulog.
  • Masyado kong inenjoy ang bakasyon sa bahay, dala na rin siguro ng pagtanda, pahinga lagi ang gusto.
  • Nag simula na ulit ako ng 100php savings in 52weeks challenge oink..oink
  • Ang bagong taon ay  bagong hamon at bagong pakikipagsapalaran.

Bagong taon- Bagong simula…

~yehey~ ilang araw na lang at Chinese New Year na..

Advertisements

5 thoughts on “pasumala~A syete de Enero~

  1. hihi, gusto ko ang pagkasabi ng third to the last, babetski. at ang dami ng GC mo, P2500? ahaha. nagkaroon na rin kami nyaan, pero di sindami ng sa ‘yow, hala pa. maganda yan – pag napapakompormiso sa mga bata, hihi… pang-alo na rin sa makukulit na matatanda, hoho. happy week… 🙂

    • hi ate San, nakaka relate din ba sa 3rd to the last.. hihihi…
      ang dami ko ngang GC kaya tuwang tuwa mga pamangkin ko, dahil alam nilang tiba tiba sila dahil di na naman ako kumakain sa foodchain..

      • “pahinga lagi ang gusto.” 😉 tagalog na tagalog ang pagkakasabi. hala, bru, tumigil ka nga, akala mo naman, senior citizen na? nakita ko pic mo, bagets ka pa at magbo-blossom pa laang, ay di ba ga… mag-abroad na kita, kapatid at nang tayo ay magkapera nang marami-rami at magka-lovelife, hihi. sayang beauties natin… 😉

        ay, di mahilig mag-jobee? actually, mas natutuwa ako mag-people watch sa Jollibee than kumain, hoho. pero, true, jackpot kids nyo, karami niyan… 🙂

      • ate San, ang dami kong tawa, mga dalawa…haha… nag bo blossom pa laang ga… naku… bukadkad na nga at malapit ng malanta… kaya kapag di pa nadiligan at naalagaan, tiyak na maagang makakapahinga… choz….
        pero naiisip ko na rin yan eh.. makapag abroad at ng magkapera ng marami-rami…. tapos biglang magka lovelife… naku… ang saya…haha… tara na.. 🙂

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s