my year-end post

Ang taong 2013, ang nagbigay sa akin ng pagkakataon upang magsulat at magbahagi ng samut saring karanasan dito sa aking munting taguan.

maraming kaganapan ang aking naranasan sa taong ito, kaya’t samahan ninyo ako sa aking pagbabalik-tanaw…

January- bagong taon, panahon ng new year resolution, at tulad ng nakagawian, ang aking resolution ay ang pag-iimpok, yes, naging saver ako “a hundred a week” regularly and yes i did it..

February- ito ang panahon na abala ako sa pagbabasa on how to blog in wordpress

March-dito ako nagsimulang magsulat at ito rin ang kauna unahan kong di nag celebrate ng holy week sa bahay.. meaning out of town ako..

Abril- ang aking buwan, birthday month ko at isa sa pinakamagandang kaganapan, naka pag donate na rin ako sa wakas ng dugo, after so many years of dreaming..

May- Ito ang buwan ng subukan ang aking tapang sa loob ng ospital, dito ako nagimbal ng sabihin at ipagtapat ng doktor ang totoong kalagayan ni papitot

June- huling pagdiriwang kasama si papitot sa kaarawan ng aking pamangkin.

July- namaalam si papitot ng ikawalong araw sa ganap na ika 6 ng hapon. .

August- panahon ng habagat as usual, swimming sa sanaw.. hehehe

September- malayo man ako sa zamboanga pero dama ko rin ang krisis na kanilang kinaharap sa giyerang di mo alam kung sino ang nagsimula..

October-lindol sa bohol, isa sa nakapanlulumong pangyayari
dahil sa pagguho ng mga antigong simbahan..

Nobyembre- ang bagsik ni yolanda, ang gumimbal sa buong mundo.

Disyembre-unang paskong di ko kapiling si papitot. .

Maraming kaganapan ngayong taong ito, may kabiguan, kasayahan, trahedya, mga karanasan na sumusubok sa ating katatagan.

kaya para sa akin, ang taong 2013 ay Taon ng KATATAGAN… ito ang biyaya na dulot ng lahat ng ating napagtagumpayan sa taong ito…

Pasasalamat sa taong 2013
at
Mabiyayang Bagong Taon sa ating lahat…

~Happy New Year~

Advertisements

10 thoughts on “my year-end post

    • hahaha…expert yata ako sa paglangoy sa sanaw…. walang lunod…. tapos gagawa ng bangkang papel ipapaanod, susundan hanggang makarating sa palayan.. mamamaybay sa pilapil tapos sisigaw.. nakakalakad na ko sa tubig… ako ang sugo.. ang tagapagligtas.. sabay kidlat… hahaha…

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s