Kakaibang Pasko

Taon-taon kapag sumasapit ang bisperas ng Pasko, laging nauuna si papitot sa simbahan upang ipag reserba kami ng mauupuan para sa midnight mass. Alam na medyo may kabagalan kami dahil abala pa kami sa paghahanda ng mesa para sa aming pagsasalo-salo pagkatapos ng banal na misa. Naalala ko tuloy noong kamusmusan ko, ayaw kaming pakainin ng lola ko sa bisperas ng Pasko, bihilya ang tawag nila, di daw kami dapat kumain dahil sa mga panahong iyon, ay nanunuluyan si Maria at Jose at walang magpatuloy. At minsan nga, dala na siguro ng aking kapilyahan, lagi kong tinatanong sa lola ko kung bakit ayaw nilang patuluyin upang makakain na kami. Siguro nga dahil hindi pa gaanong ka commercialize ang Pasko, wala pang mga Mall, tanging malalaman mo lamang na malapit na ang Pasko kapag ibinili ka na ng bagong damit at sapatos na itinatabi pa sa pagtulog para hindi makuha ni Santa Claus at gawing regalo. Na dapat ay maging mabait, mapagbigay, masunurin sa nakakatanda upang magkaroon ng regalo kay Santa na ilalagay sa isinabit na medyas sa bintana. Na halos araw araw ay natutulog ako ng bukas ang bintana upang mamalayan ko ang pagdating ng mga reindeer, pero ang ending tumanda na akong di ko pa rin nahuhuli si Santa na nakasakay sa reindeer.
Pero lumipas ang ang mga taon, ang Pasko ay hindi pala tungkol kay Santa Claus. hindi pala ito tungkol sa mga regalo na natatanggap sa Pasko, hindi ito sa mga bagong damit at sapatos. Na kahit pala luma ang damit ay tuloy pa rin ang Pasko.

Simula ng itayo ang simbahan malapit sa aming tahanan, Mas lalong nagkaroon ng ibang kahulugan ang Pasko, Sabi nga ni Papitot noon, na tuwing Pasko ay may batang isinisilang. Kaya hindi daw mauubos ang tao sa mundo, lagi sanang tandaan na kaya may PASKO dahil may nagkatawang-tao.

Noong una, hindi ko maunawaan ang lahat, pero gusto kong bigyan ngayon ng bagong kahulugan ang Pasko.

Sinasabing ang Pasko ang pinakamasayang araw sa lahat, ito ay panahon ng pagmamahalan, pagbibigayan at kasayahan.

Unang Pasko namin na hindi namin makakasama si Papitot. Wala ng mauuna sa simbahan upang ipagreserba kami ng mauupuan, pero magkagayon man, natutuwa kami dahil mas pinalaki na ngayon ang simbahan, at hindi na kami kailangan pang makipag-unahan upang di maka upo sa loob ng simbahan.

Isang munting salu-salo ang inihanda namin sa bahay para sa mga bata, hinahanap hanap man nila si Papitot pero nakasanayan na nilang dapat lalo silang makadalo ng banal na misa. talagang tiniyaga nilang maka attend ng midnight mass na mulat ang mata kahit ang isang taong gulang kong pamangkin. Iyon daw ang gift nila kay papitot sa kanilang Lolo.

At ngayong ngang Pasko, wala man si Papitot, napalitan naman ito ng isang pamilya mula sa nasalanta ng lindol sa Bohol ang aming makakasalo. Ang saya diba, na kahit hindi namin masyadong nauunawaan ang pag-uusap nila, alam naming masaya rin sila.
Na ang Pasko, ay hindi tungkol sa mga pagkain na inihanda sa mesa kundi kung sino ang pakakainin, Hindi sa regalong matatanggap kundi sinong makakatanggap.

Totoo, na tuwing Pasko ay may isinisilang..
Na tuwing Pasko ay may dumarating.
Ano mang uri ng mga biyaya na dumating sa ating buhay.
Mawalan man tayo ng mga mahal sa buhay, mga ari-arian, kabuhayan..
Ang Pasko ay nagpapa-alaala sa atin ng pag-asa
na
sa ati’y sumilang ngayon
Manunubos Kristong Poon.

Maligayang Pasko po.

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s