~pasumala~ a Syete de Disyembre

Whaa.. grrrrrrrrrrrr… super lamig na… simoy Pasko na talaga, at di ako makapaniwala na tatagal ako sa aking taguang ito, sa kabila ng marami pa rin akong mga post na di pa nai- pa-publish sa kadahilanang limited access pa rin ako sa internet, syempre work muna tayo.. good girl eh.. baka di ako isali ni Santa sa list niya.. awww…

At dala na rin siguro sa kaabalahan ko sa mga pangyayaring halos gumimbal sa mundo, ang bagsik ni Yolanda. Yes, halos isang buwan na rin ang nakalipas simula ng manalanta ang lakas ng bagyong ito sa ating mga kababayan diyan sa kabisayaan. Hindi man ako direktang biktima ng nasabing bagyo, pero damang dama ko ang hirap na kanilang iniinda.

Sa totoo lamang, wala man akong kamag-anak doon, pero gusto kong pumunta at  makatulong man lang sa abot ng aking makakaya..

At dahil sa daming mga kaganapan nitong nakalipas, at nalalapit na naman matapos ang kabanata ng taong ito, samahan ninyo akong balikan ang mga pangyayari kasama ang lakas ni Yolanda.

  • Dahil abala ako sa pagtutok kay Napoles, hindi ko na ipublish sa tamang araw ang aking pasumala noong Nobyembre, dahilan na rin na naging abala ako sa pagtutok sa pagdating ng super typhoon.
  • Sa lakas ng bagyo na gumimbal sa mundo, nawalan din ako ng signal, kuryente at naging abala sa panawagan ng tulong para sa ating mga kababayan.
  • Masaya ako, dahil sa munting panawagan, madami ang nagpahatid ng tulong, bigas, delata, damit, noodles, mga sabon at tubig na inihatid namin sa social action.
  • Dahil patapos na ang taon, syempre ang daming deadline na dapat matapos sa work, at heto nga isiningit ko lamang ito dahil ito ay aking paglalakbay.
  • Gusto kong gumawa ng Christmas wishlist.
  • Grabe ang bill sa kuryente, nakakamatay, daig ko pa ang may pabrika sa sobrang mahal.
  • Gusto kong sumama sa humanitarian mission pero dahil sa month end, hindi ako pinayagan sa opisina, tama na raw ang ginawang relief drive, ipa ubaya na raw sa gobyerno ang tungkulin at gampanin nila. Kailangan ko ding isalba ang mga manggagawang maiiwan ko, dahil panigarudong hindi sila makaka sweldo.. aww. Sa madaling salita, nag dasal na lang ako…

Papalapit na ang kapaskuhan, ilang araw na lamang at ito’y ating masasaksihan, maaaring abala na ang lahat sa  ngayon para sa mga pagkakagastusan, pagbili at pagtupad sa mga wishlist, mga ihahanda sa hapag na pagsasaluhan..

Madami sa atin ang abala sa pagdalo sa Christmas Party, bigayan ng regalo, marami sa ating ang umaasam ano kaya ang matatanggap kong regalo. Marami din ang nag-iisip at naghahanda ng mga ibibigay na regalo. Regalong alam nating magpapasaya sa mga makakatanggap nito.

Pero alalahanin sana natin kung bakit may Pasko, Na sabawat pagbibigay natin ng regalo, sa bawat pagtanggap nito ay ang una nating maiisip ay ang tunay na kahulugan at diwa ng Pasko..

Isang mabiyayang Pasko po sa lahat… 🙂

Advertisements

2 thoughts on “~pasumala~ a Syete de Disyembre

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s