~pasumala~ A Syete de Nobyembre

Aww. Hindi ko talaga inaasahan sasablay ako ngayong buwang ito dahil kay #Napoles. Oo dahil sa pagtutok ko sa hearing niya, nakalimutan kong ipublish ang aking buwanang paglalakbay. #HindiKoAlam na ika-pito na pala ng Nobyembre, kasabay ng panonood ko, ay ang pag-aabang sa pagbisita ni #YolandaPh na tinaguriang super Typhoon.

Hay, sa dami ng isipin huli man ay huli pa rin, magkagayon man, mas mabuti ng huli kaysa wala.

Kaya heto at samahan ninyo akong balikan ang nakaraan.

  • Matapos ang nakakagulantang na pangyayari sa ating mga kababayan sa isla ng Bohol na niyanig ng Magnitude 7.2 na lindol, ang pagguho ng mga antigong Simbahan ay tunay na nakapanlulumo. Tunay na nakapanghihinayang ang mga istrakturang pinatibay ng panahon, mapalad ako at kahit sa kalayuan ay nasilayan ko ang kagandahan ng naturang lugar, paano ko nga ba naman hindi makakalimutan ang Bohol, hanggang ngayon ay dala-dala ko pa rin ang alaala ng mga manikang binili ko sa Mall doon at tiniyagang bitbitin pabalik ng Maynila kung saan halos maiwan ko ang aking bagahe, maisalba lamang ang apat na manika na ipinaki-usap ko pa sa aking mga kasama sa pag ha hand carry… πŸ™‚
  • Isang Relief-Drive ang binubuo namin para sa mga kapatid natin sa Bohol, taga doon kasi ang hipag ko, kung saan makapag-paabot kami ng tulong sa kanilang bayan sa Tubigon.
  • Ang pag-gunita sa ating mga mahal sa buhay na namayapa na ay isang family-gathering na maituturing, kung saan nagkakatagpo-tagpo sa kanilang himlayan. Nakakalungkot man dahil alam kong kabilang sa kanila si Papitot, masaya naman akong tumigil sa kanyang puntod ng buong araw, at doon ko nasilayan ang mga taong naghandog ng kandila, bulaklak at nag-usal ng panalangin. Isang hudyat na ang pag-alaala sa kanya ay kahulugan ng mga taong patuloy na nagmamahal sa kanya.
  • Isang pagbisita ang ginawa ko sa mga sikat na pasyalan, feeling bata, hindi ko pa lamang nalilingilang mag post ng tungkol dito siguro dala na rin ng kaabalahan.
  • At heto nga habang ginagawa ko ito, nakatutok pa rin ako sa mga balita ukol sa pagbisita ni #YolandaPH
  • Ipagdasal po natin ang kaligtasan ng bawat isa.

“dahil sa inabot ako ng papatay-patay na kuryente at bagal ng signal, hindi ko ito napost noong ika-pito, nawala ako halos noong weekend dahil sa bagyong #YolandaPH, walang signal, walang kuryente at naging abala sa pagtugon sa tawag ng pag boboluntaryo upang tumulong sa ating mga kababayan.

Ngayon ko lamang nabalikan at ngayon ko rin lamang ilalatha kung saan nais ko na ring manawagan na ito po ang panahon upang tayo ay tumulong.

Stay Safe everyone

11.12.13

Advertisements

9 thoughts on “~pasumala~ A Syete de Nobyembre

    • haha, ang pasumala daw ay mga pangyayaring di inaasahan, by chance or accidentally, nakasulat kasi yan sa aking slumbook noong grade V, favorite question: anong pasumala mo? hehehe.. yan kasi lagi ang tanong noong titser ko, kaya kapag nag jo journal ako, yan na word na ginagamit ko, para mas madaling mag recall ng mga di inaasahang pangyayari…

      ako’y may pasumala… whaaa.. ang lalim.. di ko ma dig…hehehe.. πŸ™‚

      • ahaha, ang ganda ng paliwanag. at ang rikit ng munting kasaysayan ng salita. thanks for taking the time to elucidate, kapatid. at may kasama pang wento (romantic si titser, huh?), hihi. appreciate po. salamat, salamat babetski… πŸ™‚

      • ahaha, di ko nga minsan alam kung tama ba, basta yan ang natatandaan kong sinabi ni mam, (sumalangit nawa ang kaluluwa)… kasamahan kasi iyan ng pakasam…

        yung tanong na:

        Anong pakasam mo?
        Anong pasumala mo?

        :nosebleed:

      • hello, babet… ahaha, gayon baga? uy, pamilyar ako sa pakasam, kapatid. itong pasumala ang sa ‘yo ko pa lang narinig, hihi… πŸ™‚

        pakasam sa amin, sa amin banda, ha… means scheme, design or something that is being woven or prepared, ahaha (pasensya naman sa inglesin). so, medyo double meaning sya, ibig sabihin, you are up to no good, hakhak. minsan, neutral lang. parang ibig sabihin, what do you intend to do, ayown…

        baka, baka lang, kapatid, pasumala also means plan or intent? ahihi, nanghuhula lang pow… teka, itanong mo kaya kay Inay mo, whatdyathink. πŸ™‚ goodnighty…

      • hahaha, siguro ganun nga ate San, ang dami naman kasing meaning ng mga sinaunang word.. hahaha… maari ngang ang pasumala ay para ding pakasam… hihihi…gawa na ng pakasam at magpasinaya na… oh di ba, pwede sa nakaka intindi… hahaha…

        kaw ga, anong pakasam mo sa darating na Pasko?

  1. Ate Babet! *hugs*

    Sobrang daming kalamidad talaga ang bumisita ngayon sa ating bansa. Pero alam mo naman ang Filipino Spirit, pinatibay na yan ng panahon. Kaya nga tinitingala tayo ng buong mundo dahil sa pagiging resilient natin sa mga sakuna.

    I’m still praying and sending my heartfelt sympathies for all the #YolandaPH survivors. Kapit lang po kay Lord, wag bibitiw!

    Sama sama tayong babangon at aahon sa matinding pagsubok na ito.

    God bless us!

    • aww.. yes, malalagpasan din natin ang lahat ng ito, halos lahat ng tao sa buong mundo ay patuloy na nagpapahatid ng tulong sa kahit anong paraan upang matulungan ang ating kababayan na makabangon.

      Ngayon ang PANAHON upang TUMULONG

      kapit-bisig tayo.

      by the way, happy birthday.. mwah..

      God bless…

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s