Mula sa Kalayuan

Halos hindi ko magawang magbasa o mag update nitong aking munting taguan simula ng sumiklab ang bakbakan sa Zamboanga. Malayo man ako sa kinaroroonan ng kaguluhan pero sa aking dibdib ay may munting takot at kaba na namamahay lalo na ng mabalitaan kong ipapadala si Mandirigma (sino siya) ayii.. basahin ito kung interesado ka.. Yipee…

Abala ako sa paglalaro ng candy crush noong mga panahon iyon kasabay ng inis na hindi ako maka level up dahil sa wala akong ticket. Hanggang sa mapagmasdan ang breaking news sa telebisyon na nagsasaad ng kaguluhan. Ako, deadma noong una, siguro ay normal na sa akin ang makabalita ng kaguluhan sa Mindanao.  May bago ba, hindi na alarming kumbaga, pero ng maka-ikalawang araw na at nabalitaan ko na kasama si Mandirigma , bigla akong naalarma, oo hindi naman doon ang destino nya, pero dahil sa tawag ng tungkulin, doon ako biglang nagka roon ng concern… Awww. yung feeling…

Halos, maya’t maya na akong naka update sa news simula ng araw na iyon, kasabay ng usal ng panalangin at pananawagan ng #PrayForZamboanga, bigla akong nakaramdam ng takot, hindi dahil andun si Mandirigma, mula sa mga batang natutulog sa tent, sa mga batang sa murang edad ay namulat sa kaguluhan, traumatic kumbaga. Hindi mo masasabing sanayan lang, dahil kapag kaguluhan ang kinamulatan, asahan, kaguluhan di ang kakalakihan. In the eyes of a child, lahat ng makita niya ay tama.. mahirap itong itama pagdating ng panahon.. mabuti kung sa kabutihan pero paano kung doon pumanig sa karahasan.. Masasabi bang matatapos ang kaguluhan…

Ang bigat sa dibdib ng isipin diba. Ang layo ng Zamboanga at hindi mo masabing buenas dias amiga. Mula sa mga larawan ipinapakita sa social media, mga iba’t ibang opinyon at usapin. Sino nga ba ang dapat paniwalaan…

Pero sabi nga ni Ryzza Mae, look up look up din pag may time. Mula sa kalayuan, mayroon kang matatawagan, Day 10, while praying so hard, i received message from Mandirigma, saying he’s okey…

Nakahinga ako ng maluwag, Halos ilang gabi rin kaya akong puyat lalot higit ng mabalitaan kong isa sa kanyang kasamahan ang nasawing palad.

Mula sa kalayuan, pinilit kong maging matatag, look up, pray hard…

Hindi ako binigo, kagabi bago ako matulog isang mensahe ang natanggap ko.

He’s home.. Finally, Mandirigma is safe and home. He deserves to have a break…

Magkagayon pa man, mula sa kalayuan alam kong hindi  kita masisilayan at madadamayan, tanging panalangin lamang ang aking kayang ibigay na sana matapos ng tuluyan ang kaguluhan upang sa pagbabalik mo, hindi na ito ang iyong pupuntahan dahil tapos na ang kaguluhan at muli ng bumabalik sa normal ang pamumuhay…

Ingat ka palagi Mandirigma…

Sulitin ang bakasyon para sa susunod na laban mas lalong mag ibayo ang iyong tapang…

:saludo: po..

Thank you Lord…

-carpe diem-

P.S.

Sabi ng bigas na maharlika sa gasolina…

NAGMAMAHAL DIN PO AKO.

Advertisements

One thought on “Mula sa Kalayuan

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s