~pasumala~ a Syete de Agosto

Akalain mo nga naman, nakaka-apat na buwan na ako mula sa aking pamamayagpag sa mundo ng blogospero. Buwan ng Agosto at Buwan ng Wika ngayon, isang buwan na lamang at BER months na.. makakarinig na naman ako ng kantang ♪♫Pasko na Sinta ko….♪♫ Olala..
Pero bago tayo dumako sa kapaskuhan, akin muna muling titipunin ang mga samutsaring kaganapan nitong nagdaang buwan.

  • Pumanaw na si +Papitot, Ang pagpanaw ni Papitot ay lubos na ikinagulat ng madami, ako rin na shock kasi kabababa ko lamang noon mula sa kanyang kama kasabay ng birong bumaba na ang lagnat niya, wait na lang para masalinan na siya ng dugo dahil kapag di pa isinalin, iinumin ko na… RED wine…  😀
  • Nakakalungkot dahil hindi ko inaasahan na ganun kadali kahit sabihin pang alam kong may taning na ang buhay ni +Papitot, pero sa kabilang banda, nagpapasalamat na rin ako dahil hindi na niya mararanasan pa ang iba pang medical test and laboratory test at
    kung ano pang test… at ang sinasabing pinakamasakit na daranasin sa lahat ng may capital C.
  • Halos isang linggo akong leave sa work at halos isang linggo din akong puyat, kaya’t isang linggo din akong laging may power nap sa opisina.. haha
  • Ang pangarap kong maging embalsamador ay muli kong napagmasdan habang nakahiga si +Papitot, kundangan lamang na ako’y ayaw payagan dahil sa aking matang luhaan.
  • Nawalan man ako ng AMA dito, pero ang nakakatuwa ng bumalik ako sa office may larawan ng PAPA sa aking lamesa, His Holiness Pope Francis, ang saya..

(sabi nga look on the bright side)

  • Sa bawat paglisan ay may darating. Ayii… Is HE coming soon? landian time muna.
  • Unang araw ng buwan nagkaroon ako ng bagong android phone, kahit di ako marunong mag slide ng screen hahaha. 😀  Salamat sa iyo JR, isa kang mapagmahal na kaibigan, Akalain mong binibiro ka lamang na pangarap kong magkaroon nito.. 🙂  Heto at di mo ako binigo, alam mong hindi ko pagkakagastusan ang ganitong bagay, magkagayon man gagamitin ko ito at iingatan para tumagal ang buhay, haha, next year ulit ha, sana DSLR naman (oh biro ulit iyan ha, totohanin mo sana ulit) 😀 😀 😀

Madaming pangyayari ang nagaganap, andyan ang break-up ni Billy at Nikki, ang scandal ni Chito at Neri, ang Scam ni Madam Jenny, ang papalapit na barangay election, ang CDO bombing  at marami pang kaganapan.

At ngayon buwan ng Agosto ayon sa karanasan na nakagisnan ay buwan ng tag-hirap, mahirap ang buhay sa panahong ito, ang sabi, InaAGOSto….

.

.

.

May dahilan sa bawat kaganapan, kung bakit natin ito dinaranas. Hindi ito ipapahintulot  kung hindi natin kakayanin at malalagpasan. Ang mahalaga, sa bawat pagsubok ituring itong biyaya na may kapakinabangan ang bawat kaganapan.

Keep the faith… ika nga 🙂

Advertisements

8 thoughts on “~pasumala~ a Syete de Agosto

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s