Tuwing may Ulan

Trysikel…(inisnab ako)
.
.
.
.
Trysikel…(inisnab ulit ako)
.
.
.
.
patatlo na.. Trysikel (inisnab ulit ako)
.
.
.
.
Katitila pa lamang ng ulan, at mataas pa rin ang tubig baha na dumadaloy sa aking daraanan, matiim, ewww… hindi naman sa nag-iinarte ako pero kailangang iwasan kong mabasa ang paa ko. Hindi dahil mahal ang bili ko sa sapatos ko, kahit sabihin 5inches ang heels nito.
Luminga-linga ako sa mga tindahan, upang tingnan ang mga stall ng sapatos, bumili kaya ako ng bota.
Nagtanong sa tindera, wala daw size para sa aking paa, at di pa ako nakuntento, tiningnan ko pa talaga, para bang wala akong tiwala sa tindera.
Lumabas ako ng stall na iyon, di naman lalo ako pwedeng mag tsinelas.

Trysikel…. (inisnab na naman ako)
.
.
.
mukha ba akong walang pera, disente naman ang suot ko, may bag ako.
.
.
.
sumigaw ulit ako…

Trysikel….. Wala pa rin, deadma ang beauty ko ng biglang may dumaang traffic enforcer sa harap ko.

.
Manong, ipara nyo nga po ako ng trysikel, kanina pa ko tawag ng tawag, mga choosy sila porke’t nag-iisa ako.
.
.
Saan ba ang punta mo?.
.
.
.
Dyan lang po sa tapat? sa paradahan, di lang po ako makatawid dahil sa di pa rin humuhupa ang baha,
.
.
.
para yan lang di mo pa magawang tawirin…
.
.
.
magbabayad naman po ako,
.
.
.
At kumaway si manong at tumigil ang trysikel.
sumakay ako, halos abot pa rin sa sahig ng trysikel ang maitim na tubig. ewww….
.
.
.
.
Iiling iling ang trysikel driver ng bumaba ako at iaabot ang bayad ko.
.
.
Salamat po manong…
.
.
.
Grabe ang baha noh, sabi ng babae sa jeep ng sumakay ako.
oo nga po, nagtrysikel pa nga ako para lang makatawid.

what sumakay ka pa ng trysikel?
.
.
.
Tango na lamang ang tangi kong nagawa.
.
.
.
Hay naku, hindi ka naman siguro asin, para matunaw kapag nabasa ang paa mo? puro kaartehan kasi yang iniisip mo.
.
.
.
Dapat ba akong magpaliwanag pa, eh sa ayaw ko palang mabasa ang paa ko ng tubig baha.
.
.
.
.
.
Habang naka-upo ako sa jeep na iyon, binuksan ko ang aking bag, kuha ng tissue at alcohol, sabay hubad ng sapatos at punas kahit na hindi naman talaga nabasa ang paa ko ng tubig baha.
.
.
.
.
Oo, maarte talaga ako lalo na kapag sangkot ang ulan sa usapin tulad nito.
Kaya nga humahanga ako sa mga batang nakakaligo at lumulusong sa maduming baha.
.
.
.
Dumating ako ng bahay, dali-dali akong tumakbo ng CR…
buti na lang at di nabasa ng ulan ang aking paa..

kundi……
.
.
.
.
.
.
di ko na naman mapipigilan ang aking sarili na mapaihi sa kalagitnaan ng baha… awww.. nakakahiya….
.
.
.
.
.
.
Maingat na ako ngayon, hindi tulad noong ako’y bata pa..
.
.
.
.
Tuwing may ulan, feeling ko, ako’y isang daga na umiihi sa baha…
.
.
.
Kapag ang daga ang umihi sa baha, nakamamatay…
Kapag tao ay napa-ihi sa baha, nakakamatay din…….
.
.
.
.
.
sa HIYA…. aww..

.
.
.
.

Tag-ulan na nga…
Ingat po sa lahat… 😀

Advertisements

9 thoughts on “Tuwing may Ulan

  1. Hahaha, di naman masama ang maging maselan lalo pa at tungkol na sa iyong kalusugan ang pinaguusapan :)) Ako din, nagaalinlangan na akong lumusong sa baha. Malay ko ba kung may mga dumi ng tao at hayop sa ilalim nun. Tapos nahaluan pa ng ihi ng daga. Mas maigi na yung nag-iingat kesa magkasakit ka pa.

    • ahihi, hindi kasi ako sanay na makakita ng kulay itim o yung dark gray na baha.. sanay lang ako sa mala 3n1 na kulay baha, kaya medyo nag iinarte ako kapag sa kabayanan ako inabot ng pagbaha.. Aww…syempre kapag ganitong panahon, bawal ang magkasakit, kaya ingat ingat din pag may time lalo na dyan sa kamaynilaan, mala starbucks ang kulay ng baha. ang tagal bago humupa.

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s