SONA: State of the Night Alone

SONA o State of the Nation Address ng Pangulo ngayon, pero hindi ko feel dahil hindi ko naman napanood o nabasa man lang, parang wapakels lang ang peg, bukas ko na lang siguro aabangan para mas masaya, marami ng mga comments kumbaga.

Kaya for now, ako muna ang mag dedeliver ng aking SONA: State of the Night Alone. oh diba SOlo Na Ako dito sa bahay.

Halos dalawang linggo na ang nakalipas simula ng iwan kami ni +Papitot at heto nga panibagong adjustment ang ginagawa namin, Ngayon ko nararamdaman ang pangungulila siguro dahil SOLO ko ang bahay, kahit pa dalawa kami ni Mamita, busy kasi siya sa tindahan, doon niya inaabala ang sarili, Masyado kasing malungkot dito sa bahay.

Kaya naisip ko na gumawa ako ng aking SONA: State of the Night Alone

ACCEPTANCE
people come, people go: Hindi namin inaasahan na magiging mabilis ang pangyayari, yes, binigyan ni doktora ng taning si +Papitot 6-7 months pero one month pa lang bumigay na. Alam namin na hindi biro ang pagdadaanan ni +Papitot kaya lahat ng adjustment ginawa rin namin.
In the end, kailangan naming tanggapin na pinatapos lang talaga ni Papitot na kumain si Mamita on that day bago niya tuluyang ipikit ang mata niya.

MOVE ON
Don’t be sad because of people, we will all die: After a week na magkakasama kaming mga naiwan ni +Papitot, kailangan na ng mga kapatid kong bumalik muli sa kani-kanilang tahanan. Nakakalungkot man pero kailangan naming sumulong. Alam kong dalawa na lang kami ni Mamita na titira dito sa bahay at hindi biro ang magiging adjustment namin. Pero sa tuwing maalala ko na ang pagpanaw ni +Papitot ay isang kalakasan, meaning kaya na namin. Ngumingiti ako 😀
Simula na kailangan kong gawin ang mga gawain ni +Papitot; magpakain ng mga pusa at aso, mag check at maglock ng mga pinto at bintana, magwalis at mag mop ng sahig. at higit sa lahat, lalong tatahimik ang bahay dahil hindi na ko sisigaw tuwing kainan ng +Papitot kakain na. 🙂

GRATITUDE:
Thank You: Magpasalamat, hindi rin biro ang naging hirap ng mga kapatid ni +Papitot, bilang panganay siya sa labing-apat na magkakapatid, oh diba ang dami at ang saya namin tuwing may family gatherings. Alam kong hindi rin nila inaasahan ang kaganapanan, Sila ma’y nagpapahatid ng kanilang pasasalamat higit lalo sa aming mga kamag-anak na hindi na rin namin nabigyan pansin.
Isang pasasalamat na hindi man inaasahan ang pagkawala ni +Papitot isang bagay na alam kong proud siya sa pagiging pasaway ko. Ang Burial Plan ko 😀 Isang pasasalamat ko dahil sa bukas na pag-iisip ni Papitot pagdating sa larangang ito.

PRAYERS
Ito ang pinakamagandang regalo ni +Papitot sa aming magkakapatid, ang pananahimik ay kabanalan.
Isang aral na hindi namin makakalimutan, Totoo, hindi maimikin si +Papitot. Sa tagal ng pagsasama nila ni Mamita hindi ko nakita silang nag-aaway kahit may paka bungangera si Mamita. Never si +Papitot makipag argue kay Mamita. Tatahimik na lamang siya. Lagi niyang sabi mas madali ang makinig kesa sa magsalita. Kaya never din kaming makitang mag-away magkakapatid. Oh diba ang tahimik namin. Less talk. Less mistakes.
Ang minsang sinabi mo ay hindi na mawawala kaya kung wala kang sasabihing maganda huwag ka ng magsalita, Manahimik ka na lamang at doon magiging banal ka dahil panay ang usal mo ng panalangin. “Lord sana kayanin kong pigilan ang aking sarili.”

Ang pagpanaw ni +Papitot ay hindi dapat maging kalungkutan bagkus isang biyaya na dapat naming tanggapin dahil alam namin promoted na si +Papitot sa buhay na ito. 😀

~maulan ngayong gabi~
Ingat everyone… 😉

Advertisements

4 thoughts on “SONA: State of the Night Alone

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s