Si Man-Man at si Manny

Nag-uusap ang mga pamangkin ko tungkol sa kanilang mga pangalan, kung paano at kanino galing. At matama naman akong nakikinig sa mga kwentuhan nila.

At nagulat ako ng bigla akong tanungin ng ganito?

Ninang, sino ang mas mayaman, Si Manny Villar o si Manny Pacquiao?

Si Manny Pangilinan (oh di ba, wala sa pagpipilian)

Ah. yung may-ari ng TV5 (hala, updated din pala ang mga batang ito sa showbiz happenings)

At bakit nyo naman naitanong?

Kasi sabi ni Man-man kapag daw Manny ang pangalan mayaman.

May ganung issue?

Hmm, bigla tuloy akong napa-isip Mayayaman nga ba talaga kapag ang pangalan ay MANNY? Usapang pera-pera lang ha (sounds Money)

===================================

Habang abala sa pag-eempake ng mga gamit ang lahat para sa pagbabalik nila sa normal na buhay.

Ninang, may tao sa labas?

Papasukin mo?

Ikaw na, hindi ko kilala?

In short ako pa rin ang lumabas.

Tawagin mo si Lola Bhe sabi ko kay Jonas (opps Lola Bhe ang tawag ng mga pamangkin ko kay Mamita at Lolo Bho naman kay +Papitot) sabihin mo andito si Manny.

At naglabasan ang ibang mga pamangkin ko, sabay tanong Sinong Manny?

Si Mannymaniningil ng bayad sa tubig…sagot ko..

At bigla silang nagtawanan.

Manny again?

Pero hindi MANNY ang kanyang pangalan, Manny lang ang tawag sa kaya dahil maniningil siya sa tubig. Pina-ikling salita.. short for Maniningil..diba Tita.. explanation ni Carlo.

Naks, parang puro Manny ang usapan namin diba.

Kaya muli kong tiningnan si Man-man, Pano yan Man-Man may pag-asa ka nang maging isang Manny Pangilinan, Manny Villar, Manny Pacquiao o MANNYningil.. May pag-asa ka ng yumaman, YUMAMAN ha, hindi YUMABANG…

“Libre lang ang mangarap di ba.. Who Knows…Yumaman nga ng bonggang bongga si Man-Man, ito kasi yung yabangan session nila na aking pinapakinggan,
Name pa lang niya, may pera na.. πŸ˜€ s’yanga naman

Happy Money Monday everyone πŸ™‚

It’s nice to be back.. πŸ˜€
07.22-13

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s