Dear San Pedro

Maligayang pagbati sa iyo mahal na San Pedro
Nais ko sanang ihabilin ang Papitot ko
Alas sais ng gabi, petsang a-otso
Nilisan na niya ang mundong ito

Alam kong masaya ka sa pagdating nito
Hiram na buhay ay muling sumasaiyo
Hanggang dito na nga lamang siguro
ang buhay na nakalaan dito

Nawa’y salubungin at ihatid mo
doon sa lugar ni lola at lolo
ngayon’y magsasama na silang tatlo
kaya mapapanatag na ako na kanyang bunso.

Paalam Papitot
ihalik mo ako sa angel ko
tell her mabait na ako
ibabalik ko na ang susi ni San Pedro.

+Papitot
1945-2013
07.08.13

Advertisements

12 thoughts on “Dear San Pedro

  1. hello… malungkot ako para sa iyo, babetski. condolence sa iyo, sa inyo ng pamilya mo. at the same time, natutuwa ako, may post ka pa at tila magaan sa iyong loob. ikaw na… 🙂

    masakit lagi ang mawalan. sana ay makapahinga ka sa mga darating na araw at nawa ika’y maging matatag. alam din siguro sa langit kung gaano ka katyaga in the last months and years, kapatid. saka, malamang, naghuhuntahan na sina Papitot mo at San Pedro, ahihi. ^^

    hugs sa iyo. take care of yourself. 🙂 ~ ate san

    • ate san- 😀 ayaw ko kasing makalimutan ang araw na ito kaya nagawa ko pa ring mag post. 🙂 ang araw na alam kong di ko na makakapiling si Papitot.

      Anyway, salamat 🙂 hugs for you too.. 🙂

      • lagi naman nakangiti 🙂 lalo na everytime na naalala ko si Papitot, yung tipong tinatawag ko pa siya sa pagkain.. hehehe lagi akong nakakabigla ng tawag kasi madaming pang tao dito sa bahay, ako kasi tagatawag kay Papitot everytime na kumpleto kami dito sa bahay lalo na sa pagkain. 😀

      • ahaha, parang medyo gets ko yon. no’ng nawala mother namin, about a year na syang wala, may plate pa rin sya sa hain, ang baliw lang… and yes, tinatawag pa rin sya, sabi mo nga, hihi. gano’n yata talaga, kapatid. 😉

        have a good week, babetski… 🙂

      • hehe, ganun nga daw yun, kahit tanggap na ang pagkawala, pero may moment na bigla mo na lang maalala lalo na yung time na malimit ninyong ginagawa, yung mga nakasanayan na.

        🙂 heto, bawi-bawi muna ako sa puyat… tulog-tulog din pag may time…kailangang maibalik ko muli sa tama ang aking body clock, di pa rin normal till now… 😀 dami ko na namiss sa mga blog updates.. hihihi…

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s