Isang Tao, Isang Taon Na…

Isang tao na nakilala ko isang taon na ang nakalipas
Ika-pito ng Hulyo ng una siyang tumawag
Isang pasasalamat ang agad kong natanggap
Dahil sa pagsagot ko sa wakas sa kanyang tawag

Wala man akong alam sa takbo ng buhay niya
Pero ng gabing iyon, tila kakaiba ang nadama
May kakaibang pakiramdam mula sa boses niya
Isang pagal na nilalang na may halong pangungulila

Halos gabi-gabi kami ay magkausap
tumatagal ito ng halos tatlong oras
Kwentuhan kami na tila wala ng bukas
Kaya naman ako ay laging napupuyat.
Sinasamahan siya sa landas na tinatahak

Sa maikling panahon, nasubaybayan ko
Kanyang estado pati na rin ang trabaho
Puso ko’y nahabag sa kanyang kwento
Kaya naman humanga ako ng todo.

Magkalayo man kami, parang malapit din
Dahil na rin sa text at tawagan namin
At kami’y parehong nanalangin
Na darating ang araw kami’y pagtatagpuin din

At hindi nga binigo aming dalangin
Isang araw na kami ay palarin
Kahit tinawid niya ay bulubundukin
Siya ay nakarating sa tapuan namin

Ako’y lalong humanga ng makita siya
Di ko inakala ang bata niyang mukha
Hindi tulad sa larawang ipinakita
Doon sa account niya na siya ang may akda
Hindi na halata ang kanyang pangungulila

Ang pagkakaibigan naming dalawa
Na nagsimula lamang sa mga tweet niya
Di man kami pinalad para sa isa’t-isa
Siguro dahil na rin na uri ng trabaho niya
Mahirap talaga ang maging mandirigma

Mahirap umibig sa taong malayo ang distansya
Kahit pa sabihin buo ang tiwala
Pero kung talagang itinadhana
Kahit anong layo, sa bandang huli
Magkakatuluyan pa rin sila.

Advertisements

6 thoughts on “Isang Tao, Isang Taon Na…

  1. Pingback: Mula sa Kalayuan | N K blog N Ko!

  2. Awww… ang sweet naman ng tulang ito ate Babet 🙂 kinilig ako hehe! Long distance relationship! galing naman 😀

    And correct me if I’m wrong, sundalo ba si kuya?

    Happy first anniversary sa inyo 🙂

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s