~pasumala~ a Syete de Hulyo

Whew.. Hulyo na, ang bilis ng panahon, at mahal na naman ang kamatis for sure. Nakatatlong buwan na ako simula ng tipunin ko ang mga samu’t saring pinagkaabalahan at karanasan sa aking paglalakbay. At ngayon ngang buwan, ito na yata ang humahamon sa katatagan ko.

  • Muli na naman naming ibinalik si Papitot sa ospital, pero this time hindi na sa kabayanan, kundi ikapitong bayan pa mula sa aming tahanan, ang layo diba. dami kong pagod everyday.
  • Nagsimula na naman muli ako sa aking balik-alindog program kasabay ng paghihigpit ng sinturon.
  • Muli naman nanumbalik sa akin ang paghanga sa mga NAR-S, siguro dahil masyado kong na appreciate ang kanilang trabaho sa panahong nawawalan na ng pag-asa si Papitot.
  • First time kong sumakay ng AMBULANCE.. weng..weng..weng… hambilis namin, pramis. ibang-iba sa Cadillakad na sinasakyan ko. Walang traffic… (alam ko madami ang ayaw sumakay sa AMBULANCE kahit pa sabihing mabilis ito..) Tinatawanan ko na lang kasi masaya si Papitot ng isinakay namin siya.. kasi uuwi na kami… ~yeHey~
  • Inilagay ko na ang kalooban ko pati na rin siguro sina Mamita na magiging bahagi ng aming pang-araw-araw na tahanan ang ospital. Pansamantalang di ko matutulugan ang kama ko siguro dahil na rin sa ginawa naming mini-ICU ang dinning room namin para kay Papitot. At syempre kama ko ang ipinagamit ko,
  • Madami laging bisita na dumadalaw sa bahay, kaya kailangan mag-adjust ako ng oras sa opisina.. At pinayagan naman ako, ang bait ng bossing noh..Salamat naman at nauunawaan ang sitwasyon ko.
  • Kumuha kami ng kasambahay, salamat at mayroon agad nakuha. Kailangan kasi namin para sa pamangkin ko. Kailangan kasi namin mag focus sa kalagayan ni Papitot. First time na may makakasama ako sa bahay na di ko kaanu-ano.
  • Ngayon ko napapakinabangan ang mga training ko noong kabataan ko, mula sa RED Cross, sa mga Volunteers work ko. Ako na ang nag momonitor ng Blood Pressure ni Papitot pati na rin ng Body Temperature niya, oh diba, nabigyan katuparan din ang dream kong maging NAR-S.. Huwag lang akong pagtuturukin…dahil #alamNa

Itong buwan na ito ay masasabi kong mahirap para sa akin, humahamon sa katatagan, katapangan at higit sa lahat sa pananalig ko. Magkagayon pa man. Tulad ng lagi kong dasal, kung ito po ang kalooban ninyo, buong puso ko pong tatanggapin.

=================

Today, remembering someone a year ago, (naks Umi-english)

Advertisements

2 thoughts on “~pasumala~ a Syete de Hulyo

  1. Pingback: Balik-Alindog 101: Sapat na Tulog | N K blog N Ko!

  2. Ate Babet, everything will be alright kay papitot mo. Basta wag kang magsasawang laging tumawag sa itaas. Kapit ka lang kay Lord, wag bibitiw! 🙂

    at anung kinalaman ng July sa presyo ng kamatis? maiba lang… hahaha!

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s