Ambulansya o Karo?

Ito na nga, halos tahanan na rin namin ang ospital sa kasalukuyan gawa na rin ng kalagayan ni Papitot. Kaya in and out ang scenario.

Sa kabila ng paglabas-pasok namin sa ospital, gumawa naΒ  kami ng Mini-ICU sa dining room, may oxygen tank, pang BP, sabitan ng dextrose at kung anu-ano pang may kinalaman sa gamutan, Mahirap na kasi kay Papitot ang pumasok sa kwarto, though hindi naman kahinaan, kaya lang kapag kinabitan ka ng nerbyos na mataas pa sa akin, naku, tiyak, kahit karayom ayaw ng makita.

Kaya halos palipat-lipat kami ng ospital nitong mga nakaraang buwan, dahil na rin sa paghingi ng opinion, una, clear kasi yung mga lab test ni Papitot, at di matukoy ang pinagmumulan ng panghihina niya.

At nitong nakaraang linggo, napalayo kami ng ospital, (mga ito hanggang doon lang.. πŸ™‚ halos pitong bayan ang nilalakbay, ang dami kong pagod, kaya matapos ang salinan ng dugo portion ni Papitot, uwian time na naman, at ganito ang scenario:

Si Mamita na tagabantay, Ako na tagapagbayad at si Papitot na pasyente

Mamita: hindi na tayo magpapasundo sa kuya mo, kausap ko na ang driver ng ambulansya.

Ako: what, sasakay ako ng ambulansya

Mamita: Gaga, mas mainam na sa ambulansya tayo sumakay pauwi dahil malayo, atleast may available na oxygen tank doon.

Ako: okey, (pero excited ako, first time sumakay sa may weng..weng..weng… πŸ™‚

Mamita: magtext ka sa kuya mo na paalis na tayo.

Ako: hindi naman kaya mauna pa tayo kesa sa text, kasi naka ambulansya tayo… Weng..weng..weng

Mamita: bakit mabilis ba itong tumakbo?

Ako: Ewan ko.. lam nyo namang mas sanay akong sumakay sa karo

At mabilis nga kaming nakarating sa bahay namin, dahil ang 2hours kong byahe ay 45 minutes lang sa ambulansya.

Syempre, kakaiba ang senario ng dumating kami, malakas si Papitot ng umalis kami sa bahay tapos ng iuwi naka-ambulansya (dami tuloy biglang naki -useh..)

Kapitbahay: ay bakit kayo naka ambulansya

Ako: naku mahirap po kasi kung karo ang sinakyan namin pag-uwi,

(pasensya, magaling lang talaga akong sumagot kapag ang kaharap ay tsismosa)

===============================

Kagabi, dinala ulit namin si Papitot sa ospital kasi hindi bumaba ang body temperature niya.

Mamita: Anong sasakyan natin at sinong driver?

Ako: ako na lang, kaso parang karo lang ang takbo natin

Mamita: Baka hindi tayo makarating sa ospital. Tawagan mo ang iyong kuya.

Ako:Ayaw pa kasi akong payagang kumuha ng lisensya eh.. 😦

Papitot: Tumawag ka na ng ambulansya.

Ako: Karo na lang po…

===========================

Dalawang sasakyan, kinatatakutang sakyan:

Isang mabilis na humahagabis upang magsalba ng buhay

Isang mabagal at dahandahan upang umalalay sa mga naiwan

Dalawang sasakyan, gusto kong sakyan

Upang alam ko na ang pakiramdam

Nang mga taong ayaw pang mamaalam.

=========================

Papitot alam mong ako’y nagsisinungalin dahil sa aking mga pasaring

Pero ito’y para sa iyo na rin, kaya ako’y nagkukunwaring masayahin

Sakit mo’y ay di ko pwedeng sabihin, ito ang pakiusap ni Mamita sa akin

Kaya wala akong ginawa kundi ikaw ay patawanin

Alam mo naman ako’y may kabaitan din

At pagdating ng araw ako’y iyong patawarin

sa mga kalokohan ko na hindi magmaliw…

Advertisements

4 thoughts on “Ambulansya o Karo?

  1. Ang morbid ng title! Pero good to know it’s part of your effort na patawanin ang Papitot mong may sakit ngayon. Sana gumaling na siya and you can all laugh about this. Stay strong, you and your family πŸ™‚

    • wow idol, salamat po sa pagbisita..
      Salamat πŸ™‚ binabasa ko kay papitot yung site mo…hehehe…
      Ang morbid nga eh.. yan na kasi bukambibig ko sa kanya, ayaw na ayaw niya kasing magpadala sa ospital. kaya everytime na babanggitin ko yan, pumapayag na. πŸ™‚ At dahil jan, tumatawa siya dahil alam niya ang kasalbahehan ko…

      Salamat ulit, sana nga gumaling na siya…

    • salamat ate san πŸ™‚ sanay na naman sa aking kakulitan si Papitot, kaya kailangang mapanatili ko yun kahit minsan eh gusto ng bumigay ng aking kalooban lalo na kapag hirap na siya sa sitwasyon…
      kaya heto, sulat sulat para naman may konting outlet. πŸ™‚

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s