My Happy Meal Toy Collections Day

Laruan, bagay/gamit na naging bahagi ng ating kamusmusan. Tuwang-tuwa tayo kapag nakakatanggap tayo ng laruan.

Natatandaan ko pa noong aking kamusmusan, salat kami sa ganitong bagay, ni hindi ako nakapaglaro ng manika, at dahil nga salat kami sa pambili, natuto akong gumipit at gumawa ng sariling manika, mula sa paper dolls hanggang sa rag dolls, puro improvised lahat noon, kaya nga gusto ko tuwing tag-ani ng mais dahil iniipon ko ang buhok ng mais para gawing buhok ng manika.

Ayaw ni Papitot noon ang bibili kami ng laruan, walang return of investment ika nga. Sa halip, bininilihan kami ng mga alagaing hayop, tulad ng baka, baboy, kambing at manok para kung gusto talaga naming bumili ng laruan, yun ay mula sa aming sariling kita.Naging patakaran na iyon sa bahay, kaya sa halip na laruan ang aming pinagkakaabalahan pagkagaling sa eskwela, kailangan naming asikasuhin ang aming mga alaga, kambing para sa aking dalawang kuya, baboy naman ang aking alaga.

Inis na inis ako noon dahil pangarap kong magkaroon ng laruan tulad ng barbie dolls tulad ng sa mga pinsan ko, pero dahil sa may kamahalan at kalimitan pa ay galing sa ibang bansa hanggang sa pangarap na lamang. Kaya’t sinabi ko sa sarili ko, kapag nagka trabaho ako, unang iipunin ko ay laruan para kapag dumating ang panahon na magka-anak ako, hindi siya magiging salat sa laruan.

Kaya ng lumipat ako ng pag-aaral sa kabayanan, naging ugali ko na ang bumili ng mga laruan at isa na nga sa kinaadikan ko ang Happy Meal Toy Collection ng Mcdo.

At nagsimula kong kolektahin ang halos lahat ng laruan ng Happy Meal ng McDonalds simula noong taong 1997 na umabot hanggang taong 2007, feeling ko nga eh stockholder ako ng halos maging suki ako ng lahat ng McDonalds store sa lalawigan.

Naging tambayan ko na rin ang McDonalds noong mga panahong iyon, hindi man kasing high-tech tulad ngayon na may wifi na, noon naman ay libre ang dyaryo tuwing umaga.

At dahil nga, itinuring ko ng kasintahan si Ronald McDonalds, isa sa pangarap ko ay makasama at makapagpapicture sa kanya. Buti na lang hindi pa gaanong uso ang digital kaya may natago akong photo naming dalawa ng minsan nag pa Fun Day ako sa parochial school dito sa kabundukan.

si Ronald at ako taong 2001

si Ronald at ako taong 2001

Halos lahat ng Happy Meal Toys ay meron ako, mula sa Snoopy, 101 dalmatian, Barbi dolls, Hello kitty, Hot Wheels, Cars at mga miniture ng Mcdonalds and Friends, kinarer ko talagang ipunin lahat at my own expense, ang gastos diba, lalo na sa 101 dalmatians, namulubi talaga ako.

Kaya naman halos lahat ng bata na pumapasyal sa tahanan namin ay tuwang-tuwa dahil na rin sa mga laruan, oopss, pwedeng tingnan pero bawal hawakan, hindi naman sa nagdadamot pero dahil nga collection ko ito, ipinagpagawa ko pa talaga ng sariling lalagyan kahit hindi naman kami mayaman. Ang tanong nga lang lagi sa akin, Ano ka sa McDo.. at madami kang laruan.. Collector po ako.. Pang Guinness na sana noh.. pero nasaan na ang mga laruan.

Taong 2008, wala na akong balak na mag-asawa kaya napagpasyahan kong ihandog ang mga laruan sa iba’t-ibang paaralan, ang iba ay napunta sa mga pamangkin ko at anak ng mga kaibigan. At kapag naalala ko ang mga ngiti sa kanilang mukha, parang nakikita ko ang aking kabataan.

Madami ang nagulat noon sa desisyon ko, at may nagtanong sa akin, kung bakit ko pinakawalan ang mga tinipon kong laruan sa loob halos ng sampung taon. at hindi rin naman biro ang nagastos ko.
Simple lang ang sagot ko.
I have to let go –

Ang mga laruan iyon ang greatest possession ko dahil hindi lamang toys pati receipts ng bawat toys ay matiyaga kong inipon. Baka daw may reward ako sa McDo dahil kumpleto nga ang collection ko sabi ng friendship ko, pero hindi ko naman inipon yun para sa awards o recognitions, Naipon ko yung para mabigyan ng katugunan at napunuan ang kakulangan ng aking childhood days kung saan mailap sa akin ang laruan.
No Hurt Feelings dahil kapag naaalala ko ang mga ngiti ng batang pinagkalooban ko, masaya sa pakiramdan kahit hindi ko na na retrieve sa friendster account ko ang mga photos ng collection ko before i let it go..

Nagawa kong pakawalan ang bagay na ito dahil iba na rin ang panahon ngayon kung saan marami ng pinagpipiliang pagkaabalahan ang mga bata kesa noong kapanahunan ko, at noon ko rin lamang na realize na maswerte ako dahil mas pinahalagahan ko ang pag-aalaga na hayop noong panahon na naghahangad ako ng mga laruan dahil ang laruan kong totoo noon ay patuloy ko pa ring napapakinabangan ngayon.. nakakapaglaro at nakakapaglibang na, kumikita pa.

Pinagtatawanan ako noon dahil kung kelan daw ako tumanda tsaka ako nag-iipon ng laruan, pero nang makaipon ako dalawang bagay ang natutunan ko, ang magpahalaga sa mga bagay na nakuha at magbahagi upang pakinabangan ng iba.

Sa loob halos ng limang taong hindi ko pagpasyal sa mga McDonalds Store simula noong ibahagi ko ang aking Happy Meal toy Collections…Heto ako ngayon nagbabalik….

Bumili man ako muli ng Happy Meal, hindi na siguro tulad ng dati na para sa sarili ko kundi para sa mga batang gustong magkaroon ng laruan para kolektahin tulad ginawa ko noon, para mas maging makabuluhan, pagdating ng panahon.

ang minions ko..

ang minions ko..

pam pa ram pa ram….
.
.
.
.
.
.
~ToT Ko To~
07.01.13

Advertisements

5 thoughts on “My Happy Meal Toy Collections Day

  1. hahaha, like! gusto ko ang kwento… may pangalan ang alaga mong baboy noon? šŸ™‚ at ang galing, pati 101 dalmatians, collection talaga…. and, giving them away. ang mature mo, kapatid and, ang tapang… aye, this is a story of coming to terms, ahaha.

    wala rin kaming laruan noon, naku. kami-kami ang nag-i-improvise, hihi. ganyan yata sadya pag rural lang ang peg, haha. šŸ˜‰ warm regards sa yow…

    • haha, oo may pangalan ang baboy ko si bibik…at umiyak ako nung ipinagbenta… hahaha, kaya di ako kumakain noon ng baboy… hahaha.. then nag-alaga din ako ng kuneho, lovebirds, hamster, gold fish, bantam chicken, bibe at itik…parang farmville version ko kasi may gulayan din ako..

      Mabait na daw ako noon kasi nagawa kong i let go, even ang Witch Magazine collection ko, ang encyclopedia na kinarerer kong basahin isa-isa… hahaha..
      Siguro dahil nagawa ko ng ngang punan ang kakulangan sa aking sarili, at kailangang mapunuan ko din ang kakulangan sa iba…

      anyway, salat man noon sa laruan, pero madami ka namang natutunan in terms of creativity, naging malikhain para lang gumawa ng sariling laruan, na hindi ko na nakikita ngayon kahit dito sa rural… šŸ™‚

      • haha, si bibik, lab mo nga. tamo, tanda pa. naiintindihan ko ang di mo pagkain ng baboy earliere on, kapatid. siyempre pa, twice a day mong pinapakain at hinahaplos yong hayop, feeling pet na talaga, kainaman. farmville nga, babetski! šŸ˜‰ anyway, may mga kwentong ganyan din ako sa site (medyo formal sounding nga lang me magsulat, di gaya sa yo – makulit at masaya, hihi), basahin mo minsan, pag di ka kabisihan. Baka Sakali ang tutle no’ng farmville version ko, saka Bakuran Natin, hakhak.

        a, yes, you were brave. nakonsensya naman ako sa kakulangan-kalkulangan, hahaha. ^^ but you’re right, yes yo.

        oo, necessity nga yata ang nagpapaanak ng creativity at invention. paano’ng di matututong gumawa ng toys, walang malalaro? šŸ˜‰ haha. good evening, babetski. šŸ˜‰ saang region kayo pala…

  2. Awww ate Babet, ang ganda naman ng story nyo about your childhood memories and your toys. Alam mo, nakikita ko sa inyo yung sister ko. Kasi nung kabataan din namin, ni hindi rin kami mabilihan ng laruan ng parents namin. Kaya ayun, ang dami din naipong kung ano-anong laruan ng sister ko. Kaya naman naman nang mag-asawa na siya at magka-anak, talaga sagana sa laruan yung pamangkin ko hehe. Nakatira sila right now dito sa bahay ng parents namin, kaya ayun tambak lagi ng laruan na nagkalat sa paligid itong buong kabahayan hehe.

    I also salute you dahil nagawa mong i-let go yung mahahalagang collections mo along with the precious memories you had with them.

    And ang dami nga din nahuhumaling jan sa Minions ng McDo hehe!

    • ahaha… same pala kami ni sister mo.. at same din dito sa bahay, dami ring tambak ng laruan gawa ng mga pamangkin ko, pero ayaw naman nilang paglaruan, siguro dahil nasanay sa akin na iniipon at iniingatan ang mga toys. mas gusto nilang mag-alaga ng hayop, kasi kapag kinukwento namin ang childhood years namin eh mas naeengganyo silang mag-alaga ng pet, kesa sa bumili ng laruan..

      Natuwa lang ulit ako sa Happy Meal gawa ng pamangkin kong five years old. Gusto daw niyang mag collect tulad ko.. kaya ayun bumili kami, kaso pagdating namin sa bahay, lahat ng bata eh gusto rin.. para madami daw silang ibibigay na regalo sa pasko… šŸ™‚

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s