DIET: Do I Eat Today?

D..dito sa opisina
…Lagi na lang akong kinakantyawan
…Wala na raw pag-asa ang aking katawan
…Kung titingnan nga tila maaalibdbaran
…Inihahalintulad lagi sa Coca Cola in can.

I..ito’y ginawang katuwaan
…na kailangan kong pumayat sa loob ng apat na buwan
…Kaya No-Meat Diet ang aking pinagkaabalahan
…Hindi muna ako sumama sa kanilang mga gimikan.
…Kinalimutan ko muna ang lahat ng kainan.

E..ehersisyo tatlong beses kada linggo
…Lakad lakad din ako ng halos isang kilometro
…alas-otso ng gabi kailangang tulog na ako
…at sa umaga’y gising na ako ng alas-kwatro
…Hindi pala kailangan gumastos ng todo
…Disiplina sa sarili ang tanging puhunan ko.

T..Tuwang-tuwa sila ng magtimbang ako
…Waistline kong 32, naging bente-otso
…Biru-biruan sa simula hanggang ako’y naging seryoso
…Sa bandang huli ako pa rin ang panalo
…dahil ngayo’y seksi na ako.
.
.
.
.
~yeHey~
06.28.13

Advertisements

8 thoughts on “DIET: Do I Eat Today?

  1. yes, ang galing. ganoon nga raw… lam mo, malaking bagay ang no softdrinks, sagana kasi yon sa sugar, haha at nakakapagpadami pa ng kain especially pag lunch, ‘no? oks lang may meat basta kamo nga, regulated and less (than before).

    yis, yon lagi ang masarap pag nada-diet, hehe, nararamdamang kasya na uli ang pants at di pumuputok ang butones ng blouse, hihihi. 😉

    tatagan mo, kapatid. i’ll cheer you on… 🙂

    • sinabi mo pa.. kulang sa akin 1.5 dati sa maghapon, kaya ng mag alis ako, kahit pa bayaran ako, NO talaga, magaling lang daw akong mag control sa sarili, kasi kapag sinabi kong di ako titikim, kahit pa painan ako, o sabihan na mag cheat… no softdrinks talaga… lagi ako sa long term goal para masaya, sacrifice for the best reward..

      haha, yun nga yata ang best reward, ang maramdamang kasya na uli ang pants hihihi..tapos sasabihin sa yo, “anong ginawa mo, bakit ang seksi mo”… :D.. sabay sagot, di na po ako kumakain ng lalaki… hahaha…..

  2. congrats! hahaha, ang galing ng tula, panalo ang effort. huhu nga, pag less ang kain (less frequent may ini-stuff na food) and mas maraming galaw-galaw, gumagaan at nagpi-firm ang katawan, hano? sana, ma-keep mo, kapatid. pandagdag confidence lagi pag feeling magaan, haha. happy week… 🙂

    • haha, ang kain ko small portion 6x a day ang ginawa ko every 2 hours, tapos galaw galaw, na memorize ko nga ang gangnam style, no softdrinks na rin ako almost a year na..pero nag meat ulit ako ngayon twice a week gawa ng protein, di kasi ako nag supplement.. hehehe.. anyway, sana nga ma maintain ko kasi magaan talaga sa feeling, at madali ng bumili ng damit… 😀

  3. Sayang, ngayon ko lang nabasa tong tula mo about diet. May kilala akong blogger na nagpapa contest ng tula about diet/health/fitness stuff, naisali mo sana ito. Tapos na yata ung pa contest nya eh. Sayangs!

    Pero ang ganda ng tula mo ate Babet :)) truly, health is wealth!

    • ay ganun ba, sayang nga.. hehehe..
      pang-asar ko yan dito sa opisina, kaya ko naisulat iyan dahil nga di sila mapaniwala na papayat pa ako…
      even my director, nakigaya na rin sa Diet ko.
      truly… health is wealth… 😀

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s