Diyona, Ulan at Ako

Nakatulugan ko na kagabi ang paghihintay ng announcement kung may pasok ba o wala, pero ako’y bigo, dahil nakatulog agad ako, bukas ang computer, ang ilaw pati na rin ang pintuan ng kwarto ko. Bagsak ang katawan, kung ma rape man, pasensyahan wala talaga akong matandaan.

Hirap man akong bumangon kanina dala na rin siguro ng aking dinaramdam, kailangan.. kailangan kong pumasok sa opisina dahil biyernes ngayon, ayaw ko din naman matambakan ng trabaho.

Naalala ko tuloy habang nagbibihis ako, may isinulat nga pala ako, mga diyona – ukol sa aking munting karanasan sa ulan.
Sa opisina ko na lang ito babalikan dahil late na naman ako.

————————————————
Ano nga ba ang Diyona/Diona -Ang diona ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng pitong pantig kada taludtod, tatlong taludtod kada saknong at may isahang tugmaan.

At narito ang mga naisulat ko:

===================

Maginaw na sa labas
Hangin pumapagaspas
Hindi ka makatakas

===================

Umuulan na naman
Kumakalam ang tiyan
Walang apoy ang kalan

====================

Sa daan ng tubigan
Doon sa kanluranan
Ikaw ay sisilayan

===================

Namasdan iyong ganda
Tila ba kakaiba
Sa lahat ng nakita

==================

Sa pagpatak ng ulan
Limutin nakaraan
Tahakin bagong daan

===================

May nagtext sa akin, wala kaming pasok, reply naman ako, anong signal ba meron, hindi naman kasi umuulan.
Nag text back, walang pasok,
#NBAfinals ngayon…
.
.
doon sa aming haybol
ang aso’y kumakahol
parang larong basketbol

====================

kaya fans ay dumami
Nakisaya rin kami
Panalo ang Miami

====================
at habang isinusulat ko ito, gusto kong kumanta..
kasi pumapatak na ang ulan at ako’y uuwi na…

♪♫Pagmasdan ang ulan unti-unting pumapatak
Sa mga halama’t mga bulaklak
Pagmasdan ang dilim unti-unting bumabalot
Sa buong paligid t’wing umuulan
♫♪♫

.
.
.
.
Happy Weekend everyone..:)
.
.
.
06.21.13
~yeHey~

Advertisements

4 thoughts on “Diyona, Ulan at Ako

    • hihi, naghahanap ako kahapon ng libro di ko kasi alam kung tama ba ang dyona, diyona o diona.. whatever..
      assignment kasi yan ng pamangkin ko, napag tripan ko lang gumawa ng bersyon ko, baka sakaling tama, absent siguro ako noong itinuro yan o hindi lang ako interesado noong panahon ko. 🙂 maulang weekend din.. 😀

      • haha, whatever, kapatid. 😉 basta ako, di ko alam ang tawag. a few weeks back, may nagawa meng isang batch na ganyan, whehe.

        hindi ako pala-absent no’n pero di ko sya na-encounter, pambihira. saka, boplaks talaga me sa Pilipino, as in gumapang, hakhak. until college, kainaman na… maulan nga. 😉

      • haha, same here semplang din ang Pilipino ko, nagkataon lamang siguro na itinuturo ito ngayon dahil na rin sa Mother Tongue ng Kto12 program..

        pero in fairness, nakaka-aliw gumawa kasi nagbibilang ako ng pantig.. 😀 may sukat talaga…

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s