Magkikita pa rin tayo sa finals

Salamat at nasilayan ko si haring araw, dapat kahapon pa ang lakad ko kaso dahil kay kuya emong, hindi ako natuloy . Maulan at ako’y isang asin. natutunaw kapag umuulan.

Kailangan kong pumunta ng kabisera ng lalawigan..(naks ang lalim, sabay tanong… What is the capital of your province? hmmm P..) 😀

Kaya medyo maaga ako sa opis, may mga dapat pa kasi akong tapusin, mga tseke na di ko pa naprint. Kaya ng matapos ko, lumarga na ako patungo sa kabihasnan.

Sa sakayan pa lamang, tila nagmamadali na ang lahat, sabi ng driver dapat ay makarating agad kami sa bayan dahil kailangan niyang mapanood ang game 6,  mananalo na ang Spurs, hmm di ako maka relate, ball games eh.

Anyway, salamat sa laban dahil hindi na naghintay pang mapuno ang sasakyan, mabilis man pero maluwalhati naman kaming nakarating sa bayan.

Simula na ang laban,  yun ang dinig ko, kaya pala malinis ang bayan, wala masyadong nagkalat na taxikel at kung ano pang vehicle, kahit mga TMO eh tila wala sa pwesto at dahil nakangiti naman si haring araw, nilakad ko na lang ang medyo kahabaan patungong bus stop na maghahatid sa kabisera ng lalawigan.

Bus Stop, tila nakahinto ang lahat at halos nagsisiksikan ang mga kalalakihan sa isang maliit na karinderya upang panoorin ang laban, leading ang Spurs.

Sumakay ako ng bus,  naka-upo sa medyo unahan dahil sa bumabang pasahero ng magsalita yung lalaki sa katapat ng upuan ko, manong , mapapanood kaya ang laban bago dumating sa grand terminal at tumango ang konduktor, Yes.. leading ang Spurs..

Habang nasa biyahe, medyo malabo ang reception ng TV, kaya tila ba inip na inip ang mga kasabay ko, (pasensya masyado kasi akong mapagmasid) Dahil hindi pa rin mapanood, panay ring ng phone ang naririnig ko, tunog dito, tunog doon,  may call, may text pero sa bandang huli narinig ko na lang Yes, leading ang Spurs.

Bus stop sa city,  nakakapagtaka at ang daming tao sa shakey’s kainis naman at di ko dala ang aking analog phone..di ko tuloy nakunan ng picture, nakakapagtaka naman, pero may nakasulat sa labas , east vs west.

sabi ng konduktor, walang kuryente sa bayan, kaya pala madami ang pumupunta sa mga may generation x tulad ng katabing mall,  at tulad ng mga pasaherong sumasakay, tila magkakailala sila, kapag sinabing leading ang Spurs.

2nd half na..  at di pa rin sila nakakapanood. until pumasok kami sa STEX yes may reception na, sigaw ng manong sa likuran.. ang score, di ako interesado, nagugutom na ako at lunch break na ng tiyan ko, pero nasa byahe pa ako, siguradong 12:00 nn ang dating ko sa pupuntahan ko, yaho.. panalo na ang Spurs… Heat na yan.. Spurs.. Heat… leading ang Spurs

feeling ko eh bumabagal ang takbo namin dahil sa larong ito, at mukhang malinis ang daan, natapos ang 3rd quater, leading ang Spurs (ewan ko, pero yun ang dinig ko, pasulyap sulyap lang naman ako sa TV.) at di ko alam ang score, sorry di ko mabasa wala kasi akong suot na pampalinaw ng mata.

Nakatanaw ako sa bintana ng bus at pinagmamasdan ang mga luntiang tanawin. Malapit na kami sa grand terminal at leading na ang Miami, yun ang sabi 5mins na lang, pero in two minutes eh nasa grand terminal na kami,

Halos ang ingay sa bus ng mga lalaking pasahero, Kaya pa yan ng Miami, habol Miami, tapos lumamang ang Miami, habol Spurs, tapusin na ang game, May game 7 pa.. oh di ba ang saya sa bus…parang dalang-dala ako sa momentum lalo ng lumamang ang heat dahil nakinood na rin ako,  may dunking donut show pa na paulit-ulit.

Last two minutes na ng nakarating kami sa grand terminal, ang awa ko sa mga pasaherong nba fanatics dahil need ng bumaba, yung iba, diretso sa karinderya na may TV.

Pagsakay ko sa jeep, patungo sa kabayanan, Miami na yan, champion na ang Spurs. basketball pa rin,

Nang makating ako sa pupuntahan ko, biglang kagulo, sigawan akala ko’y may rally dahil ang daming kalalakihan..yun pala’y nanonood ng #nbafinals.

Panalo ang Heat 103-100… Nag overtime pala, di man ako maka relate sa larong ito at di ko man kilala ang mga players. Tiyak, maghapong bukambibig ng mga fanatics  ang labang ito.

Mas matagal pa ang ibiniyahe ko kesa sa mga papers na inayos ko. Ala-una pa lamang ay tapos na ako. At tulad ng scenario, usapang basketball pa rin ang naririnig ko.

Halos dalawang oras ang byahe ko pa-uwi, di na ko pumunta sa opisina, at diretso na sa bahay, nakakapagod ang maghapong byahe.

Nagbukas ako ng computer ko at baha ng #nbafinals ang newsfeed sa fb account ko. May game 7 pa sa darating na Friday, kaya tiyak na kaabang-abang sa lahat ng basketball fanatics.

At heto ako, nagsusulat na rin tungkol sa #nbafinals at kung ako ang tatanungin kung sino ang mag champion..

tulad ng nabasa ko….

leading ang Miami..

leading ang Miami….

leading ang Miami…

leading ang …………

Abangan na nga lang ang game 7…

~makikiflood na rin ako sa fb~

.

.

.

19.06.13

~yeHey~

Advertisements

2 thoughts on “Magkikita pa rin tayo sa finals

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s