The Bride with No Groom, just a Broom

Christmas bells are ringing 🙂

este wedding bells are ringing… Mabuhay ang bagong sakal…

Ang buwan ng Hunyo, bukod sa panahon ng pasukan ay panahon din kung saan pangarap ng maraming kababaihan na mapabilang sa tinatawag na June Bride. At minsan nga natanong ko ang isa kong kaibigan kung bakit plano niyang pagpapaksal sa buwan ng Hunyo, Ang sagot sa akin kasi gusto niyang maging June Bride. Oh diba, nosebleed ako sa sagot. Akala ko nga dahil Jun ang name ng groom niya. 😛

Madami-dami na ring akong na-encouter na ganito ang sagot na parang nakiki-uso lang, at masabi ngang June Bride kahit hindi alam kung bakit tinawag na June Bride.

Bakit nga ba June Bride?

Ganito kasi yun, opps, atin-atin lang to ha, noong panahon ng mga Romano doon sa kabilang panig ng mundo, marami ang nagpapakasal tuwing buwan ng Hunyo sa pag-asa sila’y makakatanggap ng Good Luck and Blessing mula sa kapatid kong goddess na si Juno. Si Juno ay ang Roman goddess of marriage. At dahil goddess, nakarating sa atin ang balitang kapatid ko ang goddess na si Juno, este na tunay na mabiyaya ang pagpapakasal sa buwan ito. kaya naman maraming mag-sing-irog ang pumipili na rin ng buwan na ito at sila’y tinawag ng June Bride.

Feeling dyosa ang mga nobya, kapag June Bride sila. Pero ayon sa estadistika yes, kaya kong spellingen, wag lang ipabibigkas ha.. esta-dis-tika ng makabagong dyosa, ang buwan ng Disyembre ang pinakamarami at pinakamahal na wedding event dito sa ating bansa, syempre dahil hindi lang good luck at blessing ang meron dito, may 13th month pa kamo, bonggang kasalan pa anytime, anywhere at ang weather, lumalamig na..

Kanya-kanyang trip ika nga sa larangan ng pagpili ng buwan, araw at bituin at oras, madaming mga isinasala-alang-alang sa pagpaplano nito, kung saan magpapakasal, saan ang reception, bilang ng mga guest at kung anu-ano pang mga anik-anik.

Madami tayong nababasa sa mga magazine kung paano pagplanuhan ang pag-iisang dibdib.

Pagpili ng buwan, araw at oras
Paghahanda ng mga requirements tulad ng

Certified copy of NSO Birth Certificate
Baptismal Certificate
Residence Certificate
Parental Advice (for 21 yrs. old to 24 yrs. old)
Parental Consent (for 18 yrs. old to 20 yrs. old)
Pre-Marriage Counseling (from DSWD and MHD)
Divorced Paper/ Annulment Paper (if divorced/ annuled)
Death Certificate (if widow/ widower)
Barangay Certificate
Legal Capacity to marry issued by the Embassy (if foreigner)
Xerox copy of foreigner’s passport (if foreigner)
Certificate of No Marriage (CENOMAR)

Saan magpapakasal, Civil o Church wedding
May tema ba, tulad ng beach wedding o garden wedding
Reception
at ang pinaka gusto ko sa lahat kung saan ang honeymoon, baka pwede na i-advance. 🙂

Nakaka pressure diba, nakaka-stress pa kaya, kaya sa tagal ng panahon na naluma na ang natatago kong wedding planner.

Yes, libre naman ang mangarap, kaya pinagplanuhan ko na mismo ang wedding day ko,
MAPALAD-MALAPAD nuptial (sa sobrang tagal na at hindi ko makatagpo si Mapalad, naging malapad na ang katawan ko). 😀

Kaya heto ang mga detalyeng naisulat ko noong panahon pa ng hapon… 🙂

Buwan ng kasal, March o April, kung saan tumapat ang Easter Sunday, pangarap ko kasing maging Easter Bride, maganda kasi ang gayak ng simbahan sa mga ganitong panahon, nag-uumapaw ang mga bulaklak dahil nga ito ay linggo ng muling pagkabuhay.

Araw ng Kasal, Lunes pagkatapos ng Easter Sunday, dahil ito lamang ang araw na wala kang makakasalubong na libing sa buong isang linggo.Lunes din ang kinaiinisan ng marami, kaya Lunes para malunesan naman. maiba lang.

Oras ng Kasal. Alas kwatro ng umaga, ang aga 🙂 pero dahil sa ito’y napakaaga, tahimik pa ang kapaligiran kung saan tilaok ng manok ang tanging naririnig, bakit ko gusto ito, para kapag nagising ang mga kapitbahay,sisigaw na lang ako ng “May asawa na ako<” yeHey…

Handaan matapos ang Kasal. Ito ang isa sa may pinakamalaking budget sa araw ng kasal, pero napaka-aga ang gusto kong kasal, kaya breakfast dapat ang handa, yung tipong fried rice, pandesal, hot choco, kapeng barako, ham, sunny side, longanisa, hotdog, at pwede rin ipa-cater kung gusto ng tapsilog, bangsilog, hotsilog, longsilog at para tipid, nilagang itlog, tutal easter pa rin naman diba.
(sabi ng friendship ko, di ba nakakakhiya sa bisita) sabi ko naman, breakfast ang pinaka importanteng meal, and i’m sure wala naman agad kakain ng super heavy meal by six o clock in the morning.

Opps, hindi ko na isinulat ang entourage ha, puro kasi mga bigating tao, bigatin ang weight. Titimbangin ko ulit muna. .

Oh di ba excited ka na rin sa kaganapan ng aking pag-iisang dibdib, oh MAPALAD, i’m waiting for you, kahit MALAPAD pa rin ako.
.
.
Ouch, mag seryoso naman daw ako.

Ang kasagraduhan ng kasal ay hindi nakabase sa buwan, araw, oras at lugar. Ito’y ang dalawang pusong nangangako at handang harapin ang bagong buhay bilang isa, bilang mag-asawa, magkahawak kamay, sa lahat ng pagsubok sa buhay.

Kaya sa lahat po ng nagpaplano ng kanilang kasal, plano-plano din pag may time. 🙂

At sa lahat ng bagong kasal. Humayo kayo at magpakarami…
.
.
.
.
.
.

And now i may kiss your GROOM
.
.
.
.
.
brooooooooooooooooommmmmmmmmm..

Best wishes!
.
.
06-18-13
~yeHey~

Advertisements

4 thoughts on “The Bride with No Groom, just a Broom

  1. If I may add, ang alam ko din ang June wedding ay isa sa mga influences ng mga Amerikano. June kasi ang ideal month para magpakasal sa kanila dahil summer season at datingan ng midyear bonus. Sa Pilipinas, hindi ideal ang June dahil maulan na at ang daming kasabay na gastusin sa pasukan sa eskwela. Kaya in reality, december talaga ang kasalan ng maraming Pinoy dahil datingan ng bonuses at madaming perang pangregalo ang mga sponsors este ninong at ninang ng wedding. 🙂 Nakakatuwa basahin ang blog mo! 🙂

    • hi papa myr..hang dami nga nila nagpapasakal na, este nagpapakasal ngayong buwan..dami ko nga invitation from rela and frens,
      ako kung kelan, kapag nakatagpo ko na si MAPALAD, este kapag hindi na pala ako MALAPAD… 😀

      eh ikaw papa myr?

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s