Papitot: huwag ka lang mawawala

Dear Papitot,

Naks’ ang korny ko ngayon, imagine, sumulat ako sa iyo dito pa sa worldwide web eh hindi ka naman nagbubukas ng internet.
Hindi ko rin kita mabati sa facebook at tiyak pagtatawanan naman ako dahil una, hindi mo rin naman mababasa dahil wala kang account sa facebook. πŸ™‚

Pero alam ko excited ka na dahil simula Lunes, magkaaway na naman tayo, alam ko sa kabila ng iniinda mo pa ring karamdaman ay hindi ito magiging balakid, upang iyong muling masilayan ang kanyang kagandahan.

Remember kaya bumili tayo ng kanya-kanyang TV para lang hindi tayo mag-away. Siguro nga dahil adik ako noon sa mga korean drama, at ikaw πŸ™‚ syempre kanino pa, kaya nga gumawa ako ng sulat na ito at baka sakaling mabasa niya.

Papitot, Father’s day ngayon, masyado na itong commercialize, madaming treat for dad, gift for dad at kung ano-ano pang kaek-ekan, kaya wala akong maisip na iregalo sa iyo, una, alam kong di mo naman ito maappreciate dahil nga sa kalagayan ng kalusugan mo ngayon, pero alam ko yung regalong matatanggap mo bukas tiyak na gabi-gabi mo na namang makakasama, basta huwag ka lang mawawala.

Papitot, alam kong isang malaking pagsubok ang kinakaharap natin ngayon, mahirap makipaglaban sa kamatayan, sa mga panahon na gusto mo ng sumuko sa iyong laban, sa mga panahong hirap na hirap na ang iyong katawan.

Papitot, alam kong makaka recover ka pa, sige ka hindi mo masusubaybayan ang bagong teleserye ni juday at tulad ng title nito, huwag ka lang mawawala….

Sana nga makasulat din ako sa wish ko lang, meron pa rin ba.. πŸ™‚ hindi talaga ako nakakapanood ng TV eh. Sana makagawa ako ng kahilingan para naman iyong masilayan ang babaeng minsan mong sinubaybayan.. feeling kasi ni papitot si juday ay parang ako lang Si Juday bilang ULA ang batang gubat, Ako naman Mula sa Gubat ang batang ULAga.:)

Oh siya, hanggang dito na muna, at baka maantig pa ang puso ni Juday at mabisita ka pa. Hala, magdilang anghel na lang sana ang lahat ng makabasa.

Nagmamahal,
at minsa’y
nagmumura…

Ang pasaway mo pa ring anak, alam ng bawal ang alak, tagay pa rin,
Happy Father’s Day.

Kahit hindi tayo magkadugo, Aswang ako, ABnormal ka ka naman kaya kahit anong gawin ko hindi ako magiging blood donor mo.


psst…

~yeHey~
06.16.13

Advertisements

2 thoughts on “Papitot: huwag ka lang mawawala

    • salamat, sana nga ay bumuti na ang kanyang pakiramdam, sa sobrang excited nga yata eh hindi na nakayanang makapanood ngayon, πŸ™‚ happy father’s day din sa iyo.at sa iyong papitot. πŸ™‚

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s