Gandang di mo Inakala

Linggo, matapos akong magsimba, kumain ng almusal, gumayak ako patungo sa kabayanan upang bumili ng gamot ni papitot pati na rin ng mga prutas na kailangan niya para sa susunod na araw.

Medyo hyper ako, siguro dahil sa dami kong intake na chocolate nitong nakaraang araw, kaya todo pawis ako dala na rin siguro sa tindi ng sikat ng araw.

Ilang minuto lamang ang aking pinaghintay sa kanto para makasakay, bibihira pa naman ang pampasaherng sasakyan kapag ganitong araw at oras.  Swerte ako at nakatyempo ako, pinara at sumakay.

Dalawang pasahero lamang ang aking nakita at tila minumukhaan, isang morenang babae na nasa late teens na siguro, at isang may edad na lalaki na naka upo sa duluhan ng jeep. Ako, syempre dahil feeling arkilado, doon ako umupo sa likuran ng driver, taga-abot ng bayad at sukli kapag nagkataon.

At yun nga may pumara, dalawang binatilyo na tila naka-japorms pa. At tulad ng inaasaan, taga-abot ako ng bawat bayad at sukli.

Pinagmamasadan ko pa ang dalawang lalaki ng may sumakay ulit na isang dalagita, di tulad ng babaeng morena, ito namay tisay na maituturing, naka short, yung usong pekpek short na kahit anong gawin ko ay di mag mukhang pekpek short sa akin 😛

Anyway, balik tayo dun sa girlalu na binigyan ng long legs, oh diba siya na ang pinagpala plus makinis at tila di nasisikatan ng araw dahil sa kaputian. Mukhang natural naman ang kanyang kulay, yun nga lang medyo ma kolorete ang mukha.

Gusto kong kunan ng larawan ang dalagang ito, siguro dahil ngayon ko lamang siya nakasabay, paano ba naman, bihira lang akong mapadpad sa kabayanan, plus minsan din lang ako makapag commute. Pero di ko nagawang kunan ng larawan bilang respeto sa kanyang pribadong buhay.

Tiningnan ko naman ang dalawang lalaking naka-japorms na panay din ang sulyap sa dalagitang ito, na pakiwari ko sa dalaga’y di naman  kami pansin dahil abalang abala sa pagdutdot sa cellpone niya. Baka may dyowang katext sa isip-isip ko dahil bukod sa pagtetext ay panay pa ang dungaw sa bintana na animo’y may inaabangan. Naks, nagagamit ko na ang salitang dyowa, salamat sa baklitang friendship ko dahil sa totoo lang di ko alam ang ibig sabihin nito ng minsang tanungin ako kung sinong dyowa ko. …

Biglang pumara ang dalagita, akala ko’y bababa na, yun pala’y may sasakay pang tatlong dalagita, siguro tropa nito dahil animo’y sila lang ang pasahero ng makasakay na ang tatlo.

Nakisuyo ang morenang dalagita na naka-upo sa duluhan ng kanyang bayad,  at tila bingi ang mga dalagita, noong una’y di ko pa ma gets ang mga sinasabi na puro tungkol sa status at kung ano pang comment ng biglang nagsalita ang tisay na babae, p@(*&&%%  na niya, sabunutan ko ang malanding iyon mang-aagaw ng boyfriend, sabay lingon ko  sa nagsalita. ang lutong lang parang chicaron. hindi pa talaga nasiyahan at talagang  paulit ulit na nagmumura P@#$$%^& na nya, magsama sila.

Malapit na kami sa kabayanan ng pumara ang apat na iyon, mamimiesta panigurado dahil fiestahan sa lugar na iyon,

Nang makababa na ang apat, biglang nagsalita ang isa sa binatilyo, pare, kapag ganun ang liligawan mo, ang ganda nga ng mukhaat katawan, grabe naman ang bunganga. bunganga talaga yung term ha, napasulyap tuloy ako dahil nag comment na rin yung lalaking may edad na sa kaduluhan, kung anak ko iyon bubusalan ko ang bibig noon,

At nagkangitian na lamang kami.

Ayaw kong mag komento sa babaeng iyon, una, hindi ko naman alam kung anong sitwasyon at tila may galit na namamahay sa dibdib niya. Ikalawa, balewala na sa mga kabataan ngayon ang ganung term na tila pagmumura.

Parang status lang sa twitter o sa facebook. Hindi na yun bad words para sa kanila.

Bumaba ako nga makarating kami sa bayan at agad na nagpunta sa botika, medyo may kahabaan ng pila, at di pa rin nawala sa isip ko ang ganda ng dalagita, sayang na kagandahan.

Minsan madali tayong humanga sa panlabas na anyo, maganda ang bihis, maganda ang mukha, pero kapag nagsalita na ay bigla na lang madidisappoint dahil sa paraan ng pagbikas  at mga gamit na salita. Nakaka turn off sabi nga.

Umuwi na rin agad ako matapos makabili ng gamot at prutas, dahil nagbabadya na ang ulan.

Sa taxikel na ako sasakay para mabilis lang ang punuan at habang naghihintay ng pasahero, may dalawang dalagitang nag-uusap sa may tabi ng paradahan.

Sayang ang tagal mong dumating, di mo napanood ang sabunutan nina ….doon sa may caltex, ang ganda ng showdown mala face-to face..

Hala, baka ito yung dalagita kanina. . .

Sayang naman ang face… 🙂

.

.

.

.

.

============

At tulad ng  lagi kong pagbati sa tanan.

Magandang babae po ako.

At kung kayo’y nasasagwaan, ang tamang tugon po lamang ay

Mas Magandang babae po ako.

06-09-13

~yeHey~

Advertisements

9 thoughts on “Gandang di mo Inakala

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s