~pasumala~ a-Syete de Hunyo

Yes, naka survive ako, naka dalawang buwan na ako simula ng lakbayin ko ang mundong ito. Sa daming bagay na gumugulo sa isipan ko lately, sa dami kong gustong gawin na di ko naman alam kung saan mag-uumpisa. Sulat muna ako bago tuluyang nakawin ng imahinasyon ang araw ko.

  • Nakapag volunteer at bumuto ako, dahil ako ay Pilipino at mahal ko ang bayan ko.
  • Nag Divi ako kahit pa nasusunog ang Divisoria Mall, kung anong binili ko, wala lang, useh lang. Nag window shopping lang ako upang alamin ang mga presyo ng mga samu’t saring bagay na pwedeng gawing munting negosyo.
  • Imbyerna ako habang bumaba ako sa kabayanan at tumungo sa kamaynilan, paano ba naman may pasahero sa bus na akala mo eh sila lang ang pasahero at kung makapaglandian. Inggit lang.
  • Ang pinakamasaklap, nagfine ako sa BIR sorry for me. malaki-laking halaga din yun.
  • Na confine si papitot sa ospital, anemic. Super worried ako dahil ang hirap hanapin ng dugo, type AB, Sabi ni Mamita, type O silang apat, si papitot, si mamita at dalawa kong kuya, sila na ang mga OSO, ang Ate ko Type B, as in bampira, at ako, type A. as in aswang. Pero dahil sa confinement ni papitot, nasagot ang matagal ko ng tanong. Hindi ako ampon.
  • Buwan ng Mayo, pero di ko nagawang mag flores de Mayo at hindi rin ako nakapag organize ng Santacruzan ngayong taon, ewan ko ba ang parang ang ilap ng resources ngayon.
  • Malaki laking gastos ang kinahaharap ko sa ngayon, kaya konting higpit ng sinturon, favor naman sa akin dahil naka-diet mode ako dahil sa bago naming office uniform. Ayaw kong maulit muli ang scenario na good for two-months lang ang kasekshan han ko sa uniform. dahil ang bilis sumikip, di ko tuloy alam kong umuurong ba talaga ang tela kapag laging nilalabhan o tumataba ako.
  • Buwan ng pasukan, kaya sa mga inaanak ko, to follow na lang ang pabaon ng ninang. Medyo tight sa budget.
  • Masaya ako kahit magulo ang isipan ko, sa dami kong nababasang blog na super inspiring sa panahon na ako’y hirap sa sitwasyon, Salamat dahil daig ko pa ang tumama sa lotto.
  • At bilang panghuli, SALAMAT po ng marami sa mga bumibisita at nagbabasa ng aking mga sinulat. At sa mga nag follow back sa twitter account ko.. SALAMAT din po.

Buwan ng Hunyo, pasukan na naman … enjoy!!

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s