Wala ka sa problema ko… Yabangan session

Lahat tayo ay may problema, napaka impokrito naman yata kung sasabihin na wala kang problema. Tulad ko, kahit pa laging sinasabing buti ka pa walang problema, feeling ko isa akong inutil at walang silbi sa mundo everytime na naririnig ko ito, lalo na kapag galing sa mga friendship ko. Hello, tao din po ako at mayroon din akong problema.

Problema nga nating maituturing ang mga bagay na hinahanapan natin ng solusyon, parang problem solving sa Math kailangan mong aralin ang problem para makita at maibigay ang tamang solusyon.

Sa bawat problema na dumarating sa ating buhay, mahirap man o madali sa ating pakiramdam, isipin sana natin na ito’y isang pagsubok upang subukin ang ating kakayahan upang hanapan ng solusyon ang bawat problema. Yes, may madali at mahirap na problema at minsan nga ay talagang nasasabi nating hindi ko na kaya.

Sa bawat aspeto ng buhay, may problema tayong na eencounter, andyan ang financial, personal, relationship, health, work, pati na rin spiritual. At sa bawat problema na dumarating ay masasabi nating kung anong degree o level ba ito.

Problemang pagkatapos ng isa ay mayroon na naman. Minsan iniisip natin, wala na bang katapusan ang problemang ito.
Siguro may hangganan din, kapag pantay na paa at nakatingin ka na sa kisame at handa ng tabunan ng lupa. Iyon pa lamang ang panahong masasabing wala ka ng problema.

Minsan, tinanong ako ng kaibigan ko kung paano ko nalalagpasan ang mga problema sa buhay. Nakangiti pa akong humarap sa kanya sabay sabing, ipinamamahagi ko ang bawat problemang dumarating sa buhay ko. Paano?
Simple lang, kapag wala akong pera, at namomroblema ako, sinasabi ko ito, Halimbawa, kailangan kong magbayad sa connection ko pero di pa araw ng sweldo, at dahil bawal ang CA, need kong mangutang or else wala akong connection, problema di ba, pero kung mag share ako sa isang tao about sa problem ko, meaning dalawa na kaming may problema, problema ko wala akong pambayad, problema niya kung papautangin ba niya ako o hindi. kung papautangin niya ako, solve ang problema ko kasi may pambayad na ako, siya, may problema, problema niya kung kelan ako makakabayad ng utang sa kanya.

Di ba, parang ang saya. swerte pa kung ang taong magbibigay sa iyo ng tulong o pera ay sasabihing, bigay ko na yan sa iyo.

Pero minsan, hindi lahat ganito ang senaryo, depende sa mga taong pagsasabihan o pagbabahaginan natin ng problema. May mga taong matapos makinig ng problema mo, nagagawa pang ilako sa kanto ang problemang pinoproblema mo. ang saklap diba.

Kaya bago tayo magbahagi o magsabi ng problema, tinitiyak nating mapapagkatiwalaan natin ang taong ating sinasabihan. At umaasa tayo na tayo’y mabibigyan ng kaunting kagaanan sa hinaharap nating pagsubok sa buhay.

Ang drama ko ngayon no, paano ba naman, narinig ko kanina na siguro daw ako lang ang walang problema ngayong pasukan.

Ako na hindi namomroblema sa paglalaba, pagluluto, alangan may allergy ako sa detergent soap kaya need magpalaba, may mini eatery kami kaya no need ng magluto dahil sanay na akong kumain ng tira-tira.

Ako na hindi namomroblema tuwing sweldo dahil walang kaltas sa mga loans. Ako na walang ginagastusang anak, kapatid at magulang dahil solo ko ang sweldo ko.

Ako na hindi namomorblema kung saan ko gustuhing pumunta ay napupuntahan at nabibili anuman ang ibigin.

Ako na hindi namomroblema sa biyenan,asawa at anak, alangan dalaga pa ako.

Akala nila wala akong problema, pero meron.. meron…

Problema ba ika mo..

Problema ko ang height ko kaya lagi akong naka heels
Problema ko ang pimples ko kaya need ko laging magpa derma
Problema ko ang bilbil ko kaya lagi akong maagang umuwi para sa belly dancing session ko.
Ang babaw diba at halos may solusyon na sa mga pinoproblema ko

Pero paano kung ang problema ko ay gusto ko ng mag-asawa pero wala naman akong maasawa. ang halay diba.. este malaking problema diba.

Kahit na anong pagbabahaging gawin ko, hanggang ngayon wala pa ring nakakatulong na mabigyan ng solusyon. Problema di ba.

Siguro natatawa ka rin no, dahil iniisip mo hindi naman problema ang pinagdadaanan ko, subukan mo kayang lumagay sa sitwasyon ko, ewan ko lang kung di ka mamroblema.

Nakaka pressure pa, lalo na’t dumadalo ka sa mga party at events kung saan tatanungin ka ng status mo. Problema kung paano mo sasagutin.

Sa edad kong ito, hindi ko naman talaga problema ito, pero bakit ko itinuturing na problema, dahil pinoroblema ito ng mga taong nakakakilala sa akin na lagi na lang nagtatanong ng ganito:
May balak ka pa bang mag-asawa?
May boyfriend ka ba?
Kelan ka mag-asawa?
Well atleast alam kong pinoproblema nila ang bagay na di ko naman pinoproblema.

Siguro nga dumating ako sa punto ng buhay ko, sa edad kong ito na hindi bahagi ng buhay ko ang aspeto ng pag-ibig. Totoo, lagi kong sinsabi kapag may kaibigan akong umiiyak habang nagbabaagi ng mga problema o pagsubok na pinagdadaanan. Na hindi lahat ng bagay maaring mapasaiyo, maaring sagana ka na sa pera, sa mga materyal na bagay pero salat ka sa pagmamahal, maaring sagana ka sa pagmamahal, sa pera, sa mga materyal na bagay pero salat ka naman sa kalusugan.
Nobody is perfect, sabi nga kahit si ka pekto ay hindi perpekto. May mga bagay talagang hindi nakalaan o ipinagkakaloob sa iyo dahil sa ito ang bagay na magbibigay sa iyo ng katatagan at kalakasan kung paano haharapin ang hamon ng buhay.

At tulad ng lagi kong sagot sa katanungan kung mag-aasawa pa ba ako..
In God’s time.

Keep the faith ika nga…

at isang pampalubag-loob habang sinasabing wala ka sa problema ko.

dahil minsan tinanong ako ng dating ex formerly boyfriend ko.

Anong problema mo..

Ikaw
.
.
.

Ikaw,

anong problema mo
?
.
.
.
.
.
.
.
.
at bigala akong namorblema dahil siya’y naglahong parang bula…
.
.
.
problema diba…

Advertisements

11 thoughts on “Wala ka sa problema ko… Yabangan session

  1. hihihi, sobra ang tawa ko sa post mo, as in… gusto ko rin ang tip re: pag walang pambayad ng bill – ang brilliant na, ang clever pa. 😉 hanggaling mong magkwento, magbabasa pa ako rito, baka mababawasan ang ampalaya posts ko, hahaha.

    good day! 🙂 ~ ate san

    • hahaha.. kaya nauso dito sa office ang share your problems pati na rin yung be a blessing to others.
      sa totoo lang nakakagaan naman talaga ng kalooban when you share something problema man o blessing.

      Salamat at naaaliw ka…

      ate san, bitter man ang ampalaya, better naman ang resulta kapag pinost mo na….:)

      Happy Monday…
      ~yeHey~

      • hihi, sistemang damayan? o, mutual aid society, hehe. talo ako sa ganyan, madalas ako ang nauutangan, shaks lang. ako rin ang di makatiis na kakain ako, tapos ang iba, indi? at any rate, aliw ako sa mga wento mo, ikaw na…

        hala pa, masarap ang ginisang ampalaya sa umaga pero pag lantay na ampalaya ang post, ikaw ay saglit nasaya. nalulumbay naman ang nakakabasa, hahaha. hamo, balang araw, gagayahin ko pagsusulat mo -ang galing… 🙂

        happy Monday, Tuesday, everyday, babetski… 🙂

  2. Haha! Natawa ako dun sa suggestion po na mag-share ng problema at dun sa pag-discuss mo kung paano mo ito isi-share. Binigyan mo talaga ng problema yung uutangan mo haha!

    Pareho pala tayong pal aging tinatanong kung bakit hindi pa nag-aasawa. Ang sabi ko, ayaw ko nang magdagdag ng problema hehe. Minsan naiisp ko bakit ba pino-problema ng bang tao ang pagiging single ko? Eh ako hindi ko naman ito pino-problema eh hehe. I always believe that there are people who are destined to be single 😉

    Ay, maraming salamat pala sa pagdaan sa blog ko. Maaari bang malaman kung paano ka napadpad dun?

    Salamat sa maagang pagpapatawa sa akin 🙂

    P.S.
    Later ko pa ma-approve yung comment mo sa blog ko. Nasa work ako at hindi allowed mag-blog hehe.

    Miss N of
    http://nortehanon.com

    • Hi, salamat din sa pagbisita dito, share share din ng problem pag may time. 🙂 bawal solohin ang problema.

      Hmm. pareho pala tayo na palaging natatanong, kaya dapat kitang ipakilala sa mga taong namomroblema sa pagiging single ko, para malaman nila na hindi lang ako ang single, ikaw rin.. hehehe. At pagnagkataon dalawa na tayong poproblemahin kung bakit hindi pa nag-aasawa. Mabuhay ang mga Single.. 😛

      At kung paano ko nalaman ang iyong kanlungan, napadpad ako dun mula sa isang site na binabasa ko habang nagbabantay ako kay papitot sa ospital, at di ko na matandaan kung kaninong site dahil ang dami kong pinagbababasa eh, pero thanks din at napadako ako doon at nagsimula na ako’y maging iyong tagasubaybay. Nakakarelate ako kasi isa din akong country mouse. I love the peace of the countryside plus your pens of hope, that reminds me of my pencils of hope during my years sa Youth Ministry. 🙂

      You’re Ms. N and I’m Ms. B

      ~yeHey~

      • Hello, Miss B 😉

        Tama ka, bawal solohin ang problema or else baka magkasakit sa puso hehe

        Hmn, siguro, concerned din lang yung mga taong yun sa atin kaya sila nagtatanong kung bakit pa tayo single. Baka inaalala lang nila yung pagtanda natin na wala raw tayong pamilya. But then again, personally, hindi dapat yun rason para mag-asawa. Hindi dapat rason yung mag-aasawa ka para lang may mga anak na mag-alaga sa atin sa pagtanda. That is a selfish reason, di ba? And that is also not a guarantee na ang mga anak mo nga will look back and care for you. HIndi ganun ang totoong buhay. Sa totoong buhay, maraming landas na naliligaw hehe

        Lagi akong curious kung paano napapadpad ang mga tao sa haybol ko sa web. Nagtataka ako lagi bakit sila nakakarating sa blog ko hehehe. Nakakatuwa na pareho tayong country mouse. Hinding-hindi ko ipagpapalit ang country life sa city life. Basta, promdi talaga ako hehehe.

        Nakakatuwa na may advocacy ka rin sa youth. Maganda yan. Sa dami ng problema ng gobyerno natin, let’s just do our share, sa kahit na maliit na paraan. Makatutulong tayo in our own way. Keep it up!

        Kita-kits around!

      • ako din, di ko ipagpapalit ang country life sa city life.. puro libre kaya dito ang pagkain. no need to buy na. at the same time kumikita ka pa. hehehe…

        at sa mga concerned sa pananatili nating single salamat at inaalala nila tayo.

        Yeah kita-kits around…

  3. uy ha, pareho ata tayong petite kaya pareho tayong laging naka-heels hehehehe. at talagang pinoroblema mo ang pag aasawa? naku, pine-presure ka lang ng society, wag mo ngang pansinin yun. enjoy the “art” of being single. sya nga pala, asan ang nakapaglalaway mong bikini photo? hehehe

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s