Accident Prone

Masakit pa rin ang aking kaliwang braso bunga ng pagkakabangga ng lalaking iyon. Hindi ko alam kong maiinsulto ba ako dahil sa laki at luwag ng aking kinatatayuan ay nagawa pa rin niya akong bungguin. Oo alam kong may kaliitan ako, pero hindi naman yata sapat na sadyain at ako’y masaktan.

Muli kong tiningnan ang lalaking palayo, ang lalaking bumundol sa akin na hindi man lang nagawang mag-sorry. Imbeyerna talaga ako, kung kelan masakit pa ang mga binti ko dahil sa katatapos pa lamang na event.
.
.
.
.
Ang aming school ang host para sa District Unit Meet kung saan ang mga manlalaro ng iba’t ibang elementary school ay nag-sasama-sama para sa laban sa larangan ng sports. Ito’y kinabibilangan ng mga bata mula sa Grade IV-VI.

At dahil Grade Four na ako, kailangan may salihan akong event, dahil isa lamang ang alam ko, yun lamang ang sinalihan ko ang tumakbo. Track and Field 100-m dash ang event ko. At pasok naman ako sa semi-finals, pero sa ayos ko ngayon, hindi ko alam kung makakatakbo pa ako mamayang hapon. Leche plan kasi yung lalaking iyon. Grrrr.
.
.
.
.
.
.
.
Masakit man, pilit kong nilakad ang pasilyo upang tunguhin ang classroom namin, kailangan ko pang magpalit ng damit. Oh anong nangyari sa mukha mo, sambakol na. bati sa akin ng isa kong kaklase, pero sa halip na sagutin ko pinili ko na lang na ngumiti. May araw ka rin sa aking lalaki ka, sabay buntong-hininga. Sa totoo lamang, kahit hindi ko gaanong namukhaan ang lalaking iyon, pero may isang bahagi sa kanya ang hindi ko malimutan, ang kanyang mata.Kaya hindi ako maaring magkamali sa susunod naming pagkikita.
.
.
.
.
.
Bumuhos ang malakas na ulan, at hindi na tuloy ang mga susunod na event. Iyon ang narinig kong announcement mula sa boses ng lalaking hindi naman familiar sa akin.

Thanks God, iyon na lamang ang nasabi ko. Pasalamat na lang at hindi na kami tatakbo, kundi lagot talaga sa akin ang lalaking iyon na kahit anong gawin ko, hindi pa rin mawala sa isip ko.

.
.
.
.
Maaga akong dumating sa paaralan kinabukasan. Ito ang huling araw ng event, tatakbo ako para sa final event, maaga rin nagsi datingan ang ibang mag-aaral mula sa mga karatig paaralan. Sa sulok ng aking mata, tila hinahanap ko ang lalaking iyon, ngunit ako’y bigo. Siguro hindi na kasama sa finals ang event noon, yun na lamang ang paliwanag ko sa aking sarili.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Lumipas ang araw, linggo, buwan at taon….
Sa murang edad ko, hindi pa rin mawala sa aking isipan ang mata ng lalaking iyon. Kun pwede nga lang bang dukutin, siguradong bawi ako sa sakit ng pagkakabangga niya sa akin.
.
.
.
.
.
.
Akala ko, wala ng tyansa na magkita pa kaming dalawa, magkaiba ang lugar namin at ang school at never kong alam ang name niya, kaya sorry na lang for me.

Grade Six na ako ng muli kong maranasan muli ang mabundol. Nasa isang bookstore ako. Halos lumuwa ang mata ko ng makita ko kung sinong Poncio Pilato ang nakabanggaan ko. Ikaw…. yun ang sigaw ko. Nakakahiya dahil sa sobrang lakas ng boses ko, hindi ko napansin na madami palang nakatingin sa aming dalawa.
.
.
Sino ka? Sorry, tatanga-tanga ka kasi, next time tingnan mo ang dinaraanan mo.

Whaaa… gusto kong sampigahin ang mukha ng lalaking ito. Hambog, mayabang, ahh.. hindi ako maaaring magkamali, siya ito.. At nagawa pa akong sabihan ng “sino ka” gusto ko tuloy sagutin ng hindi ako sinu ka… iniire ako ng nanay ko.

Ramdam kong pulang-pula ang mukha ko, sa hiya, sa gulat at isang pakiramdam na.. leche plan, don’t tell me na may crush ako sa hambog na ito. pero cute nga siya sa malapitan. Grabe, Grade VI pa lang ako, pero feeling … hay…ang landi…
.
.
.
.
.
.
Teka, bakit ko nga pala na ikwento ang bagay na ito. Anong petsa na, halos isang dekada na ang lumipas. .
.
.
.
Dahil unang araw ng pasukan ngayon.
Araw na hindi ko malilimutan.

Nang maka-graduate ako ng Grade Six, pinili ng nanay ko na sa bayan ako papasukin kahit pa may National High school sa aming barangay. Kaya excited ako noong panahong iyon.

Excited ako sa first day of school, Kahit alam kong wala akong masyadong kilalang kaklase, bagong karanasan naman ang idudulot nito, unlike nga naman kung sa National ako papasok, halos kilala ko na ang estudyante dahil kapitbahay, kamag-anak at kanayon ang magiging mga kaklase ko.

Sa isang kilalang private school sa lalawigan ako papasok, Ito ang aking magiging bagong tahanan. Ang daming estudyante.
.
.
.
.
.
Ito ang unang araw ko sa paaralang ito, halos nag-sisiksikan upang hanapin sa talaan ang pangalan na magtuturo ng iyong section. Pero di ko magawang makisiksik, baka mapisa ako, ang liit ko pa naman.
.
.
.
.
Isang guro ang lumapit sa akin at ibinigay ang kapirasong papel kung saan nakasulat ang section ko, ipinabibigay daw sa akin ng pinsan kong guro. Salamat po at sinulyapan ko ang papel. Medyo malayo din ang nilakad ko mula sa bulliten board na iyon. Madami na akong kaklase sa loob ng classroom, ng matagpuan ko ang classroom ko, puno na ang hulihang bahagi, kaya wala na akong choice kundi umupo sa unahan. Pabor naman sa akin dahil matatangkad halos ang mga classmate ko.
.
.
.
.
7:00 am ang ring ng bell, yun ang nakasulat sa blackboard, kaya umupo na ako sa aking napiling upuan sa unahan. Tiyak ako ang mauuna kapag nag -introduce ng sarili, kaya dapat akong mag-handa.
.
.
.
.
Maingay pa rin sa corridor nang tatlong lalaki ang biglang bumulaga sa akin dahil halos tumaob ang bakanteng upuan sa aking tabihan.
.
.
At nagtawanan ang mga lalaki sa hulihan. Wala pa man akong kakilala, pero medyo awkward na ako dahil feeling ko, OP ako sa classroom. Kasi yung mga babae kong kaklase parang mga close na sa isa’t-isa. Di ko magawang makihalubilo dahil i promise to behave on my first day of school.
.
.
.
Muli kong tiningnan ang mga lalaki, at isang sigaw ang narinig ko. Upuan ko yan..Pero bago ako nakatayo at lumipat ng ibang upuan, nag ring na.
Isang babae ang pumasok sa silid at nagpakilala bilang si Ms. Bayani, ang aming adviser, dahil hindi na ako nakalipat ng upuan, katabi ko ang lalaking ito, lalaking hindi ko malilimutan, sa pangatlong pagkakataon nagkita kami. Gusto kong matuwa dahil alam kong araw-araw kong makikita ang lalaking ito, pero naiinis ako dahil ang galing mang-bully.
At dahil nasa unahan kami, nauna siyang nagpakilala ng sarili kaysa sa akin. natawa naman ako ng bigkasin niya ang pangalan niya..
.
.
.
Jhonnel, yun pala ang pangalan niya.
.
.
.

Next.. teka ako na yun. at nagpakilala ako…
.
.
.
.

Pagkatapos kong umupo, bumulong si Jhonnel sa akin…
Di ba ikaw yung tatanga-tanga sa bookstore.
.
.
.
.
.
Tiningan ko siya. At muli siyang nagsalita.
Ikaw rin yung nakabangga ko noon.
.
.
.
.
.
At natatandaan pa pala niya (bulong ko sa sarili ko habang nakatingin pa rin ako sa kanya.
.

.
.
.
Muli kong tiningnan si Jhonel, Ang ganda talaga ng mata niya.
Pero this time hindi na siya sa aking mukha nakatingin kundi sa…
.
.
Muli siyang nagsalita….
.
.
Bakit ang laki ng dede mo…
.
.
.
.
.
At lumipad ang aking kanang kamay…
.
.
.
.
.
.
Nagulat ang lahat sa classroom.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Unang araw ko sa eskwela….
Unang araw ko sa opisina ng OIC on Discipline
Unang araw …….
.
.
.
.
.
.
.
.
Sa unang araw lagi kami nagkikita…
.
.
.
.
.
.
.
.
.
dahil ngayon,
Unang Araw sa eskwela
kami’y muling nagkita….
.
.
.
.
.
.

Siya.. naghatid ng anak
Ako… nag hatid ng pamangkin.
.
.
.
.
.

At kung bakit ko ito binalikan

dahil masakit pa rin ang aking kaliwang paa..

Hindi man niya ako nabangga… nabundol….

This time… Naapakan niya ang paa ko..

What a small world.
After fifteen years.
.
.
.
.
Until we meet again
Mag-ingat ka…
Accident Prone….

.
.
.

Advertisements

2 thoughts on “Accident Prone

    • hahaha..mag soulmate nga daw kami ayon sa kanya.. ako daw ang battery niya, naks… nangyayari lang naman kasi kapag di namin pareho alam na nasa same venue/place kami, sabi niya, wala siyang intensyon na makasakit, kaya nga he always informed me dati ng whereabouts niya. Oh di ba.. tumigil lang ng magsimulang mag jelly bear yung gf niya… hahaha…

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s