Unang Ulan -Dalawang Beses sa Grade One

Buwan ng Hunyo, unang araw.
Araw ng Sabado.

Ang bilis ng panahon, Hunyo na agad, hindi ko man nasulit ng bonggang-bongga ang summer, heto ako ngayon feeling ko malapit ng mag Christmas countdown, dahil abala ako sa paglilinis ng bahay, (tuwing ikatlong buwan lang ako naglilinis ha):) kailangan ko ng magpalit ng kurtina dahil malapit na ang tag-ulan.

Sa kasagsagan ng paglilinis ko, ng biglang dumating si Poleene, anak ng pinsan ko, nakasanayan na kasi na tuwing Sabado ay ginagawa akong teacher, kasama ni Barang na pamangkin ko, na sobrang kulit sa edad nilang apat, dala ang lapis at papel, ipinasulat sa akin ang napakahahaba nilang pangalan upang maging gayahan sa kanilang pagsusulat.

Mga excited siguro dahil sa Lunes ay pasukan na muli, kaya kahit abala ako, isinisingit ko pa rin sagutin ang kakulitan ng dalawang tsikiting. Opps, all-around ako kapag Sabado, linis, luto, yaya, tindera at guro, oh di ba bongga kung nasa America ako ang dami kong kita sa sideline. šŸ™‚

Matapos makapagsulat ng dalawa, agad na ipinakita sa akin ang kanilang ginaya. Napangiti na lamang ako dahil mas mahaba ang pangalan nila sa akin, kaya siguro mas madali kong natutunang magsulat sa ganung edad.

Napatingin ako sa labasan, malapit na nga pala ang pasukan, sa darating na Lunes, parang kailan lang ng ganito ang aking gawain, yung nga lang mas mawerte si Barang at Poleene dahil dalawa sila.

Sa edad kong apat, ng simulan akong iwan ng lapis at papel mula sa tira-tirahan ng kapatid ko upang mag-aral magsulat. Iniiwan ng nanay ko ang isang papel na nakasulat ang buo kong pangalan at gagayahin ko. Dahil kailangan magtrabaho ni Mamita at Papitot, naiiwan ako sa bahay tuwing ganitong panahon, pumapasok na kasi ang mga kapatid ko.

Kaya naman maaga akong pumasok noon, sa edad na anim. Dinala ko na agad ang sarili ko sa paaralan, dala ang aking lapis at papel at buong pagmamalaking naisusulat ko na ang aking pangalan. Hindi pa kasi uso ang Kindergarten noon, at ang tanging alam ko, kapag marunong ka ng sumulat ng pangalan, pwede ka na sa paaralan. Lingid sa aking magulang ng pumasok ako noon, dahil hindi kopa naman talaga ikakapasok dahil ako’y anim na taong gulang pa lang, seven years old pa noon ang Grade one pero dahil na rin siguro sa aking kagustuhan, hinayaan na ako ng titser sa Grade one at tinaguriang saling pusa noon.

Excited ako noon, isang malaking playground sa akin ang paaralan, iba ang pakiramdam ko dahil hindi na ako nag-iisa. Maraming bata, maraming tao, siguro kung may TV, computer at cellphone na kami noon hindi siguro ako magiging excited sa pagpasok.

.
.
.
.
.
Gutom na kami teacher
.
.
.
.
.
sabay tingin sa dalawang bata.
.
.
.
.
.
.
So lucky, dahil sumisigaw lang kapag nagugutom na,
samantalang ako noon, kailangan ko pang lumakad at pumunta sa bahay ng lola ko para makikain kapag gutom na.
.
.
.
.
.
.
.
Matapos kaming kumain, nag computer ako, tapos na rin naman akong maglinis. Hinayaan ko na lamang ang dalawa na maglaro sa garahe.
.
.
.
.
.
.
.
Habang tumitipa ako sa aking keyboard para sa update sa aking twitter at facebook account nang biglang bumuhos ang malakas na ulan.
.
.
.
.
.
.
.
teacher, maliligo kami sa ulan.
.
.
.
.
.
.
bago ako makalabas ng kwarto, nagtatampisaw na sa ulanan ang dalawang bata.
.
.
.
.
.
Halos mapuno na rin ng bata sa kalsada sa tapat ng bahay namin.
Agad, agad akong tumakbo pabalik ng kwarto at kinuha ang bangkang papel na ginawa ko pa noong nakaraang buwan.

Bangkang dapat ay ipapaanod ko sa baha noong unang ulan sa Mayo.

.
.
.
.
.
.
.
.
wow boat sabi ni Poleene.
.
.
.
.
.
anong boat, bangka yan, sabi ni Barang
.
.
.
.
.
teacher ano yan.
.
.
.
.
papel
.
.
.
.
.
at nagtawanan kami sabay takbo sa ulanan.
.
.
.
.
.
Whew, kailan ko ba huling ginawa ito, ang maligo sa ulan kasama ng mga tsikiting.
.
.
.
.
.
.
Matagal ng panahon sa aking pagkakatanda. Tuwing unang ulan sa Mayo, naliligo kami sa ulan kahit sabihin pang acid rain ang unang ulan. Nakasanayan ko nang maligo noon dahil kontra bungang-araw iyon sabi ng matatanda.Siguro nga may katotohanan dahil sa sensitive kong balat, hindi ko pa nga naranasan ang magka bungang-araw.
.
.
.
.
.
.
teacher, tayo sa daan, doon tayo maligo,
.
.
.
.
Dito na lang tayo at baka madala tayo ng baha.

.
.
Hindi ko na nagawang ipaanod sa baha ang bangkang papel dahil sa ito’y basang basa na.
.
.
.
.
.
.
Unang ligo sa ulan….
Unang araw ng buwan….
Unang ulan sa buwan…
Buwan na ng Hunyo…

at ito’y hudyat na ng tag-ulan……

sa darating na Lunes, araw na ng pasukan
sarap balikan ang unang payong na aking iningatan…

na laging ipinapaalala sa akin na tuwing iiyak ang kalangitan ang puso ko’y nagdiriwang…
Ang unang ulan ay nagpapa-alala sa akin na sa kagustuhan kong isulat at ipagmalaki ang aking pangalan….

dalawang beses akong nag-Grade one.

kung bakit?

dahil iyan sa unang ulan…

Advertisements

2 thoughts on “Unang Ulan -Dalawang Beses sa Grade One

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s