kwentong blog ko

Makwento akong tao, sa sobrang dami kong kinukwento hindi ko na minsan alam kung kanino galing ang kwento, pero kapag galing ang kwento sa mga magagaling magkwento. Tiyak napapakwento ako ng todo.

Kaya ano nga ba ang kwento ko

Dala na rin siguro ng kabagalan ng oras sa kwartong kinalalagyan ko, kaya nagawa kong magbukas ng libro. Paulit-ulit ko ng nabasa kaya medyo wala ng trill, napatingin ako sa sa laptop na dala ko, pero di ko magawang gamitin dahil wala namang internet connection sa lugar na kinalalagyan ko, pero may kasabian, kapag gusto may paraan. Viola via magic broomstick

Nagulat ako ng magbukas ako ng account ko sa twitter, nakiki-tweet din kasi ako minsan, pa tweetums,

Ano nga pala ang nabasa ko sa twitter account ko? Ah, yung tungkol kay MMDA chairman at Dan Brown, nagulat kasi ako, sabay tanong kung ano naman ang masamang naisulat ni mr. Brown kaya kinamusta ko si kuya google para makarelate sa pangyayari

Pero iba ang binagsakan ko, dahil may bahagi sa laptop na nakatawag ng pansin sa mata ko, ang kwentong blog ko.

Kaya bago ko makita ang tuyong tinta ng bolpen, ikukwento ko sa inyo ang isang masayang gawain ko sa mundo ng blogging.

Sabi ni Bagotilyo ang aking online superhero, libre lang mangarap sa damuhan, totoo naman lalo na at malawak ang harapan tulad ng aking kinamulatan sa kabundukan, kapag tumingin ka sa gawing kanan, tubuhan; gawing likuran niyugan; gawing kaliwa palayan at sa harapan ay gulayan. Simpleng pamumuhay ika nga at habang nakahiga ka at patinga-tingala, lalo na at ganitong bakasyon, masisilayan mo ang paglipad ng saranggola na pag-aari ni hibang.

Ito ang buhay na kinasanayan ko, pero sabi nga kahit de-uling ang gamit ko maka connect lamang sa mundo, umakyat man ako sa bubungan para sa mas malinaw na connection, nagawa ko pa rin sundan ang bawat updates na nagbibigay sigla sa aking kamalayan.

Matagal na din lumipas, dala ng kabagalan ng connection ko pati na rin ng updates na hinihintay ko, na adik ako sa Farmville, Petville, Cityville lahat ng ville hanggang ma discover ko ang dami ko ng bilbil.

Wa ma sey, kaya matapos ang lahat binalikan ko ang mundong minsan ay naging dahilan ng gabi-gabi kong pagpupuyat. Ang magbasa ng blog.

Pumunta ako ng kamaynilaan, pusangkalye, nganga ako ng napatingala ako sa nakikita kong sasakayan na animo’y lata ng sardines dahil siksikan, na curious tuloy ako, bumaba ng bus at sinundan ng pag-akyat ng tao. Nakita ko sa nakasulat Bonistation, put – taragis oh nosebleed ako sa nabasa ko, kaliwa o kanan ba ang punta ko, at bumukas ang pintuan ng MRT, olala ang daming papa na nagsisiksikan, napaisip ako kung makikisiksik ba ako. Natanong ko tuloy sa sarili ko, kapag sumiksik kaya ako dito, pagdating ko kaya ng north avenue eh buntis ako. Ang daming wafu, nag ku kumagcow ako, tulo-laway, pero dahil hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko, natanaw ko ang tambay na si Myr may dalang 25pesoscupnoodles, oh diba parang kwentong kokomban lamang,

Sa mga sandaling iyon di ko namalayan na tila inabot na ko ng kadiliman, feeling nite writer este nite rider ako: when everyone sleeps, my mind wanders. Gusto ko ng bumalik sa aking tahanan, pero biglang na heck heck ako, akalain mo kapitbahay ko pala si professional heckler. pero syempre snob ako,
Di naman niya alam na kababayan niya ako.
Pero okey lang naman kasi natagpuan ko naman ang aking kalakbay at katoto na isang bluguy, batang blu, tatak blu, kulay blu
.
.
.
.

Excuse po, sabi ng babaeng naka puti,
Narito na po ang ipapalit na dugo para kay tatay.

Whew, Thanks God, matapos ang apat na araw na paghahanap ng dugo, heto na nasasalinanan na rin

Matapos ang proseso, nakahinga ako ng maluwag,
.

.

.Lumapit sa tabi ko ang nurse sabay tanong, ay nagbabasa ka rin pala ng professional heckler?

At napangiti ako.

Hindi lang kaya sa kanya, itong lahat ng naka open sa tab ko oh.

Ayos ah..May Blog ka

Ngumiti ulit ako.. hmm

Tagahanga po nila ako.

Ah…

Iwan mo sa akin yung mga site ha, mabasa din

sure, oki doki nur es
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Ngayon, ika-anim na araw na at umuwi ako, para ihanda ang silid dahil bukas uuwi na si tatay

Its Kevincible diba, hindi ko namalayan, time really flies so fast, nagawa kong balikan ang lahat ng sinulat nila sa loob ng anim na araw.
.
.
.
Oh siya, tama na muna ang kwento ko,
.
.
.
Magbabasa muna ako ng mga resetang ipapa inom ko bukas kay tatay
.
.
.
.

P.S.

Ako’y isang masugid na tagasubaybay sa inyong mga sinulat at ngayon ay nagagalak na sa munting espasyo ay aking naisulat na mula ng ako’y magsimulang magbasa ng inyong blog mga apat na taon na rin ang lumipas, ako ngayon ay natutong sumulat ng sariling blog, malaya kong naipapahayag ang aking munting pasasalamat na kahit sa panahon ako ay hirap, may kasama akong mga magagaling mag blog.

05.25.13
~yeHey~

Advertisements

4 thoughts on “kwentong blog ko

  1. ahaha, wala ka bang nakita at nabasa… ako, basa ng basa sa buong panahon na nagbabantay ako sa ospital. salamat din sa himig ng pusong nagsusumamo at sa mga sabe-sabe lang… ang hirap din palang manatili sa walangmagawa.com hehehe

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s