Tsinelas kong Mahal

Kahapon lamang ikaw ay kasama ko
Sa paglalakbay at pagrampa ko
Sa tuwing ihahakbang feeling star ng buhay ko
Kasama-kasama ko sa bawat hakbang ko.

Di ko alam kung hanggang saan ang tibay mo
Basta kasama ako’y nagtitiwala sa iyo
Habang suot ka, feeling secured ako
Sa mga kaaway ng paa ko.

Sa haba ng nilakad natin
Di ko akalain na ako’y may mararating
uminit umulan ikaw ay game pa man din
Sa pagsulong sa lahat ng lakarin.

Tibay mo’y walang kupas
dahil halos buwan ang lumipas
kasama ko sa aking paglayas
ang mahiwaga kong tsinelas

Pero kanina ko nadama ang pagod mo sa pagtapak
Hindi ko akalain na ikaw ay mawawalan na ng lakas
sa kabila ng pagod na iyong dinanas
Ang bakas na iniwan ay tila aking pa ring yakap.

Di mo na ba kinaya ang taglay kong bigat
Kaya ikaw ay bigla na lamang umiyak
Sa pagtapak ko, sa aki’y sumambulat
Nabigtal ang isa sa aking panyapak.

Salamat kaibigan kong tsinelas
Kahit sa huling sandali ikaw ay aking naging kabiyak
Katulong ko sa pagtahak sa kabila ng lahat
Inihatid mo pa rin ako sa tiyak na landas

Bigtal man kung ikaw ay ituring
Nakisama ka hanggang sa ako’y makarating
Sa tindahan upang doon ay bilhin
Ang bagong kapalit at maglilingkod sa akin.

Oh tsinelas.
Ang lagot kong tsinelas
Wala na rin iyong swelas
kaya bukas bago na ang aking suot na tsinelas

Paalam, paalam mahal kong kaibigan
Sa pag-iwan ko sa iyo jan sa may taguan
Darating ang araw ikaw ay mapapakinabangan
Kapag ibinenta ka ni tatay doon sa labasan.

_________________________
Sa bago kong tsinelas, ikaw sana’y magtagal
Tulad ng iyong hinalinhan na tila hindi napapagal
sa paglalakad na halos araw araw
Buwan ang binilang bago ako tuluyang iwan.

=============
05.18.13

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s