Paglalakbay

Ika-labingpito ng Mayo, araw ng Biyernes -maaga akong pumasok sa opisina para madali kong matapos ang mga dapat kong gawin kasabay ng isang pag-ungot sa aking bossing, UNGOT- pakiusap na mahirap pahindian.

Dala pa rin siguro ng pagod na katawan dulot ng nagdaang halalan, nais kong sagarin ang aking kapaguran. Umungot sa bossing na bababa ako ng kabundukan at ako nama’y pinahintulutan. (Ang lakas ko diba)

Alas-nuwebe ng umaga ng sumakay ako patungo sa kabayanan, mga alas-dyes na ng umaga ng marating ko ang bus stop at doon naghintay, Kung saan ako pupunta. Hindi ko pala alam. Basta kung alin bus ang unang dumaan, doon ako sasakay.

Cubao – ang naka sign board sa unang bus na dumating, at sumakay ako, dahil madami-dami rin ang pasahero sa may bandang hulihan na ako naka-upo. Atleast hindi standing.. sa may tabing bintana ako naka-upo kaya’t hinawi ko ang kurtina upang masilayan ko ang bawat madaraanan ko. Habang nasa upuan, nasabi ko sa aking sarili. Mag-ingat sa paglalakbay. Enjoy.

At nagsimulang umandar ang bus.

Saan po kayo?

Ahhh… hanggang saan ito?

Ali Mall lang po.

Ah… Sige sa Ortigas na ako.

At iniabot sa akin ang ticket.

Sa aking paglalakbay na wala naman patutunguhan, habang nakatingin sa mga bintana at tinatanaw ang kapaligiran nadaraanan. Isinandal ko ang aking likuran, Mamaya ko na iisipin kong saan at ano ang aking gagawin. Ipinikit ko ang aking mata at…

Nakatulog…

Nagising ako ng tumunog ang cellphone ko. 11:10 na, nasa Alabang na ako, binasa ko ang message.

Si Mamita, Hwag kang pupunta ng Divisoria, nasusunog pa.

Natawa na lang ako.

At muli kong binalikan, Saan nga ba ako pupunta?

Nasa Magallanes Station na ng magsimulang bumaba ang mga pasahero. Dahil halos nasa may likuran ako ng bus, Noon ko lamang napansin ang movie na pinapanood nila. (pano ko kaya mapapanood yun eh natulog ako diba)
Hmm parang napanood ko na yung movie.
Habang inialala ko kung anong title, may nagsimulang magsalita sa unahan. Isang lalaki na may dala-dalang papel na humihingi ng abuloy, para sa kamag-anak na namatay, bunga ng hit-and run, wala silang gastusin sa burol at pambayad sa punerarya.

Parang ganun din yung narinig ko noong nakaraang buwan ng pumunta ako sa kamaynilaan ah.
Gusto ko man usyusuhin kung may katotohanan ang pinagsasabi ng lalaki. Nang may biglang nagsalita sa may unahan ko. Ang tagal ng patay na iyan ah.

At muli kong pinagmasdan, pero bumaba na rin ang lalaki ng dumating kami sa may Ayala Station.

Muli kong tiningnan ang aking cellpone para sa oras. pananghalian na. kaya siguro parang usad pagong na ang sinasakyan ko #medyotraffic.

Nasa Robinson’s Pioneer na ako ng muling kong sulyapan ang bintana.

Sumunod ang Megamall…

Naisip ko tuloy, Mag-Mall tour kaya ako.

Sa Ortigas pagkababa ko. dumiretso ako sa Robinson’s Galleria para sa aking pananghalian #MedyoGutomNa kaya dali-dali kong binalagtas ang overpass patungo sa Mall.

Punuan na sa food court, pero doon pa rin ako nakipagsiksikan.

Tokyo-Tokyo. …kahit #MedyoMahabaAngPila dito pa rin ako kumain.

Ala-una na ng makatapos akong kumain, naglakad-lakad din.

Sa totoo lang wala naman akong bibilhin. Gusto ko lamang libangin ang aking mata.

Matapos kong tingnan ang senario, lumipat ako sa greenhills, sakay sa jeep at doon naman nagliwaliw.

Una kong pinuntahan ang chapel sa loob ng shopping center.

At matapos, naglalakad muli, Naalala ko tuloy ang sabi ni bossing, hwag ka ng mag heels.

Makalipas ang halos isang oras at kalahati, muli kong natanong ang sarili ko. Saan ang next. Going to North, Pupunta ba ako sa Trinoma, SM North o sa Gateway. Manood kaya ako ng Concert ni Vice Ganda?
Or going to South, Pupunta ba ako sa Resorts World, Sa Moa, Sa Baclaran, Sa Divisoria,. Manood kaya ako ng basketball sa Arena.

Sa Solaire kaya?

Sumakay ako ng Taxi at nagpahatid sa MRT Ortigas Station? Iniisip ko pa rin, kung saan maganda.

Going To South ako. MRT – Taft… Unang bukas ng pinto, puro lalaki yung nakasakay.. olalala. siksikan sila. makisiksik kaya ako. pero hindi ako sumakay. sa halip lumipat ako sa line kung saan nakasulat sa gilid para sa mga buntis.. Oha, ambisyosa.

Maluwag sa linya ko. At nakangiti ako ng pumasok…

Naka-upo rin ako.

TAFT- saan ako pupunta, Sa Baclaran ba. Sa Moa, Sa Divisoria.

Hmm.. bilin ni Mamita, hwag akong pupunta sa Divisoria..

Aha.. This way to LRT1.. Makikiusyuso ako sa nasusunog na Mall..

kumuha ng ticket at sumakay. Cariedo Station, i’m coming…..

pero di tulad sa MRT- madaming pasahero sa LRT. nakapila ako sa linya ng girl.. nakakapagtaka dahil 2nd station pa lamang pero siksikan na. Nakatayo ako. (huwag nyo ng itatanong kong abot ko yung …..) Quiet. kung ayaw nyong masaktan. Alam ko naman kahit mauga hindi ako matutumba.. sanay kaya akong tumawid sa alambre. 😛
Sa may pintuan lang ako. pero siguro #MedyoSwerte ako, sa Gil puyat pa lamang naka-upo na ako.

Cariedo, pagkababa at sumakaay ng jeep patungong divisoria.

DIVISORIA Mall, patuloy pa ring nasusunog. Ah.. ang laking lugi nito ah.

Kung ano ang aking gagawin.. Wala lang, gusto ko lang makipagsiksikan. Nilakad ko ang Ilaya patungo sa 168Mall.

Noong huling punta ko dito, kakasunog din lang ng Tutuban Mall.
At ngayon Divisoria Mall.. Wala na naman sanang NEXT.

Halos alas-singko na ng hapon, patuloy pa rin ang aking paglalakad.
Di na ako aabot sa Arena ng basketball. Tumawag si bossing, kinakamusta ako, nasa MOA daw siya at manonood ng basketball.
Natawa ako, sabi ko galing ako sa nasusunog na divisoria at kasalukuyang nasa kahabaan ng traffic patungong Buendia.

Buti na lang at di ako natuloy sa MOA, dahil kung nagkataon magkikita pa rin kami. Sa Buendia, sa bus station na ako tumuloy, uuwi na ako. hindi na ako pupunta ng MOA.

Sa bus Station, napakahaba ng pila, tanong ko tuloy, bakit naubos ang bus.

Biyernes nga pala at uwian, kasabay pa ng traffic.

Dalawang bus na ang nakaalis bago ako nakasakay.

Alas-otso na ng gabi.

Mabilis naman ang byahe ko dahil alas-nuwebe nasa kabayanan na ako.

Abot pa sa last trip patungo sa kabundukan.

Dumating ako sa bahay.

Salamat sa maluwalhating paglalakbay.

===============================================

Sa paglalakbay ko, maaring isang katangahan, kapraningan, pag-aaksaya ng oras, panahon at pera. Ang weird noh.

Pero bakit ko ito ginawa?

Sa pagpapatakbo ng ating buhay, tayo ay maaaring Driver o kaya ay Passenger.

Bilang Driver- tayo ay may kakayahan upang kontrolin ang manibela. Naniniwala tayo na ang kinabukasan natin ay nakasalalay sa ating determinasyon, kailangan ng focus, persistence, effort, free-will at tanging responsble sa mga pangyayari sa ating paglalakbay.

Sa kabilang dako naman,

Bilang Passenger – alam natin hindi natin control ang manibela.
Wala tayong control kung saan direction tayo pupunta. Makakapaglakbay lamang kung saan dalhin ng sinasakyan. Hindi tulad ng Driver na naniniwala na ang kanilang kapalaran ay bunga ng hard-work at self-determination, ang passenger ay naniniwala na ang kapalaran ay mula sa genetics, serendipity at kapalaran.

Sa pagkakataong ito, nais kong tingnan ang external factor, ang pagiging pasahero.

-Umalis ako ng opisina na walang partikular na pupuntahan. ika nga bahala na si batman, pero ng nasa kabayanan ako, doon ko nasumpungan kung saan ako tutungo. Sa kamaynilaan.

-Nag-abang ng bus at nakipagsapalaran sa unang dadaang bus at doon ako sasakay. Gusto kong kunin agad ang oportunidad na makasakay.

-Kung ginusto ko na pumunta ng Trinoma, alam kong magdadalawa akong sakay dahil hindi doon ang hangganan ng sinasakyan ko.

-Nagtiwala ako sa driver ng sinasakyan ko na makakarating ako ng maayos sa pupuntahan ko.

-May kakayahan akong pumara kung hindi ako kuntento sa pagpapatakbo ng Driver.

-May kakayahan akong pumili ng sasakyan ko bilang pasahero.
Sa MRT na siksikan pero walang traffic, o sa bus na daraan ng EDSA na usad pagong dahil sa traffic. Sa taxi na comfortable pero mahal ang flagrate o titiyagain kong akyatin ang hagdaan upang makasakay ng LRT para tipid sa pamasahe.

==============================

Hindi perpekto ang buhay, may mga pagsubok tayong haharapin, maging driver man o passenger.

Pagtawanan man ako sa aking ginagawang ekspiremento ukol sa paglalakbay ko bilang pasahero.

Nag-enjoy ako.

Life isn’t a destination – it’s a journey

We all come upon unexpected curves and turning points
Everything that happens to us shapes who we are becoming
and in the adventure of each day
We discover the best in ourselves.

Super stress sa aking ang Linggong ito. Ginawa kong tingnan ang sarili ko sa punto ng pagiging pasahero dahil hindi ko nararanasan ang karanasan ng mga taong nagtatrabaho sa kamaynilan kung saan laging parang nakikipaghabulan at nakikipagsiksikan makasakay lamang at makarating sa kanilang pupuntahan.

Sa nasaksihan ko, maswerte ko pa ring maituturing ang sarili ko bilang pasahero.

dahil sa paglalakbay ko, kahit kabaliwan man ituring, may NATUTUNAN ako.

kung ano yun…

ito ay ang

~byaheng walang bagahe ng umuwi ako~

🙂
05.18.13

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s