kamakalawa, kahapon at ngayon = kamakahanga

__________________
Kamakalawa:

Linggo pa lamang ay handa na ang listahan ko para sa aking iboboto mula sa senator hanggang sa local candidates. Hindi man kumpleto basta alam ko ito ay ayon sa sinasabi ng konsensya ko. (Safeguard ang sabon?)

Kahit pa sinasabing talamak ang bilihan ng boto (My VOTE is NOT for SALE sa halagang limang daan piso) choz…wala lang talaga magbigay sa akin ng limang daan o dahil alam nilang hindi ako BAYARAN… haha!
at uso man ang gapangan sa bisperas ng halalan na hindi ko man lang naranasan sa tagal ko ng bumubuto :sigh: kaya hindi ko alam kong may katotothanan nga ba ito. Halos magdamag akong nagbabantay baka sakaling may manggagapang ngang kandidato.. pero wala naman 😦

___________________
Kahapon:

Maaga pa lamang ng pumunta ako sa presinto, opps hindi para magpakulong ha, kundi upang magmasid ng kaganapan sa pagbubukas ng halalan, VOLUNTEER kasi ako… sa PPCRV-NAMFREL..opps not this time but as Volunteer Watcher ng CMN Catholic Media Network para sa Eleksyon 2013.
At dahil kailangan maging mapagmasid at mapagmatyag, hindi ko nagawang pumila upang bumoto agad sa kadahilanang napakahaba na agad ang pila, yung tipong nagmamadali lang ang peg. O hindi lang announce na hanggang alas-syete pa ng gabi ang tapos ng botohan. Pero sabi nga daig ng maagap ang masipag dahil sa umagang iyon ay talamak pa rin ang pakimkim ng mga kandidatong nais talagang maging ….. ewan… lingkod-bayan ba?

Sa kabila ng may bahagyang pagkalito sa proseso ng botohan, kahit pa sabihin automated na tulad noong nakaraang halalan, hindi pa rin maiiwasan na may makitang mga nag rereklamo dahil sa ginawang Cluster Precinct na kung saan ang dating magkahiwalay na presinto ngayon ay pinag-isa na.. Kaya ang dating, gutom/pagkadismaya sa napakahabang pila… tapos bigla pang nawalan ng power supply..
Ay sino ngang hindi iinit ang ulo, tapos ayaw pang kainin ng PCOS ang balota.. Hoohah..

Sana naman magkaroon pa ng mas maganda at sistematikong paraan sa pagboto.At sana sa mga boboto, wait for your turn.. natataranta mga guro eh. parang It takes a Man and a Woman sa haba ng pila.

H’wag po agad tayong magreklamo. Maging malumanay po tayo.
Keep Calm and Wait for your turn. πŸ™‚

Kaya hayun, anong petsa na ng ako ay makaboto.. alas-sais na ng gabi.. as in from 6am-6pm akong nakatunganga sa polling place.
At least hindi ako nag fall sa kinauupuan ko sa aking pagmamatyag at pagmamasid.

Alas-syete ng gabi ng magsimulang ayusin at simulan na rin ang bilangan. mabilis lang din natapos, pero yung magtransmit, olalala… ang bagal ng connection, hindi kasi globe ang ginamit eh, para abot ang mundo. Whew. Ang siste, kailangan ng dalhin sa kabayanan upang doon na itransmit, Kaya ang nangyari 7pm-7am ako’y mulaga pa… ang tatag sa puyatan ah.

Ang resulta…. inumaga na, masaya sana kung holiday pa rin diba.. kaso heto may work na..kahit tukatok, kailangan pa ring kumayod.

Masaya sa akin ang bagong karanasan sa botohan, siguro dahil noong first automated election ay hindi ako nakapag volunteer.
At kung tatanungin ako kung kumusta ang halalan ngayon, Magulo pa rin, lagi naman. pero sabi nga ang pagboto ay ating karapatan.Hindi man perpekto ang naganap na halalan, at least tayo’y natututong sumulong. Na kahit sa haba ng pila, naniniwala pa rin tayo sa kasagraduhan ng ating balota.
Kaya manalo man o matalo ang ating ibinoto, ang mahalaga ay importante. BUMOTO dahil mahal ko ang BAYAN ko.

VoteKoTo

___________________
Ngayon:

KAMA KaHa Nga.. miss ko na ang aking KAMA Zzz..

Kamakahanga Ka rin ba?

Yung hindi ka makapagreklamo dahil wala ka pang tulog simula kamakalawa at ngayong mulat pa ang iyong mata, ayaw mo munang ipikit dahil baka tanungin ka kung alin ang mas maganda, yung walang tulog o walang gising? san ka pa?

Back To reality na ulit tayong lahat?

Work mode na ako: kaya sana sa mga nanalo, magtrabaho na din agad kayo…

Simulan na sanang tanggalin ang mga mukha ninyong ikinalat sa kanto, para paggising bukas.. may maaamoy na agad na PAGBABAGO…

πŸ™‚

Advertisements

2 thoughts on “kamakalawa, kahapon at ngayon = kamakahanga

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s