Tula ni Mamita

Sa aking pagtula, pagpasenyahan n’yo ako.
Sapagkat ako’y nakatungo sa aking kodiko.
Kahit isang salop na mani ang makain ko
Talagang hindi na makakasaulo.

Noong bata pa ako pangarap kong maging reyna
Kaya mahilig lagi akong magpaganda
Ako’y na-ilusyon maging Reyna Engkatada
Reyna ng tahanan, doon ako napunta.

Lagi kong inaasam sa aki’y may kumuha
Sa Santakrusan man kahit Reyna Presentada
Ako ay nabigo dahil mas pinili nila
Ang nakababata kapatid kong dalaga.

Sa paglipas ng panahon, ako’y naging abala
Pangarap kong maging reyna ay nakalimutan na
Dahil sa ako’y tumatanda na at nirarayuma
Wala na akong ginagawa kundi ang magsimba.

Ang mga pangarap ay sadyang may katuparan
Kahit anong gawin ito’y makakamtan
Di man ako pinagbigyan noong aking kabataan
Sa edad na sesenta di ko akalain na ako’y mapabilang
Gandang Lola dito sa siyudad ng Tanauan.

Ako’y naging abala sa mga araw na ito
Pansamantalang di nakapag-alaga ng apo
Pictorial, rehearsal, talent day na tulad nito
Bilang paghahanda sa agrampa sa entablado.

Ang tula ni Mamita ay ni recite niya noong Talent Day ng Gandang Lola

mudrabels

mudrabels2

Happy Mother's Day Mamita,

Happy Mother’s Day Mamita,

At sa lahat po ng INA,

Mamita ang tawag kapag naglalambing
Mama kapag hihingi ng panshopping
Mudrabels kapag ikaw ay gagalitin
Inay kapag sa iyo’y nagsasabi ng mga hinaing

Ano man ang tawag, ikaw ay isa pa rin
lahat ay gagawin lahat ay tatapusin
kaligayahan ay hangad para sa iyong mga supling
na gusto mo laging sa iyong tabi at kapiling

Di kaya biro ang siyam na buwan
Na tila ba kumain ng isang buong pakwan
Tanging ina lamang ay may kakayahan
Na magtiis hanggang sa ating pagsilang.

Maraming babae ngunit hindi lahat ay kayang maging ina
Kaya sa lahat ng Ina, Mommy, Mama, Mudra, Inay, Mamang at Mamita
Isang katangian sa inyo lamang makikita
Kayo ay natatangi at ngayon ay ginugunita.

Sa lahat naman ng makakabasa, kahit hindi Mother’s Day
Ating pa ring patuloy na ipadama
ang pagmamahal sa kanila, kapiling man o hindi na,
Ang ating pasasalamat sa lahat ng hirap nila.

Happy Mother’s Day po sa lahat ng ILAW NG TAHANAN.

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s