Halalan Kuno, Talo Ako

Ilang araw na lang ang hinihintay

Halalan sa Mayo na nakakaumay

Balita sa radyo na laging may patay

Dulot  ng hindi inaasahang away.

Botohan ang laban at hindi batuhan

Tulad ng nangyayari dyan sa kamaynilaan

Di ko mawari kung anong dahilan

Bakit di daanin sa maayos na usapan.

Sa pagtutok  sa telebisyon

Halalan,  Eleksyon, Tapatan doon nakatuon

Sa mga kandidatong nag aambisyon

Na magsisilbi daw sa ating nasyon

Kampanya dito at kampanya doon

Pangako ng kandidato sa bawat eleskyon

Magandang  buhay, trabaho  at libreng edukasyon

At lahat sila’y galit sa korupsyon (whee, di nga)

At ngayon nga, malapit na muling bumuto

Maghahalal muli ng mga katoto

Sa ating bayan hanggang sa senado

Kaya maglista na ng kandidato bago pa mag Linggo

Sabi kasi ng Nanay ko, abangan ko ito

Sa darating na Linggo, may mangagapang na tao

Ihanda ang pinto at h’wag isasarado

Na excite naman ako, pagkakataon ko ng magapang ng todo.

Pamimigay ng pera, yan daw ay black-propaganda

Sabi ng kalaban na tila nagmamaganda

Hindi daw galing sa kanilang bulsa

Siguro ay padala ni @DonyaAngelica

Kaya paalala sa mga boboto

huwag padadala sa bulong ni lolo

Ipaglaban mo ang karapatan mo

na makaboto ng tama at wasto.

At para sa lahat ng tumanggap na ng balato

mula sa pulitiko kahit hindi pa nananalo

h’wag kayong magrereklamo sa  gobyerno

dahil di pa man sila halal ay bayad na kayo

Manalo man o matalo, tiyak na botante pa rin ang talo

Mababawi nila ang puhunan nila sa inyo,

eh kayo mababawi  n’yo ba ang isang boto n’yo?

Botong ipinagpalit n’yo sa halagang limandaang piso.

Mag-isip, makialam, magmanman

Halalan ngayon ay iba na ang labanan

Magkakasosyo noon, magkaka-away ngayon,

Sa bandang huli, magsasabi na lamang ng

I am sorry.

Ako ang nanalo, don’t worry

I have bags of gold and will buy another country

So if the people will do another rally

I have a place to live with my family

but as of now I’m here sitting pretty

with the help of  HOCUS-PCOS I’m sure of my victory

because Madam-OT  told me

Isang click lang  LANDSLIDE VICTORY.

05.08.13

~yeHey~

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s