~pasumala~ a-Syete de Mayo

Isang paraan upang madali kong maalala ang mga pagkakataon sa bawat buwan mula ng madagdagan ang aking edad, kaya tuwing ika-pitong araw ng bawat buwan hayaan nyong maibahagi ko ang aking kaek-kekan sa aking paglalakbay patungo sa panibagong yugto ng buhay…

Syempre, nagkaka-edad na at medyo nagkakaroon na rin ng memory gap.

Makalimutan ko man, alam kong may isang pahinang magpapa-alaala sa akin. Yun oh.

At heto nga:

  • nag celebrate ako ng aking ika-3__ birthday (ang makahula may premyo) whe, di nga 🙂 pero hindi na ako naghanda sa kadahilanan tinatamad ako. #Nagkuripot na naman #tamad lang talaga.
  • dahil birthday month ko ang Abril, nag request ako sa opisina ng maagang Summer getaway, ang taray noh, special request pa. Ang kinabagsakan Corregidor Island, Cavite.
  • Malapit na ang #Eleksyon2013, kaya nag volunteer ako bilang non-partisan, hindi na sa PPCRV-NAMFREL kundi sa LACER bilang MEDIA man.. mapakinabangan naman ang aking kadaldalan at talento sa galaan at pakikipagpuyatan (oh pimples be ready next week)
  • Isa sa pangarap ko ang makapag-donate ng dugo, ngunit sa madaming pagkakataon na akong sumubok laging na dedeny ako, kundi overweight na mataas ang bp, underweight naman… pero this time totoo na ito. Kailangan palang biglaan, yung tipong hindi ka handa, habang nasa mall ako at nabasa ang Blood Donation ng mismong araw na yun, nagbakasali akong makakapag donate na at tumpak #pagkakataon nga naman, pumasa ako, tinanggap ang timbang ko, naks ang nagagawa ng motivation sa sarili nagawa kong ma maintain ang timbang na angkop para makapagbahagi ako ng dugo. :yupi: i did it.. sarap ng feeling kahit mahilohilo ako after.
  • kahit naman sa kabila ng aking kagagahan at walang humpay na pagiging pasaway sa mundo, hindi ko pinapalagpas na matapos ang buwan ng kapanganakan ko na  hindi ko nagagawa ang magbigay ng munting ngiti sa mga taong hindi ko kakilala at kaanu-ano,  nag grocery ako ng kaunti at ibinigay sa isang pamilya na nasubaybayan ko sa tuwing bababa ako ng kabundukan na kahit na nagtatanong kung kaninong kandidato galing, isang ngiti na lang ang aking tugon. (sekretong malupit po) ayaw ipaalam kasi hindi naman po iyan kalakihan. Ang mahalaga ay nakapagbahagi ako kahit sa munting paraan na alam kong kaya ko, Share your blessing ika nga, Sapat na ang salitang SALAMAT NAMAN ay may PANGHAPUNAN na KAMI. (kaya mga friendship, sana maunawaan ninyo kung bakit hindi ako nanlibre, dahil sagana na kayo sa LIBRE. hayaan nyo naman makaranas ang ibang tao.) #NagkukuripotLangSaInyo understand…
  • Sa isang buwan na nakalipas, wala man akong hawak na CASH o pang gimik kung kelan ang daming SALE sa MALL, alam ko. Bukas uulan ng pera galing sa KANDIDATO.. and I ‘m reminding  you My Vote is NOT for SALE sa halagang 500 pesos. DAGDAGAN NYO NAMAN yung tipong  pwede kong gawing pamasahe papuntang MOON. 🙂 binubuwan din ako.

At dahil drama ko ito kailangang may photo cover ang birthday girl noh….

SO HOT IT BURNS- umulan na kaya at naligo ako sa UNANG ULAN ng MAYO..

sexy-1367891222.97

syete-de-mayo

05.07.13

~yeHey~

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s