Relationship Status: COMING SOON

Dear Status,

Musta ka na,SINGLE ka pa rin ba tulad ko? O nag-asawa ka rin tulad nila. Bahagi ka ng buhay ng bawat isa, tulad ko, na ngayon ay naisipang sulatan ka.

Bakit nga ba? Di naman buwan ng Pebrero para sabihing Buwan ng Puso, MAYO ngayon at buwan ng mga bulaklak, Anong Koneksyon?

Tanda mo pa ba, halos isang dekada na nang minsan ay ma-excite ka ng ipakilala ko sa iyo si In a Relationship. Alam kong masayang- masaya ka dahil sa halos araw-araw nasusubaybayan mo ang aming samahan, ang aming kasayahan, kalungkutan, away-bati session. Sabi mo nga, Salamat, hindi ka na mag-iisa, may kasama ka na. May kasabay sa pagkain, pero bilin mo huwag munang pasasabayin sa pagtulog, hehe, sabi mo kasi “bata ka ako” hintayin ko munang makilala si Engaged o kaya si Married para naman masaya.

Akalain mo yun, dahil nakinig ako sa iyo, na huwag masyadong padadala sa mga hamon ni In a Relationship. Dala ng kabataan, hindi pa nga siguro panahon upang makilala ko si “Engaged” sa halip ipinakilala mo sa akin si It’s Complicated. Siya ang nagmulat sa akin sa maraming bagay ukol sa pakikipag relasyon. Sa kanya ko natutunnan na kahit hindi okey ang lahat, kaylangan kong matutong tumanggap na may mga bagay na talagang hindi inilaan para sa atin, na ang Status ay may kanya-kanyang panahon ng pagdating.

Opps, natatawa ka ba, dahil mas matured na ako ngayon kesa ng una akong sumulat sa iyo dahil kay It’s Complicated. na halos hindi mo na mabasa dahil sa patak ng mga luha.

Ang bilis ng panahon no, matuling lumipas ang araw, buwan, taon at heto isa pa rin akong matatag na SINGLE na hindi nawawalan ng PAG-ASA na isang araw makikilala ko pa rin si Married, na minsan mo nang ipinaalala sa akin ng maghiwalay kami ni In a relationship, na hindi pa katapusan ng lahat, kung si separated, widowed at divorced ay muling nakakatagpo ng pag-ibig, ako pa ba na isang certified SINGLE.

Kaya heto, dinalaw ulit kita, Alam kong HINDI lang ako ang SINGLE sa mundo, MADAMI Kami diba.

At may regalo ako sa iyo, na alam kong inaabangan mo ng todo. Matutuwa ka dahil ang Relationship Status ko:

new status

parang nasa sinehan lang oh…

Hanggang sa muli,

~Still Single at Thirty …~

Advertisements

2 thoughts on “Relationship Status: COMING SOON

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s