Magkakapatid sa Ama

Linggo, walang magawa kaya’t nagpunta ako sa kabilang bahay.

Ano yang mga papel na yan? tanong ko kay Jonas.

mga papel ni Mama, sagot ni Jonas na abala sa pag co computer

Lumapit ako at tiningnan ang tambak ng papel sa lamesa. Mga birth certificate. Teacher ng Grade one sa kabilang barangay ang hipag ko. Kumuha ako ng isang piraso at binasa. Nang biglang lumabas sa pintuan ang hipag ko.

Hay, naku Linggong-linggo dami kong ginagawa,inaayos ko ang mga pangalan ng bata. Nakakalito kasi ang spelling kaya hayan iniuwi ko at ng ma tsek.

Madami kang estudyante ngayon?

40 lang, buti nga bumama, di katulad noong isang taon singkweta.

Ah, hawak ko pa rin ang isang piraso ng birth certificate ng bata, na curious ako sa pangalan ng bata.

Grabe mga pangalan ng bata ngayon no..

Francois Sylvestre Terrible Mulingtapang….ang haba ah…

Wala na yatang nagpapangalan ngayon ng galing sa kalendaryo

At pareho kaming napangiti.

Kinuha ko tuloy ang iba pang kopya. Naaliw akong magbasa ng mga pangalan ng bata.

Ako kaya, anong ipapangalan ko sa aking magiging anak.

Mag-asawa ka muna kaya, bago mo isipin ang pangalan ng bata.

pareho ulit kaming tumawa.

Dahil sa kabilang barangay nagtuturo ang hipag ko hindi ko na masyadong kilala ang mga magulang na nakasulat sa birth certificate, patuloy kong inisa-isa ang mga pangalan

pangalan ng bata
kapanganakan
pangalan ng ina
pangalan ng ama

hmmm. napaisip ako.. nakaka-ilan na ba ang nakikita kong pareho ang pangalan ng ama.

muli kong binalikan ang nga birth certificate..

isa

dalawa

tatlo

apat

napatingin ako sa hipag ko sabay tanong

madami ka palang estudyanteng mag kakapatid sa ama

at nanlaki ang mata niya. Sino sino yan, kaw ha

tingnan mo sabay abot sa kanya ng apat na birth certificate

pare-pareho ang pangalan ng tatay nila

-UNKNOWN-

at pareho kaming tumawa…

h’wag naman sanang si unknown din ang maging ama ng anak ko…

kapag nagkataon, ang dami nilang magkakapatid sa ama.

whaaaa…..

Advertisements

2 thoughts on “Magkakapatid sa Ama

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s