N K blog K N?

Na ka blog ka na?

ang tanong sa akin.

oo, yan ang sagot ko

Napaisip ako sa tanong niya, hindi ba kapanipaniwala kung N K blog N ko, yan kasi yung title ng site ko

Sa totoo lang hindi ko naman alam kung anong patutunguhan ng ginagawa ko. Ang gusto ko lamang ay magkaroon ng lugar kung saan ko maisusulat ang mga ka-ek-ek-kan ko sa buhay.

Pampalusog kasi ng memorya ang pagsusulat, higit lalo kung ito’y malimit mong balikan.

Simula yata ng magkaroon ako ng access sa internet ay tumumal na ang pagsusulat ko sa aking journal. Ni hindi ko na nga nabubuksan ang binili kong executive diary dahil inuubos na ng pag cocomputer ko ang aking oras.

Nag try akong gumawa sa blogger pero di ko rin naman na update. Siguro dahil busy ako sa pag uupdate ng status ko sa aking Facebook account at sa iba pang mga social networking site.

Ano nga raw ba ang mga pinagsusulat ko sa blog ko,

At ano nga ba ang mahihita ko rito? Ganansya, kikita ba ako. hindi ko alam.

Dahil para sa akin, sapat na ang maisulat ko at maipahayag ang aking saloobin at karanasan ko, mga pang-araw-araw na gawain.

Marami akong gustong isulat at ibahagi, kung may bumasa man o wala wapakels, dahil para sa akin sa pagsusulat ko, unti unti kong nauunawaan ang aking sarili at natuto akong bumasa, sumulat, mag-isip, kumatha at magbahagi.

Kaya ng inulit sa akin ng tanong N K blog K N?

Basahin mo kaya, para naman malaman mo tapos mag comment ka.

Di ba mas maganda na kesa hangarin mong hanapin sa kwarto ko ang itim na libro para lang mabasa mo ang mga sinulat ko.

Ngayon naka PUBLIC na ang Diary ko kaya nasabi kong N K blog N Ko!

dahil ito ay kwentong AKO. yeHey!

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s